Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 5
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0401. Sabi nila hangga’t may isang tao pang nagmamahal sayo, hindi sayang ang buhay mo. Kaya pag nagkandaloko-loko na ang buhay mo at gusto mo nang sumuko, isipin mo lang ako. Mahal pa rin kita.

 

0402. When you ran, I chase you. You told me to stop following you. When I stopped, you got mad! Aminin mo na. In love ka rin sakin, no?

 

0403. Mahirap kapag malayo ka sa taong mahal mo. Hindi ka sigurado na hindi ka niya niloloko. Hindi ka siguradong ikaw lang ang mahal niya. Kaya ang tanong nila kung paano ko daw natitiis yun. Ang kulit nila! Sabi nang dahil nga mahal kita, eh.

 

0404. Pag kailangan ko ng kaibigan, nandiyan ka. Pag may problema ako, nandiyan ka. Tuwing malungkot ako, nandiyan ka. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nandiyan ka eh nandito ako. Bakit nga ba?

 

0405. Sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. Sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. Pero diba mas mahal mo ang isang tao kung hahayaan mo siyang maging masaya sa piling ng mahal niya?

 

0406. May mga bagay na ginagawa ng isang tao kasi akala niya tama, akala niya hindi makakasama, akala niya hindi makakaapekto sa taong mahal niya. Pero bakit ganon? Sa huli siya pa rin ang masasaktan?

 

0407. Oo. Hanggang ngayon, nagseselos ako kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako na ang mahal mo. Alam mo kung bakit? Natatakot ako kasi diyan din tayo nagsimula, eh. Sa “magkaibigan lang kami”.

 

0408. I saw somebody on top of a building. Magpapakamatay daw! I asked why. My crush daw siya sayo! Aba! Tinulak ko nga! Sabi ko, "Gago! Akin na yun, no! Sige. Pakamatay ka na!"

 

0409. Ang ganda ng langit sa gabi, no? Ang daming bituin. Kaso nakakapagod tumingala. Buti na lang nandiyan ka. Isang tingin ko lang, langit na.

 

0410. Kung mahal mo ang isang tao, kahit may mahal na siyang iba, sabihin mo, iparamdam mo na mahal mo siya. Malay mo may biglang magbago, lumapit siya sayo at sabihin niyang, “Mahal rin kita noon pa!”

 

0411. Noon, tunay nating mahal ang isa’t isa. Ngayon, nagbago kang bigla. Bukas, nangako kang babalik. Maturuan mo pa kaya akong mahalin kang muli kung ang sakit na dinulot mo’y nasa puso ko pa rin?

 

0412. Sabi mo miss mo ko. Bakit ang tahimik mo? Sabi mo iniisip mo ko. Bakit parang hindi? Sabi mo kailangan mo ko. Bakit hindi ko maramdaman? Puro sabi, puro bakit. Mahal mo ba ako o hindi?

 

0413. Sabi nila napapagod din ang puso. Pano kung mapagod ang puso ko at hindi na makapaghintay? Mapatibok mo kaya itong muli? Paano pag hindi na? Ay, oo nga pala. Wala rin namang diperensya kung mawala ako, diba?

 

0414. An angel is beside you if you feel a soft breeze. It’s because of their flapping wings. Kaya nga tuwing umiihip ang hangin, naaalala kita. Kasi akala ko nandiyan ka na.

 

0415. Ilang araw na tayong di nag-uusap. Ilang araw na ding hindi tayo nagkikita. Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam. Alam mo bang hindi ko na matiis yun? Bakit ikaw, natitiis mo? Ay, oo nga pala. Ano nga naman pala ako sayo?

 

0416. What are you going to do if someone leaves you? If someone bids goodbye? If someone walks out that door without you knowing why? Ang hirap sagutin, diba? Lalo na kapag yung someone na yun yung taong mahal mo pa.

 

0417. Gusto ko lagi kitang kasama, gusto ko lagi kang nandiyan, gusto ko laging kausap ka, gusto ko sana tayo na. Pero sa lahat ng ito ang pinakagusto ko ay maging masaya ka. Kaya sige na, puntahan mo na siya.

 

0418. Minsan may nagtanong sakin, “Nagmahal ka na ba?” Sabi ko, “Oo naman.” Nagtanong uli siya sakin, “May mahal ka na ba?” Sabi ko, “Oo naman.” Sabi niya, “Nasaan?” Sabi ko, “Ayun, oh. May mahal nang iba.”

 

0419. Mahirap aminin sa isang tao na mahal mo siya. Kahit di niya alam na nasasaktan ka niya, sige ka pa rin kasi mahal mo siya. Hanggang sa magmahal siya ng iba kasi huli na ang lahat nang malaman mong minahal ka rin niya nung mga panahong tinatago mo sa kanya.

 

0420. Mahal kita pero di ko masabi sayo. Gusto kita pero di ko mapakita sayo. Wala namang pumipigil sakin na mahalin ka bukod sa kanya, eh. Di ko lang mapakita kasi alam kong siya naman ang mahal mo at hindi ako, diba?

 

0421. Sa kanya ka na lang kasi alam kong sa kanya ka sasaya. Sa kanya ka na lang kasi alam kong siya ang mahal mo. Sa kanya ka na lang kasi wala lang naman ako sayo. Pero may tanong ako,”Mahal ka ba niya gaya ng pagmamahal ko sayo?”

 

0422. Sensya na kung nagseselos ako. Wala nga pala akong karapatan. Sensya na kung sinabi kong wag mo siyang mahalin. Sino nga ba ako para pigilan ka? Sensya na rin kung isang araw mawala na lang ako nang basta-basta, ha? Baka kasi di ko makayanang hanggang pagkakaibigan na lang talaga.

 

0423. Mahirap makalimot sa mahal mo lalo na kung may mahal na siya, kung ang pinili niya ay iba. Ang masakit pang isipin dun, mahirap kasi pinlano mo na yung buhay mo na kasama siya.

 

0424. Pano kaya pag wala ka na? Pano na ko? Wala na kong matatakbuhan, wala na kong mapagsasabihan, wala nang mapag-aalalahanan. Walang Ace? Di pwede yun. Wala na ring Ariane.

 

0425. Minsan daw nakakapagod magmahal. Minsan masaya. Tapos may mga oras rin naman na iiyak ka. Pero ang totoo, hindi ako nagsasawa! Bakit? Kailan pa ba nagsawa ang taong nagmahal ng totoo?

 

0426. Not all people will like you. Sabi nga nila, “You can’t please everybody.” That’s why I’m lucky that I have you. Because of that, I’d be confident to say na, “Kahit mawala sila, basta nandiyan ka, mabubuhay na kong masaya.”

 

0427. Sometimes you tend to be in despair when your loved one doesn’t love you back. But don’t worry, don’t cry much. Just close your eyes and whisper, “Mahal din ako nun. Pakipot lang.”

 

0428. Minsan masaya ako kapag heartbroken ka. Ako kasi yung nagcocomfort sayo. Pero madalas masakit rin. Hindi lang dahil ayokong nasasaktan ka kundi dahil na rin pag nasasaktan ka mo lang ako naaalala.

 

0429. Sabi ko sa angel ko mag-googoodbye na ko sayo, na wala akong pakielam sayo, na wala ka lang sa life ko. Nagalit siya sakin at sinabing, “Kailan ka pa natutong magsinungaling?”

 

0430. Dati pag pasko, ang hilig ko eh laruan. Pag gising ko, meron na. Tapos gusto ko rin pera. Pag gising ko, meron na. Sana lang kasya ka rin sa medyas ko, no? Para pag gising ko, akin ka na!

 

0431. Sabi nila mabait ka daw, quiet lang ako. Sabi nila masaya ka daw kasama, quiet lang ako. Sobra-sobra ka daw magmahal, quiet lang ako. Tapos sabi nila madami daw nagmamahal sayo. Aba! Nag-react na ko, “Hindi pwede! Akin na siya, no!”

 

0432. Minahal kita higit pa sa akala mo pero balewala sayo kaya lalayo na lang ako. Hindi dahil napagod na ko sa paghihintay na mahalin mo rin ako. Mahirap lang talaga ang umasa at lalo na siguro ang magmahal ng bato.

 

0433. Minsan lang nagmahal ang puso kong tanga. Ang hayop na to, naagawan pa! Kung napadama ko lang agad, sana akin na siya. Ako nga siguro ang tanga! Tanginang pag-ibig yan! Nauso pa!

 

0434. Just wondering. When is the right time for me to say I love you? And when I tell you this, what will you do? Would you accept it and say, “I love you too” or would you feel stupid and say, “Problema mo?”

 

0435. Masarap magmahal, no? Lagi kang masaya, lagi kang inspired lalo na pag alam mong mahal ka rin niya. Pero magiging masarap din bang magmahal kung alam mong balewala ka lang sa kanya?

 

0436. Sabi nila gago ako. Kasi daw ikaw ang mahal ko! Nasasaktan na raw, sige pa rin ako. Madami pa daw iba, lumingon lang ako. Tama sila. Madami pa nga diyan. Kaso may problema. Mahal ko ba sila?

 

0437. If ever I’d be dying tom, I want you to promise me you won’t be crying, not a tear from you. Why? Simple. Sino na lang ang magpupunas ng mga luha mo kung wala na ako?

 

0438. Hindi na ako ang iniisip mo. Hindi na ako ang hinahanap mo. Hindi na ako ang nasa puso mo. Hindi na ako ang minamahal mo. Oo nga pala, sabi ko nga. Kailan nga ba naging ako?

 

0439. When things go wrong, when sadness fills your heart, when tears fall from your eyes, always remember two things. May Ace ka. Sila wala!

 

0440. Sana malaman mong nandito lang ako. Sana mapansin mo na may nagmamahal sayo. Sana matuto kang buksan ang puso mo. Sana kapag nangyari yun, sana nandito pa ako.

 

0441. Dati may nagmahal sakin. Manhid daw ako at walang pakiramdam. Di ko raw kasi nakita, di ko raw naramdaman. Pero kung manhid ako, bakit mahal kita? Di mo ba alam, di mo ba nakita? Bakit? Manhid ka rin ba?

 

0442. Mahal kita, alam mo ba? Kaso mahal mo siya, diba? Sobra nga, eh. Sige, hintay na lang ako. Baka sakaling umapaw. Para kahit yung sobra, akin na lang.

 

0443. Kailan ko kaya masasabi na mahal kita? Yung tipong makikinig ka na? Pero pano kung hindi mo talaga ko mahal? Wala akong magagawa. Iiyak lang at sasabihing, “Sana hindi ko na lang inamin na mahal kita.”

 

0444. Meron akong friend. Nahulog ako sa kanya. Pero may mahal na siyang iba. Alam mo, ang tanga niya! Hindi niya alam na mahal ko siya. Ano? Sapul ka ba? Ikaw yun, tanga!

 

0445. Hahayaan kita na mapunta sa iba dahil gusto mo. Hahayaan kitang ipagpalit mo ko dahil gusto mo. Hahayaan kitang magmahal ng iba. Wag ko lang malalaman na nasaktan ka dahil hinayaan kita.

 

0446. Minsan kay sarap umiyak. Lalo na pag naaalala mo ang nakaraan. Pero para saan nga ba talaga ang pag-iyak? Sa sakit? O dahil hindi mo kayang ibalik ang kahapong may minahal ka ng sobra?

 

0447. Sana ako na lang ang minahal mo. Sana ako na lang ang iniisip mo. Sana ako na lang ang namimiss mo. Sana kahit isa sa mga sana ko magkatotoo. Kahit na alam ko na hanggang sana na lang ako.

 

0448. Minsan nilapitan mo ko, tinapik at sinabing, “Wag mong isipin yun. Mahal ka rin nun.” Napangiti ako sayo at lihim na napaluha. Mahal mo pala ako kahit sa biro lang.

 

0449. Everyone needs someone to be with but often, they try to choose the best. I may not be the best but I promise not to leave you. Aalis lang ako pag sinabi mong, “Ace, hindi na kita kailangan.”

 

0450. If someone sits beside you and tells you “I love you”, get a martilyo and pukpok the head! Then pakisabi lang naman sa kanya na may Ace ka na to love and care for you so much.

 

0451. Bukas maaari mo akong iwanan, saktan, palitan, kalimutan. Pero hindi kita gagayahin. Iiyak na lang ako kasi panghabangbuhay kong tatandaan na minsan sobrang minahal kita.

 

0452. Iniwan mo ko. Wala akong nagawa. Kahit masakit, ok lang. Mahal kita, eh. Masaya ka dun, eh. Pero nang nakita kitang umiiyak, isa lang ang nasabi ko, “Ni minsan hindi kita ginanyan. Bakit mo kasi ako iniwan?”

 

0453. Di ko namalayan na katulad nila, dahan-dahan kang pumasok sa life ko. But I’m happy. Wish ko lang na sana lagi kang nandiyan kasi I’ll be sad if di ko mamalayan, tulad nila, dahan-dahan, umalis ka rin pala!

 

0454. You might be meeting fellas more astig than me, more bangis and more lupet than me. But one thing I can assure you, bud. I’d still be your tropa when they all walk out. Beat that, pare!

 

0455. Kapag may umaway sayo, gagawin ko ang lahat para maipagtanggol kita. Kahit sino pa o ano pa siya. Pero baka magising na lang ako na nasa harap kita at sabihin mo na, “Bakit mo ginawa yun? Ano ba kita?”

 

0456. Nung sweet ka sakin, akala ko mahal mo na ko. Nung lagi kang nasa tabi ko, akala ko mahal mo na ko. Nung magkausap tayo, nagpasalamat ako sayo. May sasabihin pa nga dapat ako, eh. Kaya lang sabi mo, “That’s what friends are for.”

 

0457. Ang hirap makipaglaban, no? Lalo na kung alam mong yung taong pinaglalaban mo, binabalewala ka lang. Tangi! May mas masakit pa dun! Yung habang pinaglalaban mo, may pinaglalaban rin siyang iba.

 

0458. Bakit ka ganyan? Minamahal kita pero mahal mo siya. Mahal mo siya kahit ginago ka niya. Sana pala ginago na rin kita. Baka sakaling mahalin mo rin ako, diba?

 

0459. Diba alam mo naman na mahalaga ka sakin at kailangan kita? Alam mo naman na masaya ako pag nandito ka, diba? At mas lalong alam mo na mahal kita. Alam mo pala, eh. Bakit ka pa nagmahal ng iba?

 

0460. Magulo talaga ang mundo. Pag gusto ka, ayaw mo. Pag gusto mo, ayaw sayo. Pero ang masakit dun, mahal mo at mahal ka pero hindi pa rin kayo.

 

0461. Pag sobrang lapit mo sa isang kaibigan, natututunan mong mahalin, diba? Wag kang lalapit sakin, ha? Baka kasi mahalin kita. Tapos kaibigan pa rin pala ang tingin mo sakin.

 

0462. Wag mong sayangin ang time na ipagtapat sa isang tao na mahal mo siya lalo na kung alam mong mahal ka rin niya. Dahil baka dumating yung araw na sure ka na pero siya, may iba na.

 

0463. Ang sakit maramdaman na kahit kailan hindi mo ako matututunang mahalin. Masakit isipin na umaasa ako sa wala. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit? Ang makita kang masaya habang dumadaan siya.

 

0464. Wag mo na kong gaguhin, alam ko na. Siya ang mahal mo at hindi ako. Wag mo na akong gawing tanga. Di pa ba sapat na tuwing nakikita ko kayo, namamatay ako?

 

0465. If you ever find someone better, funnier or nicer than me, go ahead, hindi kita pipigilan. Pero pag iniwan ka ng gagong yun, tingin ka lang sa likod mo. Nandun ako, nang-aasar sayo, “Better than me pala, ha?”

 

0466. Someone asked me, “What if I’m gone? Will you miss me?” I said, “No!” He asked, “But why?” I smiled and said, “Why should I? Si Ace ka ba?”

 

0467. Alam mo ba, may pagka-pareho kami. Mahal ka niya, ako rin. Ikaw lahat para sa kanya, sa akin din. Kaso hanggang dun na lang yun kasi hindi na kami pareho. Mahal mo siya, ako hindi.

 

0468. Galit ka ba sa mahal mo dahil hindi ka niya love? Uy, pareho tayo! Galit ka ba sa taong mahal ng love mo dahil siya ang love at hindi ikaw? Shocks, same na naman tayo! Kasi alam mo, galit ako sayo at sa mahal mo.

 

0469. Alam ko kung paano umiyak kasi tinuruan mo na ko. Alam ko kung paano masaktan kasi tinuruan mo na ko. Pero alam mo kung ano yung hindi ko matutunan? Ang magmahal ng iba at iwan ka.

 

0470. Pag sinabi ko sayo na aalis na ko, pipigilan mo ba ko? Paano kung sabihin ko sayo na hindi na kita mahal? Masasaktan ka ba? Hindi siguro! Nung sabihin ko nga na mahal kita, wala lang sayo, eh. Yun pa kaya?

 

0471. Bakit ba ganun? Bakit pag nagmamahal ka, kailangan mong masaktan? Bakit kailangan mo pang magtiis? Nakakainis, no? Kahit handa kang ibigay ang lahat sa kanya, hindi ka man lang niya binibigyan ng pag-asa.

 

0472. Someone once asked me if I fucking care for you. I just shouted, “Bullshit!” I raised my middle finger and pointed it to the person with all my might. Then I simply walked away and whispered, “Putcha, sobra!”

 

0473. May mga bagay na gusto natin pero hindi natin makuha, may mga taong gustong makasama pero mahirap abutin. Mahirap talagang magmahal at umasa lalo na kung alam nating may nagmamay-ari sa kanilang iba.

 

0474. I miss the way I make pacute and you say, “Epal!” I miss the way I shout, “Cute mo!” And you say, “Talaga lang, ha?” But the thing I miss most is when you joke me, “I love you!” And I whisper, “Sana nga.”

 

0475. Minsan lumapit ka sakin. Sabi mo may problema ka. Sabi ko wag kang mag-alala, nandito lang ako. Niyakap mo ko nang mahigpit. Sabi mo, “Mahal kita.” Pero ang binanggit mo, pangalan niya.

 

0476. Sabi mo, “Ayoko na.” Sabi mo, “May mahal na kong iba.” Kahit masakit, hinayaan lang kita. Tapos bigla kang magtetext, “Musta na?” Tangina! Nang-aasar ka ba?

 

0477. Nakakalungkot kasi minsan lang tayo magkita, saglit lang magkausap. Pero naisip ko din, at least may minsan, kahit papano may saglit. Ok na sakin yun kaysa

naman sa wala.

 

0478. Sabi ko sa sarili ko makakalimutan din kita. Pinilit ko, masakit. Ginawa ko, mahirap. Anong gagawin ko? Tumakbo? Magtago? Saan ako pupunta? Maliit lang ang mundo ko. Umiikot lang sayo.

 

0479. Sabi ng iba nakakainggit daw ako. Hindi naman ako celebrity. Sabi nila ang swerte ko daw. Hindi naman ako rich. Sabi pa nila ang yabang ko daw. Aba! Ikaw ba naman ang magkaron ng Ace sa life mo, di ka maging proud?

 

0480. Minsan isip bata ako, minsan seryoso, minsan sweet, minsan sungit at minsan manhid. Pero kahit praning, magulo at sabog ako, ni minsan, di ka nawala sa puso ko!

 

0481. Minsan gusto kong sabihin sayo na nasaktan mo ko, pinaiyak, pinaasa, pinagmukhang-tanga. Pero natatakot ako. Kasi baka sabihin mo, “Bakit mo ako sinisisi? Sinabi ko ba sayong mahalin mo ko?”

 

0482. Mahal niya ko pero hindi ko siya mahal kasi ikaw ang mahal ko. Kaso mahal mo siya kahit hindi ka niya mahal kasi may mahal rin siyang iba. Mahal niya ko, mahal kita, mahal mo siya. Di ba pwedeng mahal mo ko, mahal kita tapos bahala na sila?

 

0483. Sa life ko, may dumarating at umaalis. May nagtatagal, may hindi. Pero lahat nasa puso ko at isa ka na dun! Sana lang ikaw yung dumating, magtagal at hindi na aalis!

 

0484. Life ain’t easy. You have to be strong to learn what’s right, stumble to persevere, hurt to be stronger, fall to rise again, lose to try harder. But knowing you’re there? Hay! Kayang-kaya!

 

0485. Oo, dati nasaktan kita pero hindi ko yun sinasadya. Oo, dati minahal kita at hanggang ngayon meron pa. Oo, alam kong nagkamali ako nang saktan ko ang puso mo. Pero ikaw ba naisip mo na mas nasaktan mo ako nang iwan mo?

 

0486. Minsan akala mo yun na pero hindi pa pala. Minsan akala mo siya na pero may iba pa pala. Minsan akala mo may darating pa pero wala na pala. Dahil yung inakala mong hindi pa, siya na pala!

 

0487. Sa buhay, lagi na lang may problema. Pero meron din namang saya pag nakikita ka, nakakasama o nakakausap. Sabi nila hindi raw perpekto ang buhay. Sa kanila lang yun! Yung buhay ko perpekto na kasi nandiyan ka.

 

0488. Minahal kita noon pero pinabayaan mo. Minahal kita pero binalewala mo. Ngayong mahal mo na ko, pinakawalan ko. Bakit ngayon mo pa ako minahal? Ngayong may mahal na akong iba?

 

0489. Alam mo ba na hinihintay pa rin kita? Na hindi pa ko naghahanap ng iba? Na ikaw lagi ang iniisip ko? Alam mo ba na hanggang ngayon mahal pa rin kita? Ikaw lang kasi, eh. Bumitaw ka.

 

0490. Friends. Yun tayo, diba? Masaya ako kapag katext kita. Pag wala akong magawa, lagi kang nandiyan. Ang bait-bait mo sakin. Bakit ka ganyan? Baka mahulog ako kahit alam ko namang hindi mo ko masasalo.

 

0491. Sabi nila gagawin mo lahat pag mahal mo ang isang tao. Pagbibigyan mo hangga’t kaya. Pero paano kung saktan ka? Mamahalin mo pa rin ba? Ako, oo. Dahil di naman ako nagmahal para lang sumaya.

 

0492. Di mo ba nakikita ang pagsasakripisyo ko? Di mo ba nakikita ang paghihirap ko? Di mo ba nakikita na nasasaktan ako? Pucha! Pano mo nga naman pala makikita eh nakatingin ka sa kanya?

 

0493. Bakit masakit magmahal? Bakit hindi tayo natatauhan? Paulit-ulit tayong nagmamahal, paulit-ulit din tayong nasasaktan. Well, siguro ganyan lang talaga ang buhay. Magmahal at masaktan.

 

0494. Ang hirap pag wala yung mahal mo, no? Nakakalungkot, masakit, nakakamiss. Bakit ganon, no? Pagkatapos ng saya, darating din yung time na iiwan ka niya. Dun pa sa part na sobrang mahal mo siya.

 

0495. Paano kung isang araw iwan kita? Hahabulin mo ba ko? Uubusin mo ba ang oras mo makita lang ako? Iiyakan mo ba ko kasi mahal mo ko? Hindi siguro kasi kung iisipin ko, pang-ilang balik ko na ba to?

 

0496. If people try to fuck you up, we’ll kick their dumb asses and be proud of it! Kapag rumestback naman ang mga gago, sabay tayong tumakbo! Kasi nga walang iwanan, diba?

 

0497. Nasasaktan ako pag naiisip kong mahal mo pa rin siya. Nasasaktan ako pag nakikita kitang nakatingin sa kanya. Nasasaktan ako pag naaalala kong dapat tayo na pero nasira dahil sa kanya.

 

0498. Isang araw, may magtatapat sayo. Sasabihin niya, “Alam mo, mahal kita.” Pag dumating yung araw na yun na magtapat siya sayo, promise mo sakin di mo ko pagtatawanan, ha?

 

0499. Importante ba yung word na “mahal”? Ewan ko lang pero para sakin mas importante ka. Alam mo ba kung bakit? Kasi how can I say “mahal kita” kung wala ka naman?

 

0500. Kapag sila ang nasaktan, ayos lang. Kapag ako ang lumuha, ayos lang. Pero kapag ikaw ang umiyak, wala lang. Sisigaw lang ako ng, “Tangina naman, eh! Kaibigan ko yan! Away na kung away!” 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com