Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 4
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0301. Text ako sayo, I got no reply. Misscall ako sayo, you didn’t call back. Nung nakulitan ka na sakin, sabi mo, “Sorry, I'm busy kasi. Take care na lang.” Then one day, nakita kita kasama siya. Tama ka, busy ka nga talaga.

 

0302. Sometimes the most important things in your life are the ones taken away from you. Kaya minsan hindi kita gaanong tinetext. Baka kasi mahalata ni Lord na very special ka sakin tapos kunin ka. Ayoko nga!

 

0303. Sinabi ko sayo na kaya kong magpakamatay. Alam mong nagbibiro lang ako. Sinabi kong kaya kong pumatay ng sinumang manakit sayo. Biro lang din. Sinabi kong handa akong mamatay at pumatay para sayo. Akala mo ba nagbibiro pa rin ako?

 

0304.Gusto kitang makita kaso baka sabihin mo, "Wag na.” Gusto kitang makausap kaso baka sabihin mo lang, "Tsaka na.” Gusto kong sabihin na mahal kita kaso baka isagot mo, "Ako, hindi na."

 

0305. Kung noon pa sinabi ko na, sana kasama na kita. Kung noon pa sinabi ko na, sana tayo na talaga. Ngayong alam mo nang mahal kita, pwede pa ba? Di na siguro. Dahil sabi mo, “Noon sana. Nung mga panahong hinihintay kita.”

 

0306. Minsan nasabi mo na ba sa sarili mo na tanga ka, na wala kang silbi, na makitid ang utak mo, na baliw ka? Hay, diba nasabi mo yan nung di ka mahal nung mahal mo? Alam mo, ako, nasabi ko yan nung nalaman kong siya pa rin ang mahal mo.

 

0307. Ok lang ba na mamiss kita? Yun bang sad ako kapag di kita nakikita? Ok lang bang isipin ka? Yun bang lahat ng sabihin ko eh tungkol sayo lang? Ok lang bang mahalin kita? Kasi kung hindi, titigil naman ako, eh. Sabihin mo lang.

 

0308. Lagi ka na lang bang ganyan? Kung kailan mahal na kita, nawawala ka. Kung kailan may dumadating na iba, tsaka ka bumabalik. Tuwing bibitaw na ako, tsaka ka magpaparamdam. Tapos sasabihin mong ikaw lagi ang nasasaktan? Isipin mo naman, ako lagi ang naiiwan!

 

0309. Badtrip di dahil ako lang lagi ang nagmamahal. Badtrip di dahil binibigay ko lahat. Badtrip di dahil martir ako. Badtrip lang kasi walang nakakaramdam nito sa inyo.

 

0310. Mahal mo pala siya. Bakit di mo sinabi sakin? Edi sana nakatulong pa ako. Natulungan sana kita sa kanya. Bakit ngayon lang? Sana noon pa. Para napigilan ko pa ang sarili ko na mahalin ka.

 

0311. Nasaktan ka ba nang iwan kita? Nasaktan ka ba nang mawala ako? Nasaktan ka ba nang sabihin kong siya na ang mahal ko? Nakakapagod din kasi ang maghintay. Pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong kaya ko siyang iwan para sayo?

 

0312. Sabi nila masaya daw ang magmahal. Hindi kaya! Lagi ka lang nasasaktan, lagi kang umiiyak. Paano naging masaya yun? Kung sana ako na lang yung minahal mo. Yun, pwede pa.

 

0313. Minsan badtrip magmahal. Iwasan mo, ikaw din ang masasaktan. Sundan mo, ikaw din ang iiyak. Bigay mo lahat, kulang pa rin. Nagpapakatanga ka na nga, gagaguhin ka pa. Minsan hintay ka nang hintay, di mo alam na iniwan ka na pala.

 

0314. Di mo ba itatanong kung miss na kita? Di mo ba itatanong kung naaalala kita? Di mo ba itatanong kung mahal kita? Sa bagay, di na kailangang itanong. Diba alam mo naman ang sagot? Lagi at sobra.

 

0315. Kung lahat ng tao sa mundo kagaya mo, ayoko nang tumira sa earth! Lilipat na ko ng ibang planet. Kasi kung lahat ng nilalang kagaya mo, mahihirapan ako. Aba! Mahirap yatang mahalin ang buong mundo!

 

0316. Minahal ko ang stars pero nang dumating ang clouds, nawalan siya ng sparkle. Minahal ko ang moon pero nang dumating ang sun, nawalan siya ng light. Natatakot tuloy akong mahalin ka. Dahil baka pag dumating siya, mawala ka.

 

0317. Tumabi ako sayo at huminga nang malalim. Sabi mo, “Hmm, bakit?" Di ako nagsalita pero di ko na talaga kaya. Kung nagtanong ka lang sana ulit, sinabi ko na. “Hay, mahal na yata kita!”

 

0318. Minsan may nagtanong sakin, “Pano pag nawala si Ace?” Napag-isip ako, naluha, natakot ako bigla. Tapos sabi niya, "Wag mo nang sagutin. Sa mata mo pa lang, halata na. Di mo talaga kaya.”

 

0319. Bukas baka makalimot na tayo. Pwedeng magkanya-kanya na tayo. Maaaring yun na ang katapusan. Kaya bago mangyari ang lahat ng ito, gusto kong sabihing, “Salamat sayo dahil binuo mo ang buhay ko!”

 

0320. Alam mo, narealize kong nakakapagod pala ang magpretend na mahal mo ko. Nakakapagod din magdasal every night na sana mahalin mo ko. Ang hirap naman ng ganito. Ginawa ko na lahat, wala pa rin. Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?

 

0321. Kung ako na lang sana ang pinangarap niya edi lagi na akong masaya. Kung ako na lang sana ang pinili niya, di na siguro ako maghihirap pa. Kung ako na lang sana ang minahal niya edi sana di na ako luluha pa. Kaso lang hindi, eh. Meron siyang iba.

 

0322. Sabi mo mahal niya ako. Sabi mo di niya ako sasaktan. Sabi mo para talaga kami sa isa't isa. Tangina! Kung sabihin ko sayo na ikaw ang mahal ko at hindi siya, maka-imik ka kaya?

 

0323. Habang nasayo ang taong mahal mo, alagaan mo. Wag mong hayaang dumating yung araw na magsisi ka dahil sinabi niya sayo, “Ikaw kasi, eh. Pinabayaan mo ako.”

 

0324. Sabi mo mahal mo ko. Tinawanan lang kita. Sabi mo totoo yun. Hindi ako makapaniwala. Tumakbo kang luhaan at ako'y natauhan. Maniwala ka kaya kung sabihin kong mahal din kita?

 

0325. Kung mahahawakan kita, gagawin ko. Kung mahahalikan kita, gagawin ko. Kung mayayakap kita, gagawin ko. Kung pwede kitang mahalin, gagawin ko. Hindi sa hindi ko kayang gawin ang mga ito. Kaya lang kasi wala akong karapatan.

 

0326. Mahal kita pero hindi ako humingi ng kapalit. Di ko sinabi na mag-alala ka sakin, na isipin mo ako, na mamiss mo ko o kahit ang mahalin mo ko. Pero di ko maalala, hiningi ko ba sayo na saktan mo ko?

 

0327. Sabi nila mahal mo din ako kaya hinanap kita. Yun pala may hinahanap ka ding iba. Nang magmakaawa ako, nagalit ka pa. Hay, minsan na nga lang magmahal, pumalpak pa. Sorry, ha? Mahal kasi kita.

 

0328. Mahirap iwan ang taong minahal mo ng totoo. Nung sabihin mo sa kanyang ayaw mo na, akala mo pipigilan ka niya pero nagkamali ka. Niyakap ka lang niya at sinabing, “Yan din ang sasabihin ko sayo, eh. Naunahan mo lang ako.”

 

0329. Bakit kaya pag mahal mo ang isang tao, nagkakagusto siya sa iba? Ikaw na nga ang nagsasakripisyo, ikaw pa ang binabalewala. Bakit ganon? Ang masakit pa, mahal mo na nga ang nawala, kaibigan mo pa ang minahal niya.

 

0330. Akala nila sayo na ko at akin ka na. Akala nila mahal na natin ang isa't isa. Akala nila tayo na kasi sobra tayong sweet. Pati tuloy tayo napaniwala nila! Akala rin tuloy natin tayo na.

 

0331. Alam kong nagkamali ako kaya ka nagkakaganyan. Alam kong naging pabaya ako. Alam ko na nagpakatanga ako dahil minahal kita ng sobra. Kahit na ang pagmamahal mo na dapat sakin, wala na pala.

 

0332. Akala mo mahal kita? Hindi, ah! Akala mo I care for you? Hindi, ah! Akala mo miss kita? Hindi rin kaya! Why? Kasi puro ka na lang akala. Bakit ba ayaw mong maniwala?

 

0333. Sabi mo mahal mo ko pero nasaktan kita. Sinubukan mong lumayo, nakahanap ka ng iba. Minahal mo siya, sinunod, sinamba. Masakit yun, tangina! Dahil sa kanya, nakalimutan mo na minsan minahal din kita.

 

0334. I saw you one day when you were crying. I came up to you and asked why tears were falling down your face. You uttered, "Wala kasing nagmamahal sakin." Napaluha din ako at sinabing, "Eh, anong tawag mo sakin?"

 

0335. Minsan mahirap din palang magpahalaga sa isang tao. Yung tipong lagi kang nandiyan para sa kanya, kasama sa gitna ng gera, karamay sa problema. Tapos isang araw, magigising ka na lang, iniwan ka rin pala.

 

0336. Kagabi, I saw a falling star. Nagwish ako. Sabi ko sana maging akin ka. Biglang tumigil yung star, lumapit sakin at tumawa sabay sabing, “Ok ka lang? Eh, ayun siya, oh. Kasama ang babaeng pinakahihiling niya.”

 

0337. Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka. Wag mong hayaang dumating yung araw na magsisi ka dahil wala nang pag-asa at sinabi niya sayong, “Sayang. Hinintay pa naman kita.”

 

0338. Minsan ang love ay parang ibon. Kailangang pakawalan, kailangang palayain. Babalik yun kung sayo pero kung hindi, hayaan mo na. Baka mas masaya siya sa piling ng iba.

 

0339. Wag nating kalimutan ang masayang samahan, tawanan, kopyahan, walang humpay na kwentuhan, walang sawang damayan at kanya-kanyang kaepalan. Wag sanang makaligtaan ang tunay na pagkakaibigan.

 

0340. Sabi nila, “Iwan mo na.” Sabi ko, “Ayoko.” Sabi nila, “Ok ka pa?” Sabi ko, “Ayos lang.” Isang araw, tanong nila, “Kaya mo pa?” Napaluha ako habang sinabi kong, “Mahal ko, eh. Kakayanin ko!”

 

0341. Sabi niya sakin, "Darating din yung Mr. Right mo! Malay mo sa isang araw, bukas o baka mamaya.” Natuwa ako kasi siguro nagpaparamdam na siya. Bigla niya namang sinabi, "Yung Ms. Right ko nga, nakita ko na, eh!” Akala ko pa naman siya.

 

0342. Diba alam mong mahalaga ka sakin? Na kailangan kita? Alam mo rin na masaya ako pag nandito ka? At mas lalong alam mo na mahal na mahal kita, diba? Alam mo pala, eh. Bakit nagmahal ka pa ng iba?

 

0343. Minsan inask mo ko kung sino ang mahal ko. Tumahimik ako at hinawakan ang kamay mo. Sabi mo, “Saan tayo pupunta?” Sabi ko, “Pakikilala kita sa kanya.” At dinala kita sa harap ng salamin sabay sabi, “Siya ang pinakamamahal ko!”

 

0344. In life, you have to move steps forward and leave some things behind cause every new step is a better one which will lead you to heaven. But you know what? I'll make sure that every step I go, you are always with me. Ano pa ang silbi ng heaven kung hindi rin lang kita kasama?

 

0345. If I were to convert my heart into a room full of friends, it will be very crowded. But don’t worry, I’d leave the center space for you and I’ll shout, “Tabi kayo! Si Ace diyan!”

 

0346. As I sit here with my hand holding yours, I know that I don’t need anything more than this. All I need is your hand and the sound of you telling me, “Nandito lang ako, di kita iiwan.”

 

0347. I see you in a different way, in a different manner, in a different category and it seems that all I see is you. But when I saw you crying, bothered and hurt, I said to myself, “Sarap siguro mahalin nito.”

 

0348. If sometimes my text comes in the wrong time, sorry for the disturbance. And when your phone beeps only to find out it’s just me, I hope you’re not disappointed. Naiisip lang kita. Masama ba yun?

 

0349. Mahirap pakawalan ang taong importante sayo lalo na pag alam mong sa kanya ka lang sasaya. Pero kakayanin ko kahit masakit kung dun ka masaya kasi mahal kita.

 

0350. Minsan mas ok pa ang magkaibigan na lang kayo kaysa mahalin mo siya. Ang kaibigan kasi di nang-iiwan. Eh, ikaw? Kapag minahal ba kita, sigurado ba kong di mo ko iiwan?

 

0351. Kung sad ka, sabihin mo sakin. Kung badtrip ka, tawagin mo ko. Kung wala ka nang kaibigan, nandiyan ako sa tabi mo. At pag nawala na ang lahat sayo, yayakapin kita at sasabihing, “Hoy! Nandito pa ko!”

 

0352. Akala ko pag iniwan kita, hahanapin mo ko. Akala ko pag umalis ako, mamimiss mo ko. Akala ko pag di ako nagparamdam, tatawagan mo ko. Ayun pala iba na ang hinahanap mo at hindi na ako. Hoy! Pano na ko?

 

0353. Alam mo bang halos mamatay ako sa sakit pag umiiyak ka nang dahil sa kanya? Pero alam mo, naiintindihan kita kung bakit mahal mo pa rin siya kahit na sinasaktan ka niya. Bakit? Kasi mahal pa din kita kahit sinasaktan mo ko.

 

0354. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap. Ang pag-aralang mahalin ang taong nagmamahal sayo o ang umasang mamahalin ka ng taong mahal mo.

 

0355. Tinanong ako sa panaginip ni Lord if gusto ko daw tingnan ang nasa puso mo. Tumanggi ako. Ayoko kasing masaktan. Alam ko naman na wala ako diyan, eh. Bakit ko pa titingnan?

 

0356. Bakit ganon? Di mo maaming mahal mo siya pero nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba? Ayaw mo ba talaga sa kanya o baka natatakot ka lang na malamang mahal mo siya pero iba naman ang mahal niya?

 

0357. Bakit nung nasa akin ka pa, pinalaya kita? Bakit nung wala ka na, hinahanap kita? Bakit ngayon ko lang nararamdaman na mahal pa kita? Bakit pa ako ngayon umaasa pa? Ngayong alam ko na meron ka nang iba?

 

0358. Buti ka pa masaya. Hindi ka nahihirapan kasama ang taong mahal mo. Bakit ako, di ko magawa? Alam mo kung bakit? Iniwan mo kasi ako sa panahong mahal na kita. Sayang, no? Edi sana masaya ako dahil akin ka.

 

0359. Iiwas ka ba kung sabihin kong mahal kita? Sakim ba ko kung hilingin kong sana akin ka? Magagalit ka ba kung aagawin kita sa iba? Pero masisisi mo nga ba ako kung ikaw ang mahal ko at hindi siya?

 

0360. Mahirap umasa kasi mahirap maghintay. Mahirap magmahal kasi mahirap masaktan. Mahirap umalis kahit ayaw mo pa. Pero mas mahirap pa rin ang maghintay at magmahal sa wala. Nakakadala!

 

0361. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito.

 

0362. They say that action speaks louder than words. Kaya lang puro ka paramdam. Malay ko ba kung may pagtingin ka sakin? Ayoko namang umasa. Tanong ko lang, ha? Mahirap bang sabihing "mahal kita”?

 

0363. Magtitiis ako para sayo, ibibigay ang lahat basta kaya ko, kakayanin ko ang sakit para lang sayo. Pero kung di mo pa rin ako makuhang mahalin, sa kabila ng lahat ng ito, para sayo, lalayo ako!

 

0364. Akala mo ba masaya akong nakikita kang nahuhulog sa iba, tulungan ka sa kanya, intindihin ka dahil mahal mo siya? Di ko to ginagawa dahil kaibigan kita, ginagawa ko to dahil mahal kita!

 

0365. Kung yung iba kaya kang saktan, ang kaya ko lang ay ang maghintay hanggang lumapit ka sakin. Kasi dun ko lang maipapakita sayo na pag kailangan mo ko, nandun lang ako. Mahal kita, eh.

 

0366. Once, I fell in love and got hurt. Then you came, held my hands and whispered, "Wag kang mag-alala. Nandito pa naman ako, eh.” I looked into your eyes, cried even harder and said, "Bakit mo kasi ako pinagtabuyan sa kanya?"

 

0367. Paano ko sasabihing “paalam” sa taong di ko naman nakasama? Bakit pumapatak ang mga luha ko para sa taong di ko naman pag-aari? Bakit ko siya namimiss at iniisip? Bakit ba kasi ako nagmahal ng taong may mahal nga, di naman ako?

 

0368. Di ko alam kung kailan mo ko kayang mahalin. Baka nga di ko na mahintay, baka di ko na abutin. Pero sa panahong minahal kita, isa lang lagi ang tanong ko. Mahirap ba talaga akong mahalin?

 

0369. Ilan na ba silang minahal mo? Silang sinaktan ka? Silang iniwan ka? Bakit kasi sila pa eh nandito naman ako? Di kita iiwan, di kita sasaktan. Mahal kita, eh. Kaya sana ako naman!

 

0370. Love. Pag-ibig. Same old words. Bakit nga ba tayo nasasaktan pag nagmamahal? Tanga kasi tayo, eh. Magmamahal lang tayo, dun pa sa taong hindi tayo kayang mahalin.

 

0371. Pag dumadaan ka, deadma lang. Pag kinakausap mo ko, deadma lang. Pag tinutukso nila ako sayo, deadma lang. Kahit naman kasi sabihin ko sayong mahal kita, deadma ka lang, eh. Masakit yun, friend!

 

0372. What if I ask you a stupid question like, “Mahal mo ba ko?” What will you do? Will you send a sweet reply like “oo naman” or just stay quiet and tell yourself, “Tangina! Sino ba to para mahalin ko?”

 

0373. Pano kaya pag sinabi mo na mahal mo na ko? Anong isasagot ko? Na mahal din kita, ganon? Masabi ko kaya ang totoong nararamdaman ko? Eh alam ko namang binibiro mo lang ako.

 

0374. Bakit ka ganyan? Ano bang kasalanan ko sayo? Dati close naman tayo, ah! Pero bakit nung inamin kong mahal kita, lumayo ka? Sinabi mo pang di yun tama. Bakit? Kailan ba naging mali ang mahalin ka?

 

0375. Ang sarap nung sinabi mong mahal mo ko. Ang tagal ko ring hinintay yun. Nagreply ako. Sabi ko mahal din kita. Nagtext-back ka at sabi mo, “Ay, sorry! Wrong send pala!”

 

0376. Siguro kailangan nating madapa kasi merong mas tamang paraan ng pagtayo. Kailangan nating umiyak kasi di lahat kayang itago ng tawa. Kailangan nating masaktan kasi meron pa tayong dapat matutunan.

 

0377. Pag wala na ko, gusto kong makahanap ka ng tulad ko na magmamahal at magbibigay halaga sayo. Di mo man naramdaman pero yun, yun ang tunay at totoo.

 

0378. Ang pag-ibig ay hindi binibili, hindi ninanakaw, hindi inaangkin at hindi rin pinipilit ibigay sa taong hindi naman marunong magmahal. Ang pag-ibig ay pinaghihirapan ng isang taong marunong ding magmahal.

 

0379. Minsan naisip ko, bakit ba ako nagsasayang ng oras sayo eh hindi naman tayo? Pero kahit na ganito ang sitwasyon ko, tandaan mo lang na nandito lang ako. Kahit pampalipas oras mo.

 

0380. Nasaktan ako pagkatapos kong malamang wala na tayo. Pinilit kong kalimutan ka. Pinilit kong bumangon. Ngunit bakit ganon? Parang ako lang yung nasaktan. Hindi ka man lang naapektuhan. Tanong ko lang sayo, ha? Minahal mo ba ko o pinaglaruan mo lang?

 

0381. Naiisip mo pa kaya ako? Naaalala mo pa kaya yung dating tayo? Kahit minsan ba naisip mong balikan yung mga panahong yun? Kasi alam mo ako, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa buhay ko.

 

0382. Nung sinabi mo sakin na kahit kailan hindi ka na magmamahal ng isang friend, napatigil ako nun. Mahal kasi kita, eh. Kaso friends nga tayo, diba? Kaya naisip ko, itago na lang. Pero bakit ganon? Siya yung minahal mo? Friends rin lang naman kayo, diba?

 

0383. Miss na kita pero wala akong karapatang sabihin kaya tinago ko na lang sa sarili ko. Masakit yun, akala mo ba! Kasi kahit anong gawin ko, di ko masabi. Baka kasi magalit siya, eh. Sabihin inaagaw pa kita.

 

0384. Bakit kadalasan hindi ka mahal ng minamahal mo? Tapos kung kailan natuto ka nang magmahal ng iba, malalaman mong mahal ka rin niya. Maiinis ka at sasabihin mong sana naghintay ka. Alam mo, sana hinintay kita!

 

0385. Minsan nakakasawa pag lagi siyang nandiyan. Minsan nakakasakal pag lagi siyang concerned. Minsan nagsasawa ka na at nasasakal sa kanya. Pero pano pag minsan nawala siya? Magiging masaya ka ba?

 

0386. Bakit ganon? Minsan na nga lang tayo magmahal, nasasaktan pa tayo. Kundi ayaw satin, may mahal nang iba o kaya naman dahilan niya ay may masasaktan pa. Bakit ganon? Kahit ibigay mo na ang lahat, ang isasagot sayo, “Hindi na pwede dahil alam mo naman, diba?"

 

0387. Sabi ko sayo mahal ko siya. Sinabi ko sayo yun kasi kaibigan kita. Pero bakit ganon? Nabalitaan ko na lang na mahal mo rin pala siya at mahal ka rin niya. Pero dahil kaibigan kita, kahit mahirap, kahit masakit, handa akong magparaya.

 

0388. Masakit pag nakikita mong binabalewala ka lang ng mahal mo. Mas masakit pag di niya nararamdaman ang pagmamahal mo. Pero ang pinakamasakit ay ang malaman mong mahal ka rin niya pero di niya alam kung paano iparamdam sayo.

 

0389. Paano kung naghihintay lang ako sa wala? Masakit siguro yun. Paano kung may iba na pala siyang mahal? Masakit siguro yun. Paano kung mahal niya rin ako pero di ko alam? Ah, masakit talaga yun.

 

0390. Masaya ako pag kasama kita pero mas masaya ka pag kasama mo siya. Bakit ganon? Mahal kita pero mas mahal mo siya. Iniisip kita pero iniisip mo siya. Di mo ba makita na talagang mahal kita?

 

0391. Kumatok ka sa puso ko. Sabi ko, "Tuloy ka." Ngunit di nagtagal, umalis ka at kinuha mo ang susi. Tanong ko lang, ha? Babalik ka pa ba? Di kasi mabuksan ng iba, eh.

 

0392. Alam ko wala na akong halaga sayo, napapansin ko. Alam ko hindi mo na ko mahal tulad ng dati, nakikita ko sa mga kilos mo. Pero kahit balewala na ako sayo, tandaan mo, ha? Nandito lang ako para sayo.

 

0393. Sabi nila mahirap magmahal. Marami daw kasing pagsisikap at maraming pagdadaanan. Sabi ko, "Anong mahirap dun? Kung sa kagaya nga ni Ace kulang pa yun, eh."

 

0394. Ayokong dumating yung panahon na iiyak ka. Ayokong masaktan ka dahil lang sa kanya. Masakit yun. Alam ko dahil naramdaman ko na yun, eh. Natatandaan mo ba nung iniwan mo ko “dahil lang sa kanya”?

 

0395. Bakit ganon? Kung mahal ko siya, bakit nandito ka sa tabi ko? Kung mahal ko siya, bakit ikaw lagi ang nasa isip ko? Kung mahal ko siya, bakit ikaw lagi ang hinahanap ko? Di ko alam kung bakit. Hindi kaya ikaw talaga ang mahal ko?

 

0396. Kapag namatay ako, wag kang iiyak, ha? Kasi pag umiyak ka, ibig sabihin nun mahal mo ko! Masakit kasing isipin na kailangan ko pa palang mamatay bago mo ipakita saking mahal mo pala ko.

 

0397. If I was an ant, pupunta ako sa arms mo. Kakagatin kita as hard as I could. Syempre papatayin mo ko. Then as my soul rises to heaven, I’ll whisper to your ears, “I’m so glad I just died in your arms.”

 

0398. Ayoko nang makita ka pa. Ayoko nang isipin ka pa. Ayoko nang iyakan ka pa. Ayoko nang mahalin ka pa. Hirap na hirap na ko, alam mo ba? Pero bakit ganon? Ayoko ding mawala ka.

 

0399. Kahit anong tindi ng dasal ko, isa lang akong sirang nangangarap sayo. Alam kong di mo ko mahal at di ka magiging akin. Isa ka lang pangarap na di ko maaabot. Dahil lahat ng pinapangarap mo, kahit kailan, di magiging ako.

 

0400. Minsan iniisip ko na sana pwedeng wag nang magmahal para lang wag nang masaktan pa. Kaya lang pwede ba yun? Eh, makita nga lang kitang nakangiti, handa na kong masaktan ulit. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com