Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 3
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0201. Alam mo? Gago ka, bwiset, leche, walang kwenta, manhid! Ang laki mo pang tanga! Pero alam mo, mas gago ako sayo! Kasi nagpumilit akong mahalin ang isang gagong tulad mo.

 

0202. Minsan mahirap magmahal kasi sinasaktan ka na. Iiyak ka lang kasi mahal mo siya. Pag mukha ka na talagang tanga, gagaguhin ka pa. Pero ang pinakamasakit ay yung mahal na mahal mo siya tapos wala lang kwenta sa kanya.

 

0203. Wala akong ibang pangarap kundi ang makasama ka. Wala akong ibang inisip kundi kung paano ka mapaligaya. Wala akong ibang pinagdasal kundi sana ikaw na nga. Pero wala naman akong magawa para maging tayong dalawa.

 

0204. Miss na kita kaso siya naman yung miss mo. Mahal kita kaso siya rin yung mahal mo. Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka na niya, ok lang kasi mahal mo siya. Ang tanga mo, no? Parang ako!

 

0205. If I only have one hour left to live and I'm with you that day, I'll lay my head unto your shoulder as I feel the breeze touch my skin and say, “Pasandal lang po muna, ha? Matagal po akong mawawala, eh.”

 

0206. Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. Totoo ba yun? Paano kung hindi ka niya mahal? Anong ipaglalaban mo? Isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? Mahirap yata yun, ah! Kaya mo ba? Pag mahal mo talaga, kakayanin mo, diba?

 

0207. Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, wag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago. Ayokong makitang nahihirapan ka. Tingnan mo yung nangyari sakin nung minahal kita.

 

0208. Sabi nila kapag mahal mo, lahat ibibigay mo, lahat gagawin mo. Pero pano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo? Ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?

 

0209. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo ko iiwan. Sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala, iba na ang kasama mo. Ang daya talaga. Dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?

 

0210. Ask ko si God. Sabi ko, "Bakit mo siya kinuha sakin? Binigay ko naman ang lahat, ah?" Sabi niya, "Di ka kasi nagtira para sayo." Sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal, eh." Sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo. Pati ako."

 

0211. Sana akin ka para di ka iiyak. Sana akin ka para di ka na masasaktan. Sana akin ka para di ka na aasa pa. Ngunit ang talagang nais ko'y sana ako siya na mahal mo ng sobra sobra.

 

0212. Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba ang hinahanap mo? Yung taong magmamahal sayo? Yan ang hirap sayo, eh! Ang layo lagi ng tingin mo. Ang tagal ko na dito. Di ba pwedeng sakin ka naman tumingin?

 

0213. Ano ba to? Ikaw na naman ang iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi, eh. Di kasi kita makalimutan. Pero nakakatulog din ako. Alam mo kung papano? Sinasabi ko sa sarili ko, "Tanga! May mahal na yun. Tulog ka na."

 

0214. Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ko sasaktan, nagtiwala ako sayo. Pero bakit ganito? Iniwan mo ako at niloko. Pero ok lang. May magagawa pa ba ko? Siguro lang talagang hindi ako para sayo.

 

0215. I can't blame you if one day you'll walk out of my life. However, expect me to give up everything just to keep you in sight. If I fail, please give me a chance to say, "Gagawin ko lahat wag ka lang umalis."

 

0216. Lahat ng tao magbabago, lahat ng tao magmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan, iiwan at kakalimutan. Pero pag dumating satin yung araw na yun, pipilitin ko pa ring maalala yung araw na minahal kita.

 

0217. Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sayo o nagsisisi na iniwan ka niya. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala. Dahil nakatulog kang lumuluha sa tabi ko habang pabulong kong sinasabi, "Ako kaya, iiyakan mo?"

 

0218. Nang iniwan kita, akala ko sasaya ka, akala ko sa piling niya liligaya ka. Akala mo ba ginawa ko to dahil gusto ko? Kung alam mo lang, ginawa ko to dahil mahal kita higit pa sa buhay ko.

 

0219. Mahal mo siya kaya siya lang ang nakikita mo. Di ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa di ako mahal, diba? Pero bakit ganon? Kahit nagmumukha na akong tanga habang minamahal mo siya, mahal pa rin kita?

 

0220. Nabangga mo ako at nadapa ako. Minahal kita pero pinaluha mo ako. Ginawa mo yun dahil mahal mo pa pala siya. Sa pagmamadali mo, di mo man lang narinig nung sinabi kong, "Sandali lang. Mahal pa kita!"

 

0221. Nakita mo akong kausap siya. Akala mo siya na ang mahal ko. Nakita mo akong hawak ang kamay niya. Akala mo tinalikuran na kita. Ang di mo alam, nagpaalam lang ako. Dahil mas pinili kita kaysa sa kanya.

 

0222. Magmahal? Ayoko na yata. Minsan na akong nagmahal. At sa minsan na yun, niloko pa ko. Minahal ko siya. Di ko matanggap na dalawa pala kaming mahal niya. Masakit. Alam mo kung bakit? Kasi mas mahal niya yung isa.

 

0223. Sa pagdaan ng panahon, alam kong madami ka pang makikilala. May mga taong mas may kakayahang magpasaya sayo at maaaring mas pahalagahan mo sila. Pero sana pagdating nung time na yun masabi mong, “Iba pa rin pala si Ace.”

 

0224. Alam mo, I love you so much today. Tomorrow, I'm sure I’ll love you more. Until the rest of my life. Ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag di na kita mahal?

 

0225. Mali? Siguro. Pero ikaw talaga ang mahal ko. Masakit? Oo. Pero makikipaglaban pa rin ako para sayo. Maghintay? Ah, yan ang malabo. Alam ko naman kasing siya ang mahal mo.

 

0226. Pag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na malungkot ako. Bakit? Kasi wala kang ginawa. Hinayaan mo lang akong mawala.

 

0227. Mahal mo ba ko? Ah, wala na kong pakielam. Basta ang alam ko, mahal kita. Di ko naman sinasabing suklian mo yun, eh. Ang sakin lang, sana maramdaman mo man lang.

 

0228. Minahal? Sino? Ikaw? Sino nagmahal? Ako? Pwede ba! Ang sakit ng ginawa mo tapos iisipin mo na minahal kita? Kahit kailan di kita minahal, no! Tanga lang talaga ako kasi hanggang ngayon mahal kita.

 

0229. Nanaginip ako. Namatay daw tayo. Sabi ni God, isa lang ang makakapunta sa langit. Yung isa daw, sa impyerno. Pinili kong mapunta sa impyerno. Alam mo kung bakit? Kasi nung buhay pa tayo, ginawa mo nang langit ang buhay ko!

 

0230. Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na kahit anong gawin mo, di ka mamahalin niyan? Dahil meron na siyang mahal na iba. Iiyakan mo lang siya at masasaktan ka lang. Bakit ko alam? Syempre. Minahal kita, eh.

 

0231. Alam mo, minsan gusto kong sabihin na mahal pa rin kita kaso hindi pwede. Alam mo, minsan gusto kong sabihin na miss na kita kaso hindi pwede. Langya naman kasi! Nagmahal ka pa ng iba samantalang mahal naman kita.

 

0232. Paano ko sasabihin na mahal kita kung pag-aari ka na ng iba? Masakit man, kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, hindi na pwede kasi kanya ka na.

 

0233. Minsan akala mo kaibigan mo lang siya. Minsan akala mo nandiyan siya bilang tagapayo lang. Minsan akala mo wala lang siya. Pero naisip mo rin ba kahit minsan na kaya siya nandiyan kasi mahal ka niya?

 

0234. Kahapon nakita kitang kasama siya. Natuwa ako para sayo pero pagtalikod mo, nanghinayang ako at nasabi ko na lang, “Sana nakita din kitang ganyan kasaya nung tayo pa.”

 

0235. Naranasan mo na bang magpakatanga dahil sa kanya? Yung magpakababa dahil sa kanya? Yung magpatawad at magpasensya kahit di na dapat? Tapos makikita mo yung sarili mong umiiyak kasi wala kang magawa. Mahal mo, eh.

 

0236. Minahal kita kahit mali, hinintay kita nang sobrang tagal, nagbigay ako kahit ubos na, nagparaya kahit sobra na. Lahat na ginawa ko pero kulang pa din sayo. Hindi pa ba sapat ang lahat ng yun para mahalin mo ko?

 

0237. Sabi ko, “Musta na?” Tumango ka lang. Sabi ko, “Ok ka lang?” Di mo ko pinansin. Sabi ko, “Miss na kita.” Pero bigla kang umalis. Paano kaya kung sabihin ko sayong mahal kita? Marinig mo pa kaya ako? Malamang hindi na.

 

0238. I care for you but you don’t give a damn. I miss you but shit, wala kang pakielam! I like you but fuck, pansin mo ba? I love you. Tangina naman kasi! Ang manhid mo kaya hindi mo maramdaman.

 

0239. Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng panahon? Sino ka ba para mahalin ko ng sobra pa sa kaya ko? Wala lang. Ikaw lang naman kasi ang mahal ko. Pero tangina! Sino lang ba ako sa buhay mo?

 

0240. Totoo pala talaga na life is incomplete without you. Ang malas ko naman cause I can't be complete. Alam ko naman kasi na I can never have you. Hanggang pangarap na lang siguro ako.

 

0241. Para sa akin ang astig na kaibigan ay yung masaya pag masaya ako, badtrip pag badtrip ako, sobrang saya kasama pero seryoso pag may problema. Nasayo na lahat pwera sa isa. Wag kang mang-iiwan, ha? Para astig ka.

 

0242. Ang tao, minsan lang magsabi ng, “Mahal kita.” Madalas pag sinabi nila ito, huli na ang lahat o wala na ang pagmamahal. Kaya ngayun pa lang, sasabihin ko na sayo. Mahal kita. Huli na ba?

 

0243. Umiyak ka nang iwan kita para sa iba. Alam ko naman kasi na darating din yung panahon na kakayanin mo na. Naman, oh! Bakit ganon? Kung kailan kaya mo na, tsaka ko lang naisip na mahal pala kita.

 

0244. Alam mo, kahit di ka na akin, ayoko pa ring mawala ka kasi mahal kita. Kaya nga minsan, natatakot ako pag may kasama kang iba. Pakiramdam ko kasi, parang napaka-imposibleng di ka rin nila mahalin.

 

0245. Minsan nagmahal ako nang higit pa sa sarili ko pero nasaktan lang ako. Minsan lang nangyari yun at ayoko nang maulit pa kaya sinara ko ang puso ko at sinabing, "Wala pa ring hihigit kay Ace."

 

0246. May nakapagsabi sakin na ang hirap mo daw mahalin. Inisip ko kung bakit. Dahil ba busy ka lagi? Dahil ba maraming may gusto sayo? O baka naman dahil may mahal ka nang iba? Pero hindi rin. Bakit ako, kahit ganun ka, mahal pa rin kita?

 

0247. Naiinis na ko sa mundo. Ikaw na lang kasi lagi ang naiisip ko, ikaw na lang lagi ang naaalala ko. Kailan kaya mababaliktad ang mundo? Para ako naman, ako naman ang isipin mo.

 

0248. Bakit pa ginawa ng Diyos ang Ten Commandments kung hindi naman susundin? Bakit pa ginawa ng Diyos ang mundo kung pababayaan lang natin? Tanong ko nga sayo, bakit pa ako ginawa ng Diyos kung hindi mo naman ako mamahalin?

 

0249. Minsan tinanong kita, “Bakit mo siya mahal?” Sabi mo, “Kasi matagal na ang pinagsamahan namin.” Nainis ako kasi ang manhid mo. Di mo man lang naisip na mas matagal na akong naghihintay.

 

0250. Diba masakit pag iniwan ka? Diba masakit pag niloko ka? Diba masakit pag pinaasa ka? Pero diba mas masakit pag pinaniwala ka niya na mahal ka rin niya tapos malalaman mo na iba pala ang mahal niya?

 

0251. Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, matuto kang pakawalan siya. Kung sayo, sayo. Kung hindi, hindi. Eh pano mo naman maiisip na pakawalan siya kung siya lang naman ang dahilan kung bakit ka nagmamahal?

 

0252. Hay, talaga naman! Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat, kahit ano basta sabi niya! Dali-dali mong gagawin kahit ano pa ang iutos niya. Ok lang basta siya! Pero pano kaya kung utusan ka niya na iwan siya? Magagawa mo ba?

 

0253. Sabi ko ayos siya, naniwala ka. Sabi ko malambing siya, naniwala ka. Sabi ko mahal ko siya, naniwala ka. Eh kung sabihin ko sayong ikaw siya, maniwala ka naman ba?

 

0254. Isang gabi, nanaginip ako. Naluha pa nga ako sa sinabi mo. Sa panaginip ko, di mo daw ako mahal. Pagkagising ko, natawa ako. Naalala ko kasi, kahit pala sa totoong buhay, di mo rin ako mahal!

 

0255. May mga taong gago, may mga taong tanga. Pag nagmamahal ka ng taong ayaw sayo, gago ka. Pag di mo naman alam na may nagmamahal sayo, tanga ka. Ako, alam ko gago ako. Sana lang di ka tanga!

 

0256. Nasaktan ako nang magbago ka, nasaktan ako nang balewalain mo, nasaktan ako nang di mo pansinin, nasaktan ako nang magmahal ka ng iba. Pero ito lang ang masasabi ko sayo, “Ang kapal ng mukha mong saktan ako!”

 

0257. Alam mo, hindi ka niya mahal. Alam mo, ginagamit ka lang niya. Nasasaktan ka pero bakit ganon? Nagpapakatanga ka pa rin? Sabi mo, “Anong magagawa ko, mahal ko siya?” Alam mo, linya ko yan, eh. Anong magagawa ko, mahal din kita?

 

0258. Tama na yung minsan mo kong napaluha, minsan mo kong sinaktan at minsang pinaasa. Ok lang sakin yung minsan mo akong minahal. Wag mo kong gayahin, ha? Dahil mahal kita nang walang katapusang minsan.

 

0259. Sabi mo gusto mo ko. Sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo. Sabi mo iiwan mo na siya. Sabi mo hintayin kita. Sabi mo mas mahal mo ako. Eh, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin niya?

 

0260. Sabi mo nandiyan ka lagi sa tabi ko. Sabi mo lahat ng luha ko papahirin mo. Sabi mo sa hirap at ginhawa sasamahan mo ako. Bakit sa dinami-rami ng pinagsasasabi mo, di mo nasabing mahal mo ako?

 

0261. Sabi nila may kasama kang iba, sabi nila may mahal kang iba. Masakit hindi dahil mahal mo siya kundi dahil sinabi mo saking mahal mo ako habang kayo pa pala.

 

0262. Di ka sana umiiyak ngayun, di ka sana nag-iisa ngayun, di ka sana nagmumukmok ngayun kung hindi mo lang sana siya minahal ng ganun. Ikaw kasi, eh! Kung ako na lang sana ang minahal mo edi hindi ka sana ganyan ngayun.

 

0263. I could never find another one to compare to you. I may love again but not the way I loved you. You may only be a part of my past but you know what? Everytime I see you, I still whisper, “Minahal ko yan.”

 

0264. Sabi nila buti pa raw ako may minamahal, may rason para ngumiti at maging masaya. Alam mo ang sabi ko sa kanila? “Buti pa kayo, hindi nasasaktan.”

 

0265. Yung ibang tao, naiinggit. Wala kasing nagmamahal sa kanila. Yung iba naman, tatanga-tanga! Minamahal na nga nang todo, binabalewala lang! Alam mo, swerte ka sana kaso tatanga-tanga lang!

 

0266. Sabi mo iwan na kita. Sabi mo kasi may iba ka na at masaya ka na sa kanya. Sabi mo pa mas mahal mo siya! Tapos bigla mo akong tinanong, “Ikaw? Kumusta ka na?” Bigla ko na lang nasabi, “Heto. Mahal pa rin kita.”

 

0267. Nakaya ko na na wala ka. Nagawa ko nang limutin ka. Naitago ko ang sakit na nadarama ko. Naibuhos ko na ang lahat ng luha ko. Bakit kailangang ngumiti ka pa? Yan tuloy, naalala ko. Mahal pa pala kita.

 

0268. Pag namatay ba ako, bibisitahin mo pa ko? Maaalala mo pa kaya ako? Pagdadasal mo kaya ako? Eh, mamiss kaya? Hindi siguro. Kasi ngayon pa nga lang na buhay ako di ko na maramdaman na mahal mo ako, eh.

 

0269. Mahirap magmahal ng taong malayo sayo. Di mo siya nakakasama sa araw-araw, wala siya pag gusto mong iparamdam ang pagmamahal mo, di ka niya naririnig pag sinisigaw mo na mahal mo siya. Pero patuloy ka pa ring nagmamahal sa kanya dahil iniisip mo na lang na siguro ganun din naman siya.

 

0270. Gusto kitang kausapin, ayaw mo naman. Gusto kitang hawakan, umiiwas ka naman. Gusto kitang makasama, nang-iiwan ka naman. Mahal kita, yun sana ang gusto kong ipaalam. Hindi mo lang ako pinagbigyan.

 

0271. Minsan, walang nagagawa ang sitwasyon. Kapag talagang mahal mo yung tao, kahit mali, binabalewala mo lang. Kahit nasasaktan, ok lang! Siguro ganun lang talaga dahil ang minsan ay minsan lang dadaan.

 

0272. Sabi mo humiling ka ng magmamahal sayo. Sabi mo nakita mo na siya. Ngayon magtatanong ka kung bakit nasaktan ka. Alam mo kung bakit? Kasi ako yung pinadala. Pero di mo ko nakita.

 

0273. I often wonder why things didn’t work out for the both of us. Patience? Meron. Time? Madami. Trust? Of course. Pero teka. Was it ever the both of us o ako lang?

 

0274. You said goodbye, you said you can’t stay. Umiyak ako pero sabi mo wag kong gawin yun para sayo. Nakita kita. You’re really far from me. Tinawag kita. You looked back and said, “Wag kang mag-alala. Minahal kita.”

 

0275. Pinilit kong maging siya. Ginawa ko lahat sayo tulad ng ginawa niya. Minahal kita higit pa sa naibigay niya. Tinanong kita kung kulang pa ba. Ang sagot mo, “Tama na! Di ka naman siya!”

 

0276. Kailan ba kita nakita? Kanina yata yun. May kasama ka nga nun, eh. Tinawag kita, lumingon ka at napayuko na lang ako. Ang sabi mo kasi ganito, “Tapos na tayo, diba? Ano pang kailangan mo?”

 

0277. Dati masaya ako kahit malungkot mag-isa. Sumaya ako nang dumating ka. Pero nawala ka. Naisip ko tuloy, mas masaya pala yung malungkot na nag-iisa. Kaysa yung malungkot ako na iniisip ka.

 

0278. Sabi niya sakin ako lang daw ang babae sa buhay niya, naniwala ako. Sabi niya ako lang daw ang mahal niya, naniwala ako. Sabi niya rin hindi niya ako iiwan, naniwala ako. Pero nang tanungin siya ng kaibigan ko kung kawalan ba ko, ang sagot niya, “Marami pa namang iba diyan, eh!”

 

0279. Sabi ng puso ko, “Miss na kita.” Tanong ng puso ko, “Ok ka lang ba?” Hirit ng puso ko, “Asan ka na kaya?” Sabi ng puso ko, “Gusto kita.” Pero sabi ng puso mo, “Sorry. Friends lang talaga.”

 

0280. Madalas kong isipin kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo o kung may lugar pa nga ba ko. Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaparamdam mo na mahal mo pa ako. Ngayong wala ka na, darating ka pa ba? O bibitaw na ko?

 

0281. When you’re with the one you love, show him the best, prove you’re the best and love him the best way you can. If you can’t, kung hindi mo kayang gawin ang mga ito para sa kanya, pwedeng ibigay mo na lang siya sa iba?

 

0282. Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niya ang magmahal. Bakit? Dahil ang puso, pwede mong sugatan pero di mo kayang turuan. Patuloy itong titibok, patuloy na magmamahal.

 

0283. Masakit pag di ka man lang niya pinapansin. Masakit pag di niya maramdamang mahal mo siya. Pero diba mas masakit pag nagmahal ka ng iba? Tapos bigla mong malalaman na ikaw pala yung mahal niya.

 

0284. Still remember the time we were together? We were laughing because of so much fun. You didn’t hear what I said. Sabi mo, "Ano?" Sabi ko, "Wala." Now I won’t be able to tell you again that I love you.

 

0285. Tanga daw ako pag pinakawalan kita. Gago daw ako pag sinaktan kita. Baliw daw ako pag iniwan kita. Eh, gago pala sila, eh! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?

 

0286. Masakit iwan ang mahal mo. Mas masakit pag iniwan ka ng mahal mo. Pero diba mas masakit pag iniwan ka niya dahil sa iba kahit na alam niyang hindi mo makakaya?

 

0287. Why is it that sometimes, we don't realize that we are so stupid? We love someone so much, we care for them so much, we give them everything but for all we know, iiwan din naman tayo sa huli.

 

0288. Minsan na kong nagmahal, minsan na kong naloko. Minsan na nga lang, naagaw pa! Pero di bale! Mas bagay naman sila, eh. Isang basura, isang basurera. Perfect match, diba?

 

0289. Pag namatay ako, isa lang ang hiling ko. Sana nandun ka at umiiyak. Pero wag na lang rin siguro. Bakit? Nandun ka nga at umiiyak, kasama at kayakap mo naman siya.

 

0290. Nung iniwan mo ko, ikaw ang sinisi ko kung bakit ako lubos na nasaktan. Mahal kasi kita pero di mo ko maintindihan. Ngayon salamat, ha? Kasi kung di mo ko iniwan, hindi ko siya matatagpuan.

 

0291. Minsan kailangan mo munang masaktan at makaramdam ng selos bago mo maisip na, “Mahal ko pala to!” At kapag nagmamahal ka na, kailangan mo ulit masaktan para maisip mo na masakit pala talagang magmahal.

 

0292. Why is it that I can’t forget you? Why is it that I still get hurt everytime I see you with someone else? Maybe because you still have a place in my heart that says, “Mahal pa rin kita kahit wala ka na.”

 

0293. Nakahanap na ako ng bago. Magkamukha nga kayo, eh. Mas malambing siya, mas mabait. Hindi pa ako pinapaiyak! Pero alam mo, may problema pa rin, eh. Mahal pa rin kita.

 

0294. Even if someone else already owns your heart, I don’t give a damn. Though the pain is killing me, I won’t care at all. I won’t steal you from her but rather, I’ll tell her, “Mahalin mo siya para sakin, ha?”

 

0295. Ayoko nang mag-ilusyon. Masasaktan lang ako. Ayoko nang mangarap tapos hindi rin naman magkakatotoo. Ayoko nang umasa tapos mabibigo lang. Mamahalin na lang kita nang hindi mo alam.

 

0296. Bakit pag nagmahal ka, laging hindi ka sigurado na mahal ka din niya? Di ba pwedeng mahal ka na din niya agad? Bakit kadalasan iba pa ang mahal niya at hindi ikaw? Pano kasi, ikaw, kahit alam mo na, minamahal mo pa rin siya.

 

0297. Sabi nila ang sarap daw magmahal. Siguro nga totoo yun para sa iba. Kasi simula nang makilala kita, sakit ang nadama ko. Di nila sinabi na ang hirap palang magmahal ng taong may mahal nang iba.

 

0298. Aalis ako kasi may iba ka nang gusto. Aalis ako kasi kayo na. Aalis ako kasi narinig kong mahal mo na rin siya. Aalis muna ako, ha? Kasi tingin ko masaya ka na! Pero babalik ako kapag iniwan ka niya.

 

0299. You broke my heart yet I still loved you. You pushed me away yet I still waved. You walked away and loved another while I cried damn hard for you to stay. You didn’t so I just said, “Sige na nga. Friends na lang tayo.”

 

0300. I’ve always thought that I have to fight for what I really feel. I’ve fought and got hurt. Still, I tried to give it a chance. But now I don’t know if I still believe in that. Kasi tao lang ako. Napapagod din. 

 

 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com