Make your own free website on Tripod.com

PINOY QUOTES 4

Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

Original

0001. Lost? In what sense? Lost you? No, I didn’t cause you were never mine. Lost the fight for your heart? Yes, perhaps. Even before it has begun. Lost in love? Indeed. Cause I got lost in your eyes. 

0002. You’re not a mere human as you can see, not like what you want yourself to be. You’re not a mere angel as what you wished you could have been cause beyond the wings, you wore the eyes of love. 

0003. Kaibigan. Ito ang tawag ko sayo at siguro kahit kaibigan, wala ako para sayo. Pero bakit ganon? Kaibigan ka rin lang naman sa kanya, ah? Eh bakit di mo siya makalimutan? Ah, oo nga pala. Mahirap. Parang nung minahal kita.

0004. Sabi mo noon kalimutan ko na siya. Sabi mo rin ayaw mong nakikitang nasasaktan ako, diba? At sinabi mo pa nga noon na tanga lang siyang pakawalan ako. Eh ganon naman pala, eh. Bakit ngayong ikaw na yung mahal ko lumuluha pa rin ako?

0005. Akala ko ok lang. Hindi naman bawal magmahal eh, diba? Ah, siguro akala ko lang yun. Kanina kasi nilapitan kita at binulong ko sayong mahal na mahal kita. Hindi ko naman inasahang mamahalin mo rin ako, eh. Pero hindi ko rin naisip na kaibigan ko pala ang mahal mo. 

0006. Noong sinabi ko sayong mahal kita, tumawa ka lang. Bakit? Seryoso naman ako, ah? Pinakita ko sayo, hindi mo napansin. Lahat binalewala mo. Pero alam mo lang ginawa ko? Sinabi ko lang sa puso ko, “Sana manhid rin ako, no?” 

0007. Tumingin ako sa mga mata mo habang umiiyak ka. Nilapitan kita at sinabing, “Tahan na.” Tinanong mo ko, “Hindi ba pwedeng mahalin niya rin ako?” At ang sagot ko sayo, “Yan nga rin dapat itatanong ko sayo, eh.” 

0008. Sa katahimikan ng paligid, nalaman ko na lang na lumuluha na naman ako. Lumapit ka at sinabi, “Oh, bakit ka umiiyak?” Hindi ako nakasagot. Tapos sabi mo, “Kaibigan mo naman ako, eh. Pwede mo akong iyakan.” At sabi ko, “Yun na nga, eh. Kaibigan ka lang.” 

0009. Sabi mo mahal mo siya, pilit akong tumawa. Sabi mo mahal ka rin niya, ngumiti ako nang hindi mo mahalata. Sabi mo kayo na, tumahimik lang ako’t lumuha. Nagtaka ka at nagtanong kung bakit. Ang sabi ko, “Mahal lang naman kasi kita.”

0010. Ang tagal kong tinago ang nararamdaman ko para sayo. Napaniwala kitang siya nga ang mahal ko. Mali nga siguro pero natakot lang naman ako, eh. Natakot ako na pag inamin ko, iwasan mo ako. At isa pa, may mahal ka na namang iba, diba? Ang hindi ko lang alam, ako pala yun.

0011. Kagabi, may bumisita saking angel. Nagpaalam siya dahil kukunin ka na raw niya. Alam mo kung bakit di niya ginawa? Sabi ko kasi, “May langit na kayo. Wag niyo naman kunin sakin ang langit ko.” 

0012. I am human and you but an angel. I fell in love with you and I admit I can’t help myself. I know, though, that a mere human can never love an angel so I needed to leave. Not because I gave up on you but because I just can’t follow the rule.

0013. Akala ko ba ako ang mahal mo? Akala ko ba ang mahal mo yung ako? Eh bakit mo ako pilit na binabago? Ah, oo nga pala. Hindi yun totoo. Alam mo kung bakit? Kasi ang minahal mo lang ay yung babaeng nandiyan sa panaginip mo.

0014. Dati, sabi ko sa sarili ko hinding-hindi na ko magmamahal muli. Pero nung nakita kita, nagdalawang-isip ako at sinabing, “May magagawa pa ba ko eh mahal ko na?” 

0015. Totoo bang minahal mo ko o isa na naman lang ba ito sa mga paraan ng panggagamit mo? Kung nagsisinungaling ka, tama na, ayoko nang magpakagago. Gago na nga ako nung minahal kita, eh. Gagaguhin mo pa ba ko? 

0016. Nilapitan ako ng angel kanina. Magpaalam na raw ako sa mga taong maiiwan ko. Bukas raw kasi eh kukunin niya na ko. Sabi ko wag na, handa na ko. Tapos sabi niya, “Pano yung mahal mo?” Ngumiti lang ako at sinabing, “Sino ba nagsabing iiwan ko si Ace?” 

0017. Kahit mahirap, minahal pa rin kita. Kahit sobrang masakit kasi hindi mo naman ako mahal. Tiniis ko lahat, pinigil ko ang bawat luha. Pinaglaban kita pero ano? Sinumbat mo pa saking hindi naman kita minahal.

0018. Maraming beses ka nang nasaktan. Ano pang ginagawa mo diyan? Pinagtatabuyan ka na nga, pilit mo pa rin siyang pinaglalaban. Manhid ka ba? Hindi ka niya mahal. Hindi ka niya pwedeng mahalin dahil akin ka pa.

0019. Umiiyak ang puso ko. Alam mo bakit? Kasi ikaw pa yung minahal ko! Alam ko namang alam mong masakit, eh. Kasi, diba, may mahal rin siyang iba? Kaya nga minsan naiisip ko, hindi kaya ginaganti mo lang siya? Paano kasi, yun rin ginagawa ko sa kanya.

0020. Paano pag nalaman mong mahal kita? Seryoso ako. Paano pag nalaman mong ikaw lang pala talaga? Iiwasan mo ba ko? Wala lang. Pano kasi, itong puso ko ang kulit. Sabing di na pwede, eh. Minahal ka pa rin!

0021. Nung nalaman mong mahal kita, alam kong wala ka nang balak na ako’y kausapin pa. Aalis na nga dapat ako nun at tatalikuran ka pero sinubukan kong magpaalam. Nung lalapitan na kita, ikaw yung nang-iwan. Dapat kasi ginawa ko na, eh. Yan tuloy. Lalo lang akong nasaktan.

0022. Bakit ganon? Kahit gaano na niya ako sinaktan, sige pa rin ako? Kahit tanga na nga ako, eh. Kahit alam kong ginagago lang ako. Hay, akala ko nun madali lang. Hindi pala. Tapos naisip ko, natural! Biro lang kasi yun dati. Eh tinotoo ng puso ko.

0023. Alam mo? Nawala ako nung tumingin ako sa mga mata mo. Tapos sumunod nun, nakita ko yung sarili kong nahuhulog. Wirdo, no? Pero alam mo? Totoo. Tingnan mo pa ang puso ko, dumudugo. Alam mo kung bakit? Hindi mo kasi ako sinalo.

0024. Sabi mo mahal na mahal mo ako. Alam ko namang ang ibig mong sabihin dun pagkakaibigan lang, diba? Pero bakit ganon? Umaasa pa rin ako na higit pa dun yun? Ah, siguro dahil tanga ang nagmamahal, diba? Parang ako. 

0025. Sabi mo, pag nagunaw ang mundo, lahat ng bagay maglalaho pati yung taong mahal ko. Nung una, natakot ako. Tapos naisip ko, angel ka nga pala. Napangiti tuloy ako.

0026. Hayan ka na naman, umiiyak. Nilapitan kita at sinubukang patahanin. Sinubukan kong saluhin ang mga luha mo. Kaso nabigo ako. Tapos naalala ko, hindi nga pala ako nabubuhay sa mundo mo.

0027. Alam mo? Nung napatingin ako sa langit, napaiyak ako. Narealize ko kasi na napakalayo ng angel ko. Tapos lumapit ako sayo. Akala ko mapapatahan mo ko. Hindi pala. Nung nakita kasi kita, naisip ko. Bakit ganon? Yung taong mahal ko, katabi ko na pero ang layo pa rin.

0028. Mali ako nang inibig kita. Mali ako nang tumingin ako sayong mga mata at sinabing hindi kita mahal. Mali ako nang nagkunwari akong ok lang sakin na mahal mo siya. At mali ako nang pinilit ko ang sarili kong magmahal ng iba gayong alam ko naman na ikaw lang talaga.

0029. Bakit ganon? Pag nagmamahal ka, kahit masakit, tahimik ka lang. Kahit alam mong kaibigan ka lang, sige ka pa rin. Kahit ginagago ka na nga, eh. Kahit alam mong ginagamit ka lang. Tapos naisip ko, kaya ka nga nagmahal, eh! Para magpakatanga!

0030. Umiiyak ako dahil sayo. Hindi naman kita masisisi, eh. Dahil kasalanan kong mahulog para sayo. Pero sana lang maalala mo na tao lang rin naman ako, eh. Nasasaktan kahit di ko gusto. 

0031. Takot akong mahalin ka. Takot ako kasi alam kong nandiyan siya. Takot ako kasi alam kong may mahal ka nang iba. Takot ako kasi alam kong kaya ako natatakot mahalin ka ay dahil mahal na nga kita. 

0032. Nagmahal ako, iba ang minahal niya. Tumahimik lang ako at sinubukang magmahal ng iba. Nang ako’y magmahal nang muli, wala akong magawa. Iba pa rin kasi ang minahal niya. Ang masakit pa dun, iisa lang sila. Yung kaibigang tinatakbuhan ko pag may problema. 

0033. Tinatanong mo sakin kung sino ang mahal ko, di mo mapiga. Matagal ka nang nangungulit pero di mo pa rin alam. Kaw naman kasi, sinisigaw na ng puso ko yung sagot, di mo pa pakinggan. Kung pwede nga lang, matagal ko na sayong sinabing, “Sino pa ba edi ikaw! Tanga!” 

0034. Kagago: Nagmahal ka. Sa puso mo, buo na ang pag-asang mamahalin ka rin niya. Sa isip mo nga’y inaangkin mo na. Tapos tumingin siya sayong mga mata sabay hirit, “Kaibigan mo siya, diba?” Tangina!

0035. Umiiyak ka dahil binabalewala ka ng taong mahal mo at tinuturing kang parang multo. Pero diba mas nakakagago kung makikita mong sinasaktan ng iba ang iniiyakan mo? Di mas ginagago mo pala ko? 

0036. Masakit: Mahal kita kahit alam kong di na pwede dahil nandiyan na siya. Maghihintay ako at magbabakasakaling maalala mo na minsan habang tumitingin ka sa mga mata ko, sinabi mo na mas mahal mo ako. 

0037. Minsan, isang araw, nasaktan ako. Minsan, isang araw, lumuha ako at minsan isang araw maaalala ko na minsan, isang araw, nagmahal ako sayo. 

0038. Mahal niya ko, mahal kita at ikaw naman may mahal ding iba. Pero sana lang malaman mo na ako nagmahal ng iba dahil totoo. Di katulad mo. Nagmahal lang ng iba para saktan ako. 

0039. Patawad, kaibigan, kung lalayo ako. Alam kong taliwas ito sa aking pangako. Pero sana maintindihan mo na iba kasi noon. Dati, walang kaso kung siya ang mahal mo pero ngayon, sana malaman mo, na bawat saglit, namamatay ako. 

0040. Last night, I held your hand and whispered “I love you” then I closed my eyes and fell asleep beside you. The thing is, I never woke up. I want you to know that I sold my soul to the devil so I can stand up to him and say, “Kita mo kung gaano ko siya kamahal?” 

0041. Last night, I was staring at the sky thinking of you when a star came falling in the darkness. I caught it and said, “I wished my whole lifetime that he would love me back but he never did. Now I wish it just won’t hurt like hell.” 

0042. Here we go again, he broke your heart and you ran to me to comfort the pain. You told me the same line, that soon enough you’ll get over him. Then I smiled and told you, “If only it was that easy then I’d be over you too.” 

0043. I ain’t gonna love you, I ain’t gonna fall, I ain’t gonna like you or know you at all. I ain’t gonna tell you that I ain’t gonna cry cause I ain’t gonna tell you that I’ve been lying all these time.

0044. It was okay for me that you broke my heart. It was you who broke it and it’s for the best. Though I know broken hearts hurt like hell, I went on. Thinking that if I had even a tiny piece of that heart, I’ll have you and I’ll have myself back again. 

0045. Umiiyak ka na naman. Dahil sa kanya ba? Tangina! Ba’t ba ang manhid niya? Di ba niya alam na mahal mo siya? Na ang tanga niya ng sobra para saktan ka? Kung alam niya lang, ako nandito at naghihintay na mahalin mo.

0046. Magkaibigan pa ba tayo? Parang hindi na, eh. Hindi na tayo katulad ng dati. Noon kasi, nandiyan ka, nandito ako. Mahal kita, ewan ko ako kung minahal mo. Pero ngayon, hindi ko alam. Nasasaktan na yata ako na ako lang ang nagmamahal. 

0047. Minahal kita, oo. Pero tapos na yun, ok na ko. Kaya ko na, siguro nga, na wala ka na sa buhay ko. Kahit masakit, sige lang, kung ito ang gusto mong sabihin ko. Para sayo. Kahit di totoo. 

0048. Tinanong mo noon kung pwede pa ba kong mahalin mo, di ako kumibo. Ikaw naman, tumahimik lang. Ngayon di ko tuloy alam. Seryoso ka ba nun o nagbibiro lang? 

0049. Tahimik ka masyado. Galit ka ba? Dahil ba sa nalaman mo nang mahal kita? Kung manhid lang kasi ako, di sana ok lang. Hindi naman kasi ako nagmamakaawang mahalin mo, eh. Pero sana, wag mo kong saktan. 

0050. Hindi ako umiiyak sa harap mo pero alam kong pagtalikod mo, pansin mo ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ka bulag at lalong hindi ako. Problema lang, hindi mo alam na ikaw iniiyakan ko. 

0051. Masakit. Bakit kailangan mo pa kong saktan? Tanggap ko na, diba? Na hindi mo ko mahal? Eh bakit kailangan mo pang sabihing minsan minahal mo rin ako? Para ba mahalin ulit kita’t masaktan ulit ako?

0052. Minsan minahal kita pero ang minsan dun, habang buhay yata ang tagal. Minsan nasaktan ako dahil nalaman kong ang minsan pala para sayo ay ang isang saglit ng minsang minahal mo rin ako. 

0053. Mahal kita. Ang sarap sabihin, diba? Masarap din namang pakinggan. Pero alam mo kung ano ang masakit sa “mahal kita”? Ito. Siya ang sinasabihan mo. Hindi ako.

0054. Sabi mo, iiwas ka na’t lalayo. Tinanong kita kung bakit, sabi mo dahil ayaw mong nasasaktan ako. Hinayaan kita kahit ayaw ng puso ko. Ngayon ito ang tanong ko. Hindi mo man lang ba naisip na siguro, mas masasaktan ako? 

0055. Have you ever fallen real hard for someone who had already fallen for someone else? I wish you won’t. As much as I know, it hurts real bad. Trust me, I’ve learned. I’ve learned from you. 

0056. Sa bawat saglit na umiiyak ako at sa bawat sandaling minamahal mo siya, hindi ka man lang ba nagtaka? Hindi mo man lang ba naisip na sa bawat saglit na umiiyak ka at sa bawat sandaling minamahal kita, nakakasakit ka na? 

0057. Mali dahil kahit pag-aari ka na ng iba, mahal pa rin kita. At siguro nga mali pa rin kung iiwas ako sayo na kunwari’y balewala lang na wala ka na. Hindi mo alam at siguro kahit kailan ay hindi na rin, na masakit para saking nandiyan ka nga pero di ka naman akin. 

0058. Wag kang umiyak. Hindi ka dapat umiyak. Hindi lang nila alam kung gaano ka kahalaga. Alam ko masakit pero masakit rin naman para sakin na pinaglalaruan ka lang at ginagago habang ako, nandito, nagmamahal sayo. 

0059. Mahal kita kahit ano pang sabihin nila at kahit gaano pa ko masaktan. Wala akong pakielam kung hindi mo ako mahal basta ako, mahal kita. Oo, mahal kita kahit gaano kamanhid ka pa.

0060. All over again, my tears would come to fall. All over again, I’d stand up and uncry them all. All over again, you’d hurt me and you’d say goodbye. But I guess I’m stupid cause all over again, I start to cry.

0061. Inakala mo bang hindi ka niya mahal kaya’t iniwan mo siya, pinabayaan sa nakaraan at binalewala? Inakala mo bang hindi ka niya mahal kaya hindi ka naghintay? Kaya umalis ka, na ang buong akala, mali pala.

0062. You are my life. I love you far more than this heart could ever try. And thus, I’m hurt far more than I could survive. You are my life, yes, it’s true. And no one else could kill me like the way you do. 

0063. Matagal na kitang mahal. Alam kong alam mo. Pero bakit ngayon ko lang nalamang minahal mo rin ako? Sana noon pa, nang naamin ko sana sayo, na binawi ko lang naman yun kasi nga sinaktan mo ko. 

0064. These tears flow as if I don’t feel. I’m too hurt that I’m numb of what to you is real. I won’t cry, I won’t weep cause even if I do, you won’t give a damn. I admit I love you but these tears are stupid cause you are not mine. 

0065. Sabi mo masakit pag hindi ka pansin ng mahal mo, masakit pag umiiwas siya at pinagmumukha kang gago. Kung alam mo lang, mas masakit yata ang magtiis at magpigil ng luha sa pag-iyak dahil lang napakamanhid mo para malamang ikaw ang mahal ko. 

0066. Kanina nakita kitang may kasamang iba. Sabi mo pinapili ka niya. Ang mahalin siya o ang kunin niya ang buhay ko. Alam mo, ang sakit, eh. Mas gugustuhin ko pa yatang pinatay mo na lang ako.

0067. Sige na, mahal mo na siya kung mahal mo. Ngingiti lang ako kahit umiiyak na ang puso ko sa sinabi mo. Gusto kitang maging akin pero wala akong magagawa. Paano kasi, mahal nga kita pero may mahal ka namang iba.

0068. Sa buhay, maraming kailangang pabayaan at pakawalan, maraming sakit ang kailangang matikman. Pero paano ko nga ba pipigilan ang puso kong mahalin ka kung kahit gusto na kitang iwan ay paulit-ulit kitang binabalikan?

0069. Alala mo nung umalis ako? Nung sinabi kong paalam at tumalikod ako? Marahil natatandaan mo. Kaya ngayon, kahit huli na ang lahat, aaminin ko na mahal pa rin naman kita nun, eh. Akala ko lang kasi hahabulin mo ko. 

0070. Pinagsisisihan ko na noon, nung tinanong mo ko, hindi ako nagsalita. Sabi mo pa nga mahal mo ko’t wala nang iba pa. Pinagsisisihan ko na hindi ko sinabi at nainip ka sa paghintay. Pinagsisisihan kong hindi ko sinabi, “Oo, mahal kita.”

0071. Sinaktan mo ko, umiyak ako’t sinabi, “Mahal kita.” Binalewala mo ko, tumahimik ako’t bumulong, “Mahal pa rin kita.” Pinabayaan mo ko, nanahan ako’t inisip, “Habang buhay, mahal kita.” Iniwan mo ko, tumigil ang pintig ng puso ko’t sinabi, “Di ko kayang mawala ka.”

0072. When I say I’m in love, I don’t just mean I simply am. When I say I love you, I don’t just mean I simply do. Cause when I say these things, they’re as good as saying, “Pano ba yan? Ikaw ang buhay ko.” 

0073. Sabi ko sayo mahal kita. Masakit na pero mas nasaktan pa ko nung sinabi mo saking may mahal ka nang iba. Gusto ko nang umiyak nun, dahil sa kitid ng utak mo. Bakit? Hiniling ko ba sayong mahalin mo rin ako? 

0074. You said he loves me. I said, “Who cares?” You said, “Aren’t you happy?” I said I’m not. You asked why. I looked down and cried. Then softly, I whispered, “You don’t need to know.” 

0075. Mahal kita. Mahal na mahal. Mahal na kahit na nasasaktan ako, ok lang. Mahal na kahit umiiyak na ko, sige pa rin. Mahal na kahit hindi dapat, pinaglalaban ko pa rin. Kahit di ka naman akin.

0076. Mahal kita pero di kita kayang abutin. Mahal kita pero kahit kailan hindi ka magiging akin. Mahal kita pero hindi ko sayo maamin. Ang tanga ko kasi, magmamahal lang ako, anghel pa sa langit.

0077. Sabi mo nasaktan kita. Nasasaktan mo rin ako, di mo ba alam? Lihim akong lumuluha para hindi mo makita. Umiiyak, nagtitiis, nagmamahal. Tapos ikaw? Ipagpipilitan mong nasasaktan ka dahil may mahal akong iba?

0078. Balita ko mahal mo pa siya. Wag kang mag-alala, hindi naman ako umaasa at pababayaan lang kita. Sana lang wag kang iiyak dahil sa kanya, ha? Ok na sakin na masaya ka. Wag lang lumuluha at sinasaktan ng iba.

0079. Akala ko nun, nung nawala ka sakin, nawala ka lang kaya hinanap kita. Pero ilang luha na rin ang naiyak ko at ilang araw na ang nasayang sa paghihintay. Ngayon tatanggapin ko na. Hindi ka lang nawala. Wala ka na.

0080. Minahal mo ba ko kahit sandali? Sapat na sa akin ang isang saglit. Sana kahit papano ay minahal mo nga ako. Dahil mahal kita at masakit para saking mabuhay gayong ang bawat pintig ng puso ng buhay ko’y para sa iba. 

0081. Pag sinabi kong mahal kita, mahal kita. Wag mo sanang isipin na pinaiikot lang kita. Ang sakit kasi, eh. Alam kong tanga ako para magmahal ng taong may mahal nang iba pero hindi ko kayang saktan ka. Pwede ba? Hindi ako ganon katanga.

0082. Mahal kita. Pinakita ko, pinaramdam, sinabi ko pa sayo pero binalewala mo lang. Nilapitan kita at sinumbatan. Sabi ko manhid ka pero bakit ganon? Ako yung nabara nung sinabi mong, “ Kung manhid ako, ano ka pa?”

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com