Make your own free website on Tripod.com

KILIG QUOTES

Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0001. Mahal kita. Pinakita ko, pinaramdam, sinabi ko pa sayo pero binalewala mo lang. Nilapitan kita at sinumbatan. Sabi ko manhid ka pero bakit ganon? Ako yung nabara nung sinabi mong, “ Kung manhid ako, ano ka pa?”

 

0002. If in time you just want to give up and fall, go ahead for I will catch you. But if again you fall, I’ll just tap you on your shoulder and say, “Halika nga dito. Hindi na kita bibitawan.”

 

0003. Tonight, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall slowly fade but still, you might never know. Sa milyong bituing nakikita mo, ano nga naman sayo kung mawala ako?

 

0004. Everytime you cry for the person you love, I often tell you, “Mahal mo nga siya talaga.” Not knowing that while you’re crying, I also cry secretly saying, “Di ba pwedeng ako na lang mahalin mo?”

 

0005. I’ve always thought that you feel the same way I do. I was very happy but when I turned my back, I saw you with someone else. I asked you, “Bakit mo ako pinaasa?” You said, “Di kita pinaasa. Mahal kita! Magkaibigan tayo, diba?”

 

0006. Naging tayo nung wala na kayo. Sabi mo minahal mo siya pero mas minahal mo ako. Masaya pa nga tayo, diba? Ngayong bumalik siya, iniwan mo ko. Ngayon pa! Ngayong di ko na kayang mawala ka.

 

0007. Kung makakasama kita buong buhay ko, di kita iiwan, di kita pababayaan, di kita sasaktan, aalagaan kita, mamahalin ng sobra. Alam mo, gusto ko katabi kita ngayon para malaman mong ikaw ang buhay ko.

 

0008. Mahal kita kaya iniwan ko siya. Mahal kita kaya pinaglaban kita. Mahal na mahal kita pati buhay ko binigay ko na. Pero putang ina! Bakit di mo sinabing may mahal ka nang iba?

 

0009. Tanga ko daw pinakawalan kita. Tanga ko daw mas pinili kong lumisan ka. Tanga ko daw pumayag akong magmahal ka ng iba. Ulol sila! Bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal, diba?

 

0010. Gago ka! Hindi mo ko mahal, hindi mo ko naiintindihan at hindi mo ako pinapahalagahan. Pero mas gago ako. Alam mo kung bakit? Dahil mahal ko ang isang gago.

 

0011. Minsan kailangan mong maghintay. Minsan kailangan mong magtiis. Minsan kailangan mong umiyak para maipadama mo sa taong mahal mo na handa kang gawin ang lahat para lang sa kanya.

 

0012. Magmahal? Oo, marunong ako nun! Yung tipong tanga ka na, sige ka pa rin kasi mahal mo. Sayang talaga. Pero sa bandang huli itatanong mo, “Tanga ba talaga ko o nagmamahal lang?”

 

0013. Ganda ng ngiti, ah! Ah, dahil nga pala sa kanya. Bakit? Mahal ka ba nun? Totoo? Dahil kung hindi, nandito lang ako para iyakan mo. O di kaya mahalin. Kahit minsan lang.

 

0014. Kunwari masaya ako, kunwari ok ako, kunwari wala akong problema, kunwari nasa langit ako. Ok lang ba kung isipin kong kunwari mahal mo rin ako? Kunwari lang naman, eh.

 

0015. Minsan akala mo di kita love, minsan akala mo di kita miss, minsan akala mo di ako care sayo. Pero akala mo lang yun! Di yun totoo dahil ikaw ang buhay ko!

 

0016. Remember nung nagwish ka sa falling star na sana may magmahal sayo ng lubos? The next day, sabi mo sakin di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, love na kita bago ka pa nagwish.

 

0017. Sino ba mahal mo? Ay, siya ba? Akala ko kasi kahit papano mahal mo rin ako. Pero sige, ok lang. Basta ako, mahal na mahal na mahal kita. Tama na sakin yun.

 

0018. I came up to you and whispered, “Ace?” “Yes?”, you replied. “Wala lang”, I said. I then took your hand, held it close and said, “I just wanna know you’re there.”

 

0019. Mahirap talagang magmahal. Kung sino ang gusto ko, ayaw sakin. Kung sinong ayaw ko, siya namang may gusto. Kailan kaya magsasabay na yung taong mahal ko eh mahal rin ako? Malamang pag mahal mo na rin ako.

 

0020. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo rin seryoso ka. Nagpromise ka pa nga, diba? O, yun naman pala, eh. Pero bakit hindi tayo? Ah, siguro kasi nandiyan siya. At mas mahal mo siya, diba?

 

0021. It’s hard to keep your feelings to the one you love lalo na kung friend mo siya. But it’s harder to know na your friend feels the same way pala pero he can’t express it. Akala niya kasi friends lang talaga.

 

0022. Sabi nila iwan na kita. Sabi ko ayoko nga! Sabi nila masasaktan mo lang ako. Sabi ko mawawala rin yun! Sabi nila pinaiiyak mo lang ako. Sabi ko ok lang! Tinanong nila ko kung bakit. Sabi ko mahal kita. Natahimik sila.

 

0023. Mahal mo ba siya? Hmm, mahal ka ba niya? Hmm, kasi may gusto sana akong sabihin. Mahal kasi kita, eh! Kaya lang huli na yata. Pero kung wala na siya, nandito lang ako. Hihintayin kita.

 

0024. What if narealize mong hindi pala siya? What if narealize mong ako pala talaga? But what if nung time na yun may mahal na akong iba? And narealize ko rin na hindi talaga tayo para sa isa’t isa?

 

0025. Masakit pag ang tunay na mahal mo iniwan ka. Masakit na hindi mo na siya makikita at makakausap pa. Pero diba mas masakit yung iwan ka niya nang hindi man lang niya nasabi ang nararamdaman niya?

 

0026. Bakit ganon? May mga taong manhid. Hindi nila gets and nararamdaman na may nagmamahal sa kanila. Kahit obvious na nga, eh. Kahit lahat ng tao alam na. Kainis, no? Bakit? Guilty ka, no? Talaga! Dapat maguilty ka. Kasi manhid ka!

 

0027. Alam mo naman, diba? Na mahal kita. Alam mo naman, diba? Na ikaw lang talaga. Alam mo naman, diba? Na di ko kayang mawala ka. Alam mo naman pala, eh! Bakit mo ako iniwan at binalewala?

 

0028. It feels sad when we want to express our feelings to the person we love but holding back because they have chosen another. Then when they get hurt, we can only whisper, “Tanga ka kasi, eh. Di pa ako ang minahal mo.”

 

0029. Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong nararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking mga luha? Pareho lang naman tayong nasasaktan, eh. Ikaw sa kanya at ako sayo.

 

0030. Paalam na. Masyado nang masakit para ipagpatuloy pa. Isang malaking katangahan kung ipagpapatuloy pa. Ako muna’y lalayo, ako muna’y iiwas. Ngunit hinding-hindi ko makakalimutan na minsan sobrang minahal kita.

 

0031. Nung sinaktan mo ko, umiyak ako. Nung iniwan mo ko, tinanggap ko lang. Hindi kita pipiliting maging akin dahil alam ko kung sino ang magpapasaya sayo. Siya.

 

0032. Masakit. Hindi dahil hindi mo ako mahal kundi dahil hindi mo man lang ako sinubukang mahalin. Masakit. Hindi dahil mahal mo siya kundi dahil alam ko na kahit tayo na lang ang tao sa mundo, kahit kaibigan, wala ako para sayo.

 

0033. Masakit mang isipin, alam kong may iba ka na. Ayoko mang tanggapin, alam ko na mahal mo siya. Kaya ngayon nandito ako, nag-iisip at kung minsa’y umiiyak pa. Siguro dahil ikaw pa rin talaga.

 

0034. Bakit ganon? Kahit anong sakit tiniis ko, kahit anong hirap tinago ko, kahit anong kasalanan mo pinatawad ko. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sayo. Bakit ganon? Iniwan mo pa rin ako.

 

0035. Bakit ba ko nagpapakagago sayo? Ano bang meron ka at minahal kita ng sobra? Lalo mo kong sinaktan nang malaman mong mahal kita. Hirap sayo di ka naman niya mahal pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Mahal mo ba siya o pilit mo lang akong sinasaktan?

 

0036. Alam mo, ang dami ko nang mga bagong kaibigan, mas masaya at mas masarap kasama. Pero bakit ganon? Wala sila nung kailangan ko sila? Pero ikaw, nandiyan sa likod ko, tumutulong pala.

 

0037. Ilang beses mo na ko sinaktan? Ilang beses mo na kong pinaiyak at ilang beses na kitang pinatawad? Pero bakit di mo ko magawang pagbigyan na makasama at mahalin ka kahit minsan lang?

 

0038. Ayun siya, kasama ang taong pinakamamahal niya. Sila’y masaya, tunay na masaya. At heto ako, lumuluha at umaasa pa ring darating ang panahon na ako’y mamahalin din niya. Mamahalin din niyang muli.

 

0039. I’m an angel kicked from heaven kasi nakagawa ako ng bad. Ang punishment, bantayan daw kita para magbago ka. Pwede wag ka nang magbago? Para di na ako kunin sayo?

 

0040. Akala ko nun, tapos na. Akala ko nakalimutan na kita. Di ko inasahang aabot ng ganito. Nababaliw na ako sa pagmamahal sayo. Heto tanong ko. Ako kaya, minahal mo?

 

0041. May lumapit saking angel. Sabi niya bukas kukunin niya na lahat ng kayamanan ko. Ngiti lang ako. Tapos sabi niya kukunin ka rin niya. Aba! Sinapak ko nga! Sabi ko, “Kunin mo na lahat, wag lang buhay ko!”

 

0042. Nung makita kita, sabi ko ikaw na nga. Nung makausap kita, sabi ko ikaw na nga. Nung maging magkaibigan tayo, sabi ko ikaw na nga. Pero bakit nung nakita mo siya, sabi mo sakin siguro siya na nga?

 

0043. Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo. Muntik ko nang sabihin na mahal kita. Pero nung sasabihin ko na, napatigil ako dahil bigla mong sinabi, “Alam mo? Miss ko na siya.”

 

0044. Sana ako na lang yung kaharap mo nung sinabi mong “mahal kita” kasi yun din naman ang nararamdaman ko para sayo. Kung bakit kasi sa kanya pa. Yan tuloy, umiiyak ka na naman.

 

0045. Our closeness means a lot to me. You laugh, I laugh. You cry, I cry. You jump out of the window, I won’t. Instead, I’ll catch you and say, “Gago ka! Walang iwanan, diba?”

 

0046. Pwedeng pahiram ng cell? Tatawag kasi ako sa heaven. Irereport ko na nakita ko na yung nawawala nilang angel. Pero teka, ok ka lang ba? Baka kasi nasaktan ka nung nahulog ka.

 

0047. I fell for you and I know that it’s not right. That’s why I tried to be over you. I tried not to care and love you. But no matter what I do, everytime you’re near, I say, “Putang ina, yung mahal ko!”

 

0048. Sabi nila hindi ka daw para sakin. Di mo daw ako kayang ipaglaban. Sabi nila di ka daw para sakin. Ginamit at pinaglaruan mo lang daw ako. Pero alam mo lang ang sabi ng puso ko? “Kahit ano pang sabihin niyo, siya at siya lang ang mamahalin ko.”

 

0049. Kailan ba ulit makikita ang ngiti sayong mga mata? Magmula ng nawala siya, nag-iba ka na talaga. Alam ko kung gaano kasakit ang iyong nadarama. Pero di ka sana nasasaktan ng ganyan kung hinayaan mong mahalin kita.

 

0050. There are times I want to be mad. There are times I want to give you up. There are times I want to cry. But no matter how many times I think about that, I always end up saying, “Mahal na mahal ko talaga si Ace, eh!”

 

0051. Sabi ko mahal kita. Alam mo sabi nila? Para ano pa eh hindi mo naman daw ako mahal. Sabi din nila wala ka raw pakielam at mukha lang akong tanga. Nasaktan ako pero sinabi ko lang, “Eh, ano ngayun? Kung siya yung mahal ko, eh.”

 

0052. Pare, wag ka namang manhid. Hindi mo ba makita na mahal ka niya? Pare, wag ka namang manhid. Hindi mo ba nakitang napaiyak mo siya? Pare, wag ka namang manhid. Kawawa naman ang mahal ko. Pare, para sakin, alagaan mo.

 

0053. Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang. Tumalon ka at isigaw mo na mahal mo siya. Pero kung di ka niya saluhin, wag kang mag-alala! Ano bang silbi ko? Diba tagasalo pag wala siya?

 

0054. I miss the way you talk to me and the way you say, “Hoy, musta?” The way you wave and say, “Ingat ka, ha?” But the thing I miss most is when you say, “Ok lang yan. Nandito naman ako, eh.”

 

0055. Masakit kapag yung taong mahal mo, iniwan ka! Masakit kapag nakita mo siyang may kasama nang iba. Pero diba mas masakit kapag nakita mong mas naging masaya siya nung wala ka na?

 

0056. Ok na ko, hindi ka pa. Anong problema? Ako ba? Masaya na ko, malungkot ka. Bakit ba laging salungat ka? Tahimik na ko, utak mo’y magulo pa. Dahil ba ako ang kasama mo at hindi siya?

 

0057. Bakit ngayong wala ka na tsaka kita napansin? Bakit ngayong iniwan mo na ko tsaka kita binigyang halaga? At bakit ngayong may mahal ka nang iba tsaka ko lang nalamang mahal kita?

 

0058. Kailan mo masasabi na hindi mo na siya mahal? Yung talagang nakalimutan mo na siya? Yung kahit na magmakaawa siya, tatanggihan mo siya? Di mo masabi, no? Dahil ang totoo, siya pa rin talaga ang mahal mo.

 

0059. Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman, di ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ikaw kasi gago, siya naman manhid. Parang ikaw at ako. Ikaw ang manhid at ako yung nagpapakagago sayo.

 

0060. Whenever I make your phone beep, I know that at one point you’ve uttered “si Ace lang pala” and I couldn’t blame you for that. But at any rate, I just want you to know that this “Ace lang” cares for you so much.

 

0061. Kailan kaya darating yung araw na tayo’y magkakasama muli? Na tayo’y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa’t isa? Maghihintay pa rin ako pero kailan nga kaya? Ah, siguro pag nakalimutan mo na siya.

 

0062. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo lahat ginawa mo para sakin. Sabi mo nasaktan kita kasi iniwan kita. Sabi mo iniyakan mo ko. Eh, ako? Tinanong mo ba ko kung nasaktan ako nung pinabayaan mo ko sa kanya kahit alam mo na mas mahal kita?

 

0063. Iniwan kita di dahil ayoko na sayo, tinalikuran kita di dahil galit ako, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita. Umalis lang ako kasi ayoko nang umiyak habang nakikita kang masaya sa piling niya.

 

0064. Isang araw, lumapit siya sayo, nagmamakaawa’t umiiyak. Iniwan ka niya noon at sumama sa iba. Anong gagawin mo? Matutuwa? Magpapakatanga? O sasabihin mo lang na, “Sorry, ha? Sanay na kong wala ka.”

 

0065. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natira? Ako lang, diba?

 

0066. Sabi nila manggagamit ka daw, sabi nila hindi mo naman daw ako mahal, sabi nila nagtitiis ka lang daw sakin. Sabi ko sa kanila handa naman akong iwan mo, eh. Makita lang kitang masaya.

 

0067. Sayang hindi ko siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Sayang sinarado ko agad yung puso ko. Sayang iniwan ko na lang siya basta. Akala ko kasi mahal mo ko, hindi pala!

 

0068. Mahal mo ko, mahal kita. Alam naman natin yung dalawa. Masaya ako kapag kasama kita, sayo ako tumatakbo pag iniwan nila. Magkaibigan tayo, sabi mo nga. Pero hanggang pagkakaibigan na nga lang ba?

 

0069. Isang araw mawawala ka din sa isip ko. Meron ding papalit sayo. Di ko alam kung sino yun. Pagdasal mo naman, o? Na wag niya sanang saktan ang puso ko gaya ng ginawa mo.

 

0070. Masakit mang isipin na siya ang nasa isip mo, masakit mang isipin na siya ang kasama mo, mas lalo namang masakit isipin na siya ang buhay mo habang ikaw naman ang buhay ko.

 

0071. Marami akong hindi maintindihan. Sabi mo minahal mo ako pero bakit mo ako sinaktan? Kung gaano kita kamahal, ganun mo din ako sinaktan. Bakit ganon? Mahal ba kita dahil ganyan ka o ganyan ka dahil mahal kita?

 

0072. Nasaktan ka nung makita mong kasama ko siya. Nasaktan ka nung makita mong masaya ako sa piling niya. Nasaktan ka nung malaman mong mahal ko siya. Sana lang hindi ka masaktan, ha? Kasi hindi mo lang alam na ikaw talaga ang mahal ko at hindi siya.

 

0073. You always hear them say, “Kung may problema ka, nandito lang ako.” But in fact they are not really there when you need them. Eh, ako? Pasimple lang. Kunwaring walang pakielam pero maaasahan!

 

0074. I don’t know why I keep on texting you. Hindi ka naman sumasagot. Pero di bale, baka bukas o sa susunod na bukas o sa mga susunod pa, maawa ka din.

 

0075. Hindi mo ako sinalo nung nahulog ako. Hindi mo ako pinansin nung bumagsak ako. Dapang-dapa na ko, alam mo ba yun? Pero nung napansin ko na paalis ka, sinubukan ko pa ring tumayo muli para habulin ka.

 

0076. Ikaw ang buhay ko, ako ang kamatayan mo. Ikaw ang mahal ko, ako ang kaaway mo. Ikaw ang langit ko, ako ang impyerno mo. Ganyan ba ako talaga? Minahal naman kita ng sobra, ah?

 

0077. Sa buhay ko, meron akong minahal, merong minamahal at siguro may mamahalin pa. Alam mo kung saan ka dun? Ikaw yung tipong binabalik-balikan.

 

0078. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan, kung alam mo lang kung gaano ako nahirapan, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung alam mo lang siguro, hindi mo ako iiwan.

 

0079. Dati masaya ako kaya lang lumayo ka. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit. Saan ako nagkamali, saan ako nagkulang? Nandito ako ngayon, umiiyak at nagtatanong. Minahal mo nga ba talaga ako o pinagselos mo lang yung mahal mo?

 

0080. Kahit gaano kasakit, ok lang. Mahal kita, eh. Mas minahal kita nung sinaktan mo ko. Ang labo ko rin, no? Martir ako, eh. Tanga pa. Pero alam mo? Marunong din akong masaktan.

 

0081. Pag wala ka na, di na ako iiyak. Pag wala ka na, di na ako malulungkot. Pag wala ka na, di na ako matatakot. Pag wala ka na, di na ako magmumukhang tanga. Alam mo kung bakit? Kasi wala na rin ako.

 

0082. Tumingin ako sa langit, nakita kita. Binuksan ko ang radyo, narinig kita. Naghanap ako ng matatambayan, nakasama kita. Nanood ako ng TV, ikaw ang bida. Baliw na ba ko? O miss lang kita?

 

0083. Oo na, mahal mo siya. Ilang beses mo ba paulit-ulit sasabihin sakin yan? Kahit na masakit, pakikinggan pa rin kita. Sabi mo, eh! Pero tangina naman, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Nasasaktan rin naman ako.

 

0084. I know that you already found maybe the right person who you think will love you more than I do. Don’t worry, I’m not hurt. I’d just wait and if you come back, I’ll just say, “Wag kang mag-alala. Mahal pa din kita.”

 

0085. Sabi ko naman sayo hihintayin kita. Sabi ko magtitiis ako kahit gaano katagal. Pero bakit ang daya mo? Pagbalik mo kasama mo siya at sinabi mo pa, “Akala ko kasi nainip ka.”

 

0086. I don’t know why but I feel so depressed. I was wondering why and then you suddenly popped into my head. Now I know why I feel like this. Hindi mo nga pala ako mahal.

 

0087. I’m in love with you. Joke! Pero ang joke raw half meant more so the truth, sana biruin mo din ako kahit minsan lang na minahal mo din ako kahit sandali lang.

 

0088. Someone once asked me if I really love you. I just kept quiet, closed my eyes, smiled, opened my eyes and simply walked away. Then I whispered, “Mahal na mahal.”

 

0089. Sometimes I feel as if I don’t have any reason to live. I just want to disappear, escape and hide from the world. But when I think of you, I find myself saying, “Buti na lang buhay ako.”

 

0090. Nagmahal ka na ba pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang? Nasaktan ka na ba dahil alam mong mahal mo siya pero hindi mo maipakita? Nasubukan mo na bang magsisi dahil dapat sana’y sayo siya? Kung pinadama mo lang sana.

 

0091. Balita ko mahal mo pa siya. Totoo ba? Ouch! Pasensya ka na, ha? Mahal kasi kita. Pero kung ayaw niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.

 

0092. What would you do if we should part ways? Cry? Give up? Say goodbye? Me? I won’t do any. I’ll simply hold you close and gently whisper, “I’m staying.”

 

0093. Mahal kita, alam mo ba yun? Nag-aalala ako lagi sayo, alam mo ba yun? Ang tanga ko naman para magtanong. Syempre hindi, diba? Dahil habang nag-aalala ako sayo, habang minamahal kita, iniiyakan mo siya.

 

0094. Isang araw, parang mahal mo ko. Isang araw, di mo ko pinapansin at parang wala lang ako sayo. Isang araw, sabi mo mahal mo ko. Isang araw, sabi mo, “Hoy! Loko lang yun, ha? Baka seryosohin mo.”

 

0095. Masaya ako dahil masaya ka. Masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nakikita kong ok ka. Masaya ako dahil alam kong kaibigan kita. Pero masaya ka rin ba dahil nandito ako o masaya ka dahil sa kanya?

 

0096. Bakit ba ganon? Pare-pareho sila. Lahat iniwan ako, lahat sinaktan ako. Pero bakit ganon? Gusto ko pa ring magmahal? Alam mo kung bakit? Kasi alam kong darating ka.

 

0097. When everything seems wrong, I’ll hold your hand and tell you to move on. When you feel like bursting into tears and everybody leaves, tangina nila cause I’ll always be here for you! That’s a fucking promise!

 

0098. Anong ginagawa mo dito? Umiiyak lang naman ako, ah! Umalis ka na, wag ka nang mag-alala. Ok lang ako. Talaga. Hindi mo ko mapapatigil umiyak. Bakit? Ikaw ang nagpaiyak sakin, eh.

 

0099. Takot akong mawala ka. Hindi ko alam kung bakit. Di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka. Takot lang siguro akong dumating yung araw na mahal pa din kita kahit wala ka na.

 

0100. Sabi nila mahal daw kita kasi pangalan mo daw parati kong binabanggit, parati daw akong masaya pag nandiyan ka. Sabi nila aminin ko na daw sayo pero sabi ko, “Tsaka na lang. Pag mahal niya na din ako.” 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com