Make your own free website on Tripod.com

KILIG QUOTES 2

Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0101. Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal ng taong may mahal nang iba, mahirap ipagtanggol ang taong walang pakielam sa nararamdaman mo at higit sa lahat, mahirap masaktan nang wala ka namang karapatan.

 

0102. If you were here beside me, I would stare at your face, look into your eyes, hold your hand very tight and kiss you. Then as I look at your face, I would wish to God na sana akin ka na lang.

 

0103. Heto ako, malapit na sa taas, tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, kung kailan nasa dulo na ako, tsaka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako nang walang sasalo sakin?

 

0104. Wag mong isiping nag-iisa ka. Para saan pa ko? Wag mong isiping malungkot ka. Para saan pa ang mga ngiti ko? Pag inisip mo na wala nang nagmamahal sayo, para mo na ring sinabing wala nang Ace dito sa mundo!

 

0105. When you love someone, learn to forgive and forget. Yeah, that’s how love works. Pero paano pag paulit-ulit ka na lang niyang sinasaktan? Will you allow yourself to be stupid dahil lang sa lintek na love na yan?

 

0106. Gago ka ba? Iiwanan mo ako tapos babalik-balik ka ngayon? Anong akala mo sakin, tanga na magpapauto ulit sayo? Eh sira ulo ka pala, eh. Pero mas sira ulo ako sayo. Halika nga dito. Tagal ko nang hinintay pagbalik mo, eh.

 

0107. Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ako tanga. Hindi lang sila marunong magmahal.

 

0108. Nasaktan ka ba nung nalaman mong may mahal na siyang iba? Sana nga nandun ako, nang nabulong ko sana sayo, “Alam mo, yun din yung naramdaman ko nung sinabi mong mahal mo siya.”

 

0109. Minsan badtrip magmahal. Bigay ka nang bigay pero kulang pa rin. Magpapakatanga ka, iiyak. Ikaw ang iiwas pero ikaw rin ang masasaktan. Hintay ka nang hintay pero ikaw rin ang iiwan.

 

0110. Kaibigan kita. Dapat ingatan mo ako. Kaibigan kita. Kailangan lagi kang nandiyan. Kaibigan kita. Dapat mahal mo ako. Kaibigan kita. Dapat tulungan mo kong isipin na kaibigan lang kita.

 

0111. Ikaw kasi, eh. Hindi mo ako sinubukang mahalin. Pag kasama kita, kung sinu-sino pa ang hinahanap mo. Nasasaktan ako pero parang wala kang pakielam. Paano na ngayon? Sabi mo mahal mo na ako. Sayang. Bakit ngayon lang kung kailan pagod na ako?

 

0112. Masakit sakin na mas mahal mo siya kaya heto ako, hanggang ngayon, iniisip pa rin ang sandaling hinayaan lang kita. Ano bang nagawa kong hindi tama? Tangina! Hindi ko pala nasabi sayo na mahal kita!

 

0113. Talagang ganyan daw pag nagmamahal ka. Naghihintay ka ng matagal dahil sa una akala mo ikaw na, sa una akala mo totoo. Yun pala simula pa nung una pinagtitripan ka lang.

 

0114. Alam ko namang nararamdaman mo na may gusto ako sayo. Sa mga tingin ko, sulyap ko, mga titig ko sayo. Alam kong nakikita mo yun. Alam mo naman na mahal na mahal na mahal kita, diba? Hindi ba pwedeng ikaw rin?

 

0115. Sabi ko suko na ko. Sabi ko hindi na kita mahal. Sabi ko malilimutan rin kita. Sabi ko hindi na kita kailangan. Sabi ko masaya na ko. Sabi ko lahat yun. Sana yun din ang sabi ng puso ko.

 

0116. Alam mo, yung mahal mo mahal ko din. Pero nasayo siya, wala sakin. Lahat na ginawa ko para ako na lang ang mahalin pero balewala kasi ikaw pa rin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kasi yung mahal mo, mahal ko at mahal ka din.

 

0117. Si Ace? Ok lang! Makulit, moody, minsan matigas ang ulo, pasaway. Mabait? Hmm, oo. Pero pag nawala yan, sus! Mamamatay ako!

 

0118. It’s hard letting go of someone especially if he has become an important part of your life. But if you think that you’ve given everything and still nothing happens, set him free. Mas madali siguro ang bumitaw kaysa maghintay.

 

0119. Minsan pinipilit nating turuan ang puso. Bawal ito, bawal yan. Tama ito, tama yan. Kaso naisip ko may sariling isip ang puso at may sariling puso ang isip. Yan ang hahawak at magpapagalaw sa buhay mo. Tama man o mali, bawal man o hindi.

 

0120. Kahapon friends tayo. Ngayon friends pa din tayo. Bukas syempre friends pa din tayo. Pati sa dreams ko friends lang din tayo. Tangina! Puro na lang friends! Kailan ba pwedeng maging tayo?

 

0121. Alam mo, mahal kita. Eh ano naman pala sayo? Wala lang, diba? Kahit na magmukha na akong tanga, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Si Ace lang naman kasi ako eh, diba?

 

0122. There are a lot of people asking what made me fall for you, I just smiled. You know why? Well, why would I tell them? They might just fall for you the way I did. Selfish na kung selfish, akin ka lang.

 

0123. Bakit ganon? Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, ipakita mo dahil baka sakaling mahalin ka rin niya. Pinakita ko naman na mahal ko siya, ah! Bakit ganon? Nung tinanong ko siya kung mahal niya ko, sabi niya, “Oo. Kaibigan kita, eh!”

 

0124. Nagawa mo na bang pumayag na maging pamalit lang sa kanya? Yung tinanggap ka dahil iniwan siya nung isa? Tol, wag na! Baka magsisi ka lang. Mas mabuti pa ang kumalas kaysa maging panakip-butas!

 

0125. Ang manhid mo! Di mo alam na may nasasaktan sa ginagawa mo. Di mo alam na may hirap na hirap na. Di mo alam na may sobrang nagmamahal sayo. Di mo alam na nandito ako, naghihintay kahit alam kong siya talaga ang mahal mo.

 

0126. Naramdaman mo na bang magmahal ng todo? Ako, oo. Gago kasi ako, eh. Mahal ko kahit sinasaktan lang ako. Binibigay ko lahat kahit pinagmumukha lang akong tanga. Ganyan ako kagago. Basta para sayo.

 

0127. Nasubukan mo na bang magmahal ng isang tao? Binigay mo lahat ng kaya mo. Pagmamahal, pera, oras, lahat! Akala mo mahal ka rin niya pero hindi pala! Alam mo, nangyari na sakin yun nung minahal kita.

 

0128. Pag mahal mo, gagawin mo lahat. Kahit masakit, kahit hindi mo na kaya. Pero bakit nga ba naging masakit? Kasi patuloy ka pa ring umaasa na mahal ka pa rin niya kahit alam mong hindi na.

 

0129. Sabi nila wag daw kitang sasaktan. Sabi nila mahalin daw kita ng lubusan. Alam kong di ko kaya pero gagawin ko. Di dahil tama, di dahil nararapat, di dahil sabi ng iba. Simple lang. Dahil mahal naman talaga kita.

 

0130. Wala akong pakielam kahit magmukha akong tanga para sayo. Wala akong pakielam kahit pinagtatawanan na ko ng iba dahil sa pagmamahal sayo. Wala na kong pakielam sa sarili ko. Tutal wala ka rin namang pakielam sa nararamdaman ko.

 

0131. May mga oras na naiinis ako sayo. May mga oras din na hindi tayo magkasundo. May mga oras naman na hindi kita maintindihan. Pero pinababayaan ko lang ang mga yun kasi sabi ng puso ko mahal kita kaya yun ang sinusunod ko.

 

0132. Umiiyak ka na naman. Pucha talaga! Tumahan ka na nga. Ano na naman ba ngayon ang dahilan? Langya! Lagi ka na lang ganyan. Tatawag ka, iiyak ka sakin, matapos kitang patahanin, babalik ka sa nagpaiyak sayo. Langya talaga.

 

0133. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Alam kong mahal kita pero tama bang sabihin yun kung hanggang magkaibigan lang tayo? Bakit hindi natin mabigyan ng kahulugan ang bawat pagsabi mo na mahal mo rin ako? Kasi hanggang magkaibigan lang tayo. Hanggang dun lang.

 

0134. Nung gabing yun, halos tumulo ang aking luha sa aking nadarama nang iyong sinabing, “Ayoko na.” Masakit man isipin, kailangan kong tanggapin. Hindi naman pwedeng habang buhay kang akin.

 

0135. Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo, no? Dahil akala ko hindi kita kailangan, akala ko di kita mamahalin. Pero mali pala ako. At nung akala kong minamahal mo na ko, ni minsan, hindi pala nagkatotoo.

 

0136. Di ko ginusto, nahulog na lang ako sayo. Di ko pinigilan kasi akala ko mahal mo rin ako. Di ko akalain na masasaktan ako ng ganito. Di ko napansin, mukha na pala akong tanga. Pero wala na kong magawa, mahal na kita.

 

0137. Last night, I went outside to see the stars and made a wish that I may have a special person in my life. The star showed it with an outline of your face. I uttered, “Bakit siya pa eh may iba na siyang mahal?”

 

0138. It hurts much to see you because of what happened to us before. When people ask me about you, I say, “Mahal ko yan.” And it hurts me to know that whenever they ask you about me, you just say, “Minahal ko yan.”

 

0139. Alam mo ba na mahal pa rin kita? Alam mo ba na ngayon pinagdadasal kong tawagan mo ko? Alam mo ba na ang bigat ng pakiramdam ko sa kaiisip sayo? Syempre hindi, diba? Kasi wala ka namang ibang alam kundi saktan ako.

 

0140. Wala na siya sa buhay ko ngunit ang huli niyang sinabi ay sana ako na lang. Sana lang yun pero bakit ganon? Bakit nandiyan pa rin siya? Nandiyan pa rin. Ayaw niyang umalis ngunit may mahal na siyang iba.

 

0141. Gusto ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko sayo. Sabi mo, “Sige, ok lang yun!” “Natatakot akong baka mailang siya.” Sabi mo, “Hindi yun! Malay mo mahal ka rin niya!” “O, sige na nga. Sasabihin ko na. Mahal kita.” Sabi mo, “Hoy, wala namang ganyanan. Friends tayo, diba?”

 

0142. Sometimes when you cry, akala mo no one sees your tears. When you worry, no one sees your pain. When you're happy, no one sees your smile. Ganyan ka naman, eh! Di mo rin nakikita na nandito lang ako.

 

0143. Masakit ang hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo siya kasi hindi dapat. Ngunit ang mas masakit ay ang nasabi mo ngunit hindi ka niya pinaniwalaan dahil minsan mo na siyang sinaktan.

 

0144. Mahal kita. Oo, yun ang totoo! At kahit wala ka na sa tabi ko, ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin kaya ang mahal mo o yung taong nakasama mo nung wala ako?

 

0145. Anong gagawin ko pag wala ka na? Masasaktan? Iiyak? Pipiliting limutin ka? Hindi. Dahil isa lang ang gagawin ko masakit man. Yun ay ang mahalin ka pa din.

 

0146. Sabi mo mahal mo ko, naniwala naman ako. Sabi mo di mo ko iiwan, ang sabi ko, “Sige, aasahan ko yan, ah!” Pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at narinig pa na ang mga sinabi mo sakin, sinasabi mo rin sa iba?

 

0147. Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na nga ako at iniwan ng ganito tapos ngayon, kung kailan ok na ko at nakalimutan na kita, tsaka ka pa babalik at sasabihing di mo na ko iiwan pa. Ano ba? Ayoko na! Masaya na ko ngayon. Pero bakit ganon? Mahal pa rin kita. Leche ka!

 

0148. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang hindi kita mahal. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang hindi tayo para sa isa’t isa. Sa umpisa pa lang, sinabi ko nang friends lang talaga tayo. Pero bakit ngayon nasasaktan ako tuwing magkasama kayo? Ah, siguro dahil sa umpisa pa lang, nagsinungaling na ako.

 

0149. Wag kang mangako. Wag mo akong pangakuan ng kahit ano. Hihintayin kita. Pero kung di ka na makakabalik dahil mahal mo na siya, lagi mo lang tatandaan na mahal kita. Mahal na mahal.

 

0150. Bakit ka pa nag-iisa? Nandito naman ako para samahan ka. Bakit ka pa umiiyak? Nandito naman ako para patawanin ka. Bakit ka pa umalis? Hindi naman kita iiwan. Bakit ka pa nagmahal ng iba? Nandito naman ako para mahalin ka.

 

0151. May pagkakataong sinasabi kong hindi kita mahal, sinasabi kong kailan man hindi na kita papansinin. Dapat lang sa mga katulad mo ang masaktan. Pero swerte mo, mas gusto kong puso ko ang masaktan wag lang sayo.

 

0152. Mahal kita. Di ko to ginusto kasi alam ko naman na wala kang pakielam. Pinilit kong labanan to pero natalo ako. Mahal kita. Patawarin mo sana ko.

 

0153. Alam mo, mahal kita. Ngayon, bukas, habang buhay. Ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag hindi na kita mahal?

 

0154. Minsan mo na akong sinaktan pero heto pa rin ako, nagmamahal pa rin sayo. Isang tawag mo lang nandiyan na ko. Pero bakit ganon? Hindi mo man lang ba naisip na tuwing lalapit ka, umaasa pa din ako?

 

0155. May nagparamdam na ba sayo na special ka? Tapos inisip mong nahuhulog na siya sayo kaya nahulog ka na rin sa kanya. Tapos inamin niyang in love siya pero hindi sayo. Masakit yun, diba? Parang yung nafeel ko nung sabihin mong in love ka sa kanya.

 

0156. Magkaibigan tayo. Tagal na! Mahal kita. Noon pa! Pero sa tuwing iiyakan mo siya, ang hindi mo alam, umiiyak din ako. Masakit kasing isipin na ang mahal ko, iba ang gusto.

 

0157. Kahit masakit, pinilit kitang kalimutan. Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak. Kahit masakit, pinilit kong magtiis. Pero kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang mahal ko, eh! Kahit masakit.

 

0158. Sabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo. Pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Ipaglalaban mo pa rin ba siya?

 

0159. Minsan na ko nagmahal, minsan na ding nasaktan, minsan nang naging tanga nang minsang minahal kita. Papayagan ko pa bang maulit? Bakit hindi? Eh minsan lang naman ako naging masaya. Nang mahalin kita.

 

0160. This day is the last day I’ll be wishing for you, the last time I shall cry and the last moment I shall hurt myself. One day, when I see you, I’ll just whisper, "Tama na. Masyado na kitang mahal."

 

0161. Sabi ko nung umalis ka, “Matibay ako.” Sabi ko rin, “Ok lang yun, paki ko ba?” Pero isa lang ang problema ko. Sabi kasi ng puso ko, “Hoy, gago! Kahit anong gawin mo, talagang mahal mo yun!”

 

0162. Minsan naisip ko, what if iwan kita? Siguro you’ll be sad and you’ll miss me a lot. Pero alam mo, pag iniwan kita, mas sad ako. Kasi pagbalik ko baka hindi na ako ang mahal mo.

 

0163. Have you ever wondered how my life would be if you didn’t walk into it? Duh! Hello? Ok ka lang? How stupid can you get? Gee, my life without you would simply suck.

 

0164. Akala ko kaibigan ka lang talaga. Hindi ko napansin unti-unti ka na palang napamahal sakin. Tanga ako, eh. Minahal kita kahit na may mahal ka namang iba! Di bale. Habang buhay na lang akong magpapakatanga.

 

0165. If the day would come that you’ll love somebody else, I would stare at your face, hug you tight and maybe I might cry while saying, “Pangako mo babalik ka, ha? Pag wala na siya.”

 

0166. Naisip ko, ang daya mo. Kasi nangako ka na di mo ko iiwan. Pero minsan rin iniisip ko kung ano ba ang mas madaya. Yung iniwan mo ko? O yung pinilit kitang mangako?

 

0167. Madalas kong isipin kung saan ko ba ilulugar ang sarili ko sayo. O kung may lugar pa ba ko. Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaparamdam na meron pang pag-asa. Ano? Darating ka pa ba?

 

0168. Pag sinabi kong mahal kita, baka hindi mo matanggap, baka mapahiya lang ako, baka masira pa tayong dalawa. Takot akong malaman mong mahal kita, takot akong magsalita. Baka kasi mawala ka.

 

0169. Miss ko na yung mga oras na magkasama tayo, yung kwentuhan natin at kulitan. Gusto ulit kitang makasama. Pano na yan? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati'y akin ka?

 

0170. Mahal kita kaso may problema, may mahal ka nang iba. Masakit dahil kaibigan ko pa. Mas masakit nung nalaman kong kayo na. Tangina, kung alam ko lang na mamahalin kita edi sana sinagot na kita noon pa!

 

0171. Sabi mo, “Di ko kayang mawala ka.” Ang sarap dinggin, isipin na minamahal ka. Yung may tumuturing sayong importante ka. Ang masakit dun, sa iba mo sinabi. Narinig ko lang.

 

0172. When the person you love chooses somebody over you, don’t shed a tear. Just tell that person, “Tangina mo! It’s your loss not mine!” Sabay luhod, “Parang awa mo na. Wag mo kong iwan.”

 

0173. People say that life begins when you meet the one you will love forever. So when my friend asked me if my life has began, I said it’s over. Iniwan mo na ko, eh.

 

0174. Pag nagmahal ako, gusto ko yung kagaya mo. Pag umibig ako, gusto ko yung katulad mo. Pero paano kung wala nang kagaya mo? Wala nang katulad mo? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang mahalin at ibigin ko?

 

0175. Naisip ko, ang daya talaga. Nandito ako at umiiyak habang siya’y nagsasaya at may ibang kasama. Swerte ng taong to, iniiyakan ko. Pero ang pinagtataka ko, kahit masakit, nandito pa rin ako, naghihintay sayo.

 

0176. Alam ko tagapayo mo lang ako pag wala siya. Pero pano kaya kung pinapili ka? Pipiliin mo ba ang taong mahal mo na sinasaktan ka lang? O akong kaibigan mo na walang ginawa kundi mahalin ka?

 

0177. Alam mo, hindi ko alam kung bakit naiisip kita madalas. Siguro namimiss lang kita. Pero bakit kahit nandiyan ka na parang kulang pa? Alam ko na. Di ko kasi masabi sayo na, “Alam mo, Ace, noon pa lang minahal na kita.”

 

0178. Why do people say loving so much makes you stupid? It’s because you’ll always be wrong even if you’re right, weak even if you’re strong, you give without receiving, you cry and get hurt but still you say, “Mahal ko, eh!”

 

0179. Minsan you think that you are taken for granted by someone who’s close to you. Iniiwasan ka kasi nang hindi mo alam ang dahilan. You get lonely without knowing that umiiwas siya kasi minamahal ka pala niya.

 

0180. I used to believe in wishing stars. Now I don’t. Maybe cause I just didn’t get what I wanted. You know what I wished for? I wished for my love to love me back. Kaya lang hindi mo naman ako minahal, eh.

 

0181. Para sa maloko, sa tawa nang tawa, sa kalog. Para sa makulit, sa di ko makakalimutan, sa laging nandiyan, sa mahal ko, aking kaibigan. Ikaw. Mismo.

 

0182. Minsan akala mo sadyang di ako nagtetext. Minsan akala mo di kita namimiss. Minsan akala mo wala na kong panahon sayo dahil busy ako masyado. Pero alam mo bang ni minsan hindi ka nawala sa puso ko?

 

0183. Lecheng pag-ibig to! Akala ko pag mahal mo siya’t mahal ka rin niya, ok na. Hindi pala! Masakit pero pwedeng ngayon mahal ka niya tapos bukas hindi na.

 

0184. Pag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na masaya ako. Bakit? Kasi kahit minsan lang sa buhay ko, nakilala ko yung taong hindi man ako kayang mahalin, napasaya naman ako.

 

0185. Masakit maging kaibigan ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Di ka dapat umasa o di kaya’y mainis sa kanya. Bakit? Anong karapatan mo? Kaibigan ka lang, diba?

 

0186. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo rin di mo ko iiwan. Yun din yung sinabi mo sa kanya. Pero bakit sa kanya hindi ka nagsinungaling?

 

0187. Sinubukan kitang kalimutan. Sinubukan kong wag kang mahalin. Di dahil nagmumukha na akong tanga, hindi rin dahil hindi na kita kayang ipaglaban. Kundi dahil gusto kitang makitang masaya sa piling niya.

 

0188. Pag mahal mo, lahat gagawin mo. Nung minahal kita, sinabi mo layuan ko ang mga kaibigan ko para wala kang kahati sa atensyon ko. Ngayong wala na tayo, hindi ko alam kung saan tatakbo. Lahat sila nagtampo dahil pinagpalit ko sila sa isang tulad mo.

 

0189. Diba nangako ka na hindi mo ako paiiyakin, na hindi mo ako sasaktan at hindi mo ako iiwan? Pero ano tong ginawa mo sakin ngayun? Sa bagay, kasalanan ko din, eh. Pinilit pa kasi kitang mangako kahit na alam kong ayaw mo.

 

0190. Love ka daw niya. Eh bakit sinaktan ka niya? Bakit umiiyak ka ngayon? Eh kung iwan mo kaya? Ah, hindi mo nga pala kaya kasi mahal mo siya. Nasaktan ka nga niya eh, diba?

 

0191. Buti pa yung shabu nagpapasipag. Buti pa yung marijuana nagpapatawa. Buti pa yung ecstacy nagpapasayaw. Samantalang ako, addict sa isang katulad mo na wala namang ibang ginawa kundi saktan ako.

 

0192. If you would ask me who I want to spend the rest of my life with, I'll just sit beside you, look into your eyes and hold your hand. Then I’ll whisper, “Ikaw sana kaso may mahal ka nang iba.”

 

0193. Malungkot ka. Nagjoke ako. Tawa ka, tawa ako. May problema ka. Nagjoke ulit ako. Tawa ka, tawa ako. Nagalit ka. Nagjoke pa rin ako. Tawa ka, tawa ako. Sinabi kong mahal kita. Akala mo joke. Tumawa ka, naiyak ako.

 

0194. Pumayag akong umalis ka dahil dun ka masaya. Pumayag akong masaktan at magpasakit dahil dun ka masaya. Pumayag akong umiyak dahil dun ka masaya. Napilitan akong pumayag dahil sa kanya ka masaya.

 

0195. Minsan ayaw na nating balikan yung mga oras na nasaktan tayo, yung mga taong nagpaasa sa atin na mahal nila tayo. Kaso kahit ano yatang gawin ko, babalik at babalik pa rin ako sayo.

 

0196. Sa dami ng mga simpleng bagay na dumaan at nawala sa buhay ko, ikaw ay ang simpleng bagay na ayokong palampasin dahil sa dahilang ikaw lang ang simpleng bagay na kumumpleto sakin.

 

0197. Sabi nila gaga daw ako na minahal kita. Papaasahin mo lang daw ako. Manhid ka daw kasi. Alam mo ba kung anong ginawa ko? Sinabi ko lang, “Tangina! Wala namang pakielamanan! Mahal ko to, eh!”

 

0198. Minsan may mga bagay tayong kailangang isuko kahit gaano sila kahalaga, gaano sila kamahal, gaano sila kaganda. Ako, simple lang ako. Kaya nga naisip ko, ano naman kaya sayo kung isuko mo ko?

 

0199. Titiisin na sana kita, iiwasan at kakalimutan. Kahit masakit, kahit mahirap ay kakayanin, pipilitin. Pero balewala rin pala. Di ko pala kaya kasi mahal talaga kita.

 

0200. Minsan sa buhay kailangang pumili kung ano, sino, saan at paano ka liligaya. Pero hindi lahat ng pinili mo ay tama. Minsan kung ano yung ginive-up mo, yun pala yung magpapaligaya sayo. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com