Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 7
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0601. Isang araw, niyaya na ako ng isang angel sa langit. Sabi ko ayoko, sabi ko di pa ko pwede. Sabi niya ikaw na lang daw. Eh gago pala siya, eh! Kaya nga ayoko pang sumama. Tapos kukunin ka niya?

 

0602. Alam ko maraming beses ka nang nasaktan pero swerte ka pa rin dahil madami ang nagmamahal sayo. Eh, ako? Nasasaktan nga pero alam mo? Di ko pa naranasan sa buhay ko na mahalin ako tulad ng ginagawa ko sayo!

 

0603. You were crying for a girl then I asked you who she is. You hesitated but I urged you. I was surprised when you told me it was I! I smiled and said, “Eh, ano pang iniiyak-iyak mo diyan? Mahal din naman kita, no!”

 

0604. Kadalasan love is unfair. Kung sino yung nagmamahal, siya yung nasasaktan at yung nambabalewala naman yung siyang minamahal. Minsan tuloy naisip ko, balewalain kaya kita? Mahalin mo kaya ako?

 

0605. Sabi ko na nga ba may kulang sa gabing ito. Kulang pa rin pala kasi hindi mo pa rin ako gusto. Kailan kaya darating yung araw na biglang magkamilagro at sabihin mo saking natutunan mo nang mahalin ako?

 

0606. In time, mawawala ka din sakin. Pwedeng mapagod ka, pwedeng magsawa ka, pwedeng sumuko at pwede ding may makita kang bago. Ok lang yun! At least hindi ako yung sumuko. Ikaw!

 

0607. Sabi nila pag mahal mo ang isang tao, fight for him! Pero paano mo nga siya ipaglalaban kung ni minsan hindi ka naman niya nakuhang mahalin?

 

0608. Sabi mo may minamahal ka na ngunit di ka niya pinapansin. Mahal kita kaya lumayo na lang ako, nakahanap ng iba at lumigaya. Bumalik ako nang ito ang tanong, “Musta na kayo ng mahal mo?” Ang sagot mo, “Wala na kasi iniwan mo ko.”

 

0609. Bago kita nakilala, ang saya-saya ng buhay ko. Wala masyadong problema. Laging nakangiti, laging nakatawa. Pero nagbago ang lahat nang dumating ka. Ewan ko ba. Pwede palang maging mas masaya!

 

0610. Kung may magmamahal sakin at mananakit, gusto ko ikaw yun. Pero kung may mananakit at magpapaiyak sayo, ayokong maging ako. Kasi pag sinaktan ka, mas masasaktan ako.

 

0611. Sabi nila find a true person. Yung tanggap kung sino ka, yung di ka iiwan in times of trouble, yung the best! Natawa nga ako kasi naisip ko, bakit pa? Eh, nandiyan ka na!

 

0612. Pag may taong nagmamahal sayo, ayaw mong aminin na nahuhulog ka na sa kanya. Natutuwa ka pag nandiyan siya pero ayaw mong pahalata. Pano na lang kung umiwas na siya? Di mo pa rin ba aaminin na nasasaktan ka na?

 

0613. Hindi kita nakikita pero ok lang. Hindi nakakausap pero ok pa rin. Masaya ako kahit wala ka sa tabi ko. Pero gusto kong malaman mo na tuwing wala ka, kulang ang buhay ko kahit ok ako.

 

0614. Pag nawala ako, hahanapin mo ba ko? Malulungkot ka ba? Mamimiss mo ba ko? Kung oo ang sagot mo, sana nga mawala na ako para naman kahit minsan maramdaman ko na importante rin pala ako sayo.

 

0615. Lagi ka na lang may rason. Nakalimutan mong tumawag, nakalimutan mong magtext, nakalimutan mong magpaalam. Pero ingat ka, ha? Baka pag naalala mong mahal mo ko, nakalimutan na kita.

 

0616. Sorry for not being the best though I’ve tried. Sorry for not being perfect for you though I’d be. Sorry for not being someone who you want and expect me to be. Sorry si Ace lang ako.

 

0617. Ikaw lang ang inaasahan ko. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko. Wag ka nang magtaka kung bakit ikaw at hindi siya. Kasi siya man ang tadhana ko, alam kong ikaw naman ang buhay ko.

 

0618. Kahapon may nagtanong sakin. Ano daw ba ang mas mahalaga, ikaw o ang mga pangarap ko. Sabi ko syempre ikaw! Kasi ikaw lang naman ang nag-iisang pangarap ko, eh.

 

0619. Minsan ba naisip mo kung bakit yung in-love sayo madalas di mo gusto? Tapos yung mahal mo naman, friend lang ang tingin sayo. Eh, pano kung mali ka? Pano kung mahal ka rin pala niya kaya lang ganun din yung iniisip niya?

 

0620. Nagulat ka kasi nagtext ako? Wala lang. Naalala lang kasi kita. Actually nagdalawang-isip pa nga ako, eh. Kaso naisip ko, kung di kita itetext, may pag-asa pa kayang maalala mo pa ko?

 

0621. Dati sinasabi mong mahal mo ko at sinasabi kong mahal kita. Ganun tayo dati. Mag-aasaran at magtatawanan pa. Pero naisip ko, hanggang lokohan na lang ba? Kasi alam mo ngayon, mahal na kita. Walang halong patawa.

 

0622. Sometimes I forget to ask, “Are you okay?” Sometimes I even miss to say, “Hi!” But that doesn’t mean that you’re forgotten. Of course not! Busy lang po. Parang ikaw.

 

0623. Why did God give you to me? Is it because I need you or you need me? Bigay ka nga ba o pahiram? Kung bigay ka, ang swerte ko naman. Kung hiram lang, sorry sila! Wala nang bawian!

 

0624. Ganto kita kamahal. Naglalakad ka tapos may sumabog sa mukha mo. Pag mulat mo, wala ka nang makita. Sabi ko wag kang mag-alala dahil after 3 weeks makakakita ka na. Ako hindi na.

 

0625. Ang sarap magyosi, no? Pero minsan kapag may ashtray ka, nailalapag mo tapos nalilimutan mo na. Nauubos na pala nang hindi mo namamalayan. Pano kaya kung ako yung yosi mo? Mag-aashtray ka pa kaya?

 

0626. Alam kong maraming special na tao sa buhay mo. Marami ding umaangkin sayo. Pero kapag pinabayaan ka na nila, lumapit ka lang sakin at sasabihin ko sayong, “Sakin sobrang importante ka pa rin.”

 

0627. Kung nagmamahal ka, sabihin mo. Wag mong pangunahan ng takot. Wag mong hayaang dumating yung araw na sabihin na lang niya sayo na, “Nainip na ko. Ang tagal kong naghintay pero hindi mo ko minahal agad.”

 

0628. Pano kung sobrang in-love ka sa isang tao tapos biglang bumalik yung una mong mahal? Sino yung pipiliin mo? Yung dati na gusto mong balikan? O yung ngayon na ayaw mong saktan?

 

0629. Gusto mo bang umiyak? Dahil ba sa kanya? Sige, sasamahan kita. Dun tayo sa ulan para di makita ang mga luha mo para sa kanya. At ako naman, para sayo.

 

0630. Minsan naisip ko, ang tanga ko para pakawalan ka. Nagsisisi ako at nagawa kong iwan ka. Minsan pa nga parang gusto kong balikan ka. Pero pag naaalala ko yung araw na nawala ka, naaalala ko din na pangarap nga lang pala kita.

 

0631. Alam mo bang mahal kita? Na mahal na mahal? Sa kabila ng mga topak mo at paglalambing, mahal na mahal pa rin kita. Alam mo ba kung bakit hindi ko pinapakita? Kasi alam kong mahal na mahal mo rin siya.

 

0632. Mahirap magmahal ng pilit, mahirap mahalin ang taong hindi mo naman talaga mahal. Pero ano ba tong hirap na nararamdaman ko para sayo? Siguro yung hirap na umasang mamahalin mo rin ako. Ah, mas mahirap pala to.

 

0633. One day, kumakanta ako. Sabi mo, “Aba! Kailan ka pa natutong kumanta?” Sabi ko, “Nung ma-inlove ako.” Tapos sinabayan mo ko. Sabi ko, “In love ka din?” Sabi mo, “Oo, sa kanya.” Sabay turo ka pa. Umiyak ako. Sabi mo, “Kailan ka pa natutong umiyak?” Sabi ko, “Nang natuto kang kumanta.”

 

0634. May nagtanong sakin kung sino ang mahal ko, nakita kita. Tumahimik ako, pumikit, ngumiti at tinuro ka, “Siya yun, siya pa rin, siya lang at wala nang iba.”

 

0635. Minahal kita kaso naghanap ka ng iba. Hinintay kita kaso hindi ka na bumalik. Umasa ako na parang tanga, martir man ako sabi nila. Ito lang ang alam ko. Minahal kita ng sobra.

 

0636. Masaya pag nagmamahal ka pero mas madalas masakit. Tapos tatawagin ka pang tanga ng iba kasi sinasaktan ka niya. Nasasabi mo pa, “Pano siya?” Di mo ba naisip? Ikaw? Pano ka?

 

0637. Sabi mo iiyak ka pag namatay ako. Nalungkot ako. Kasi narinig ko na sinabi mo sa kanya, “Pag umalis ka, ikamamatay ko.” Naisip ko kasi, bakit siya aalis lang, ikamamatay mo na? Samantalang ako, mamamatay na, iiyakan mo lang.

 

0638. Minsan pakiramdam ko wala na kong ginawang tama. Lahat may mali, lahat may puna. Pero pag naiisip kita, sumasaya ako dahil sa dinami-rami ng katangahan ko, at least sayo tumama ako!

 

0639. Hindi na kita nahintay kasi napagod na ako. Ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa. I’ll try to move on pero babagalan ko. Baka sakaling mahabol mo pa ko.

 

0640. May nakapagtanong sakin kung mahal daw kita. Halata daw kasi. Sabi ko naman, “Ngek! Saan niyo naman napulot yan?” Pero sa loob-loob ko, “Tangina! Buti pa kayo nahalata niyo! Ewan ko ba kung bakit siya hindi.”

 

0641. Mula nang mahalin kita, naranasan kong magselos, masaktan at lumuha. Pero kahit ganun, wala akong pinagsisisihan. Kasi nang mahalin kita, naranasan kong maging masaya.

 

0642. Alam mo dati, umiyak na ko. Ang sabi mo pa nga nun, “Tama na. Nandito naman ako, eh. Di kita iiwan.” Pero bakit ngayon umiiyak na naman ako? Ang sabi mo pa, “Tama na. Makakalimutan mo rin ako.”

 

0643. Minsan napapaisip ako. Bakit kaya ikaw pa ang napili kong mahalin? Siguro dahil mabait ka, lahat ng maganda sayo ko nakita. Pero napakalaki kong tanga! Hindi ko nakitang may mahal ka na palang iba.

 

0644. If someone makes you cry, let me know at aawayin ko siya! If someone hurts you, tell me at igaganti kita! If someone dumps you, tell me who para masabi ko sa kanyang, “Gago ka, ah! Ako nga hindi ko yan mapaiyak, eh. Ikaw pa?”

 

0645. I know you have worries. I know you have fears. I know how you keep them all inside and how you fight back tears. But this you must remember, though. Life isn’t for you to bear alone. Nandito lang ako.

 

0646. Kapag mahal mo ang isang tao, magtitiis ka na ipaglaban siya, unawain siya at mahalin siya kahit na alam mong hindi ka na niya kayang mahalin pa.

 

0647. Mahirap idaan sa walang kibo. Mahirap idaan sa walang salita. Mahirap idaan sa pag-iyak. Kung mahal mo siya bakit hindi mo sabihin sa kanya? Malay mo mahal ka rin niya.

 

0648. Ang hangin kahit saan pwedeng pumunta, pwedeng madama at pwede mong makasama. Samantalang ako nandito, mag-isa habang iniisip ka. Sana hangin na lang ako, no? Para sa mga oras na to, magkasama tayo.

 

0649. Ang pag-ibig ay parang basketball. May foul ang tama. May jumpball ang simula. May free throw ang second chance. Pero ang pinakagusto ko, yung rebound! Kasi pinilit kitang kunin at ayaw ipaagaw sa iba.

 

0650. Eh, ano naman kung hindi mo ko tinetext? Akala mo namimiss kita? Feeling mo malulungkot ako? Akala mo iiyak ako? Ha? Utang na loob, no! Text mo naman ako! Please?

 

0651. Pag may nagsabi sayong “I don’t like you”, wag mong patulan. Hilahin mo ko tsaka mo sabihing, “Who cares? Ito si Ace, oh. Love ako nito.”

 

0652. Alam ko madami kang friends. Bait ka kasi. Alam ko madaming may crush sayo. Cute ka kasi. Alam ko madaming nagmamahal sayo. Iba ka kasi. Pero madami man sila, pag iniwan ka nila, ako nandito lang kahit nag-iisa.

 

0653. Sa buhay, hindi lahat binibigay. May mga gusto tayo na hindi nakukuha. May mga pangarap na hindi naaabot. May mga hiling na hindi natutupad. Pero masaya na rin ako. Bakit? Kasi nandiyan ka na.

 

0654. Madalas kitang hanapin. Palingon-lingon, palinga-linga. Tapos pag nakita na kita at kaharap ka na, bigla na lang akong hindi makapagsalita. Bakit? Eh, pano ako magsasalita kung ang buong kahulugan ng buhay ko nasa harap ko na?

 

0655. Time will come na may isang taong aagaw sayo. Kung mahal mo siya, tatanggapin ko. Kung mas mahal mo ko eh putcha, kahit patayin niya ko, itaga mo sa bato, hindi ka niya makukuha!

 

0656. Di mo ko nakikita pero in love ka, di mo ko nararamdaman pero in love ka, pasend-send lang ako ng quotes pero in love ka na. Pero bakit ganon? Kung kailan ako na yung in love tsaka ka naman nawala.

 

0657. There are days when you might feel that I don’t remember you. I don’t call nor text you. What you don’t know is that maybe all those time, I’ve also been wanting to keep in touch. Ayoko lang ipahalata na namimiss kita.

 

0658. Masakit masaktan at alam mo yun. Pero bakit ganon? Habang tumatagal, kapag naiisip kita, lahat nag-iiba? Ayos lang namang humanap ka ng iba, eh. Wag mo lang sasabihin na mas mahal mo siya.

 

0659. Ipinagtanggol kita sa lahat ng bagay, binigay ko ang lahat ng nakayanan ko, minahal kita ng todo-todo. Pero ang masakit dun ay ginawa ko ang mga yun kahit hindi tayo.

 

0660. Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba di mo ko sasaktan? Tangina! Akala ko lang pala yun! Ang tanga ko, no? Akala ko kasi di mo ko iiwan, eh. Sinungaling ka pala!

 

0661. Alam mo, tanga ka. Hindi mo ko nirereplyan, hindi mo ko namimiss and you take me for granted. Pero mas tanga ako. Alam mo kung bakit? Kasi kahit na ganyan ka, mahal pa rin kita.

 

0662. Alam mo ba na tuwing nakikita kitang malungkot, gusto kitang yakapin ng sobrang higpit at sabihing nandito lang ako? Kaso hindi ko magawa kasi alam ko na hindi naman ako ang kailangan mo.

 

0663. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa ang nakita ko? Bakit ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pa ang minahal ko? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ikaw pa na kaibigan ko?

 

0664. Nandito ako nang iwan mo. Nandito lang ako dahil sinabi mo na babalik ka. Nandito pa rin kahit umiwas ka na. Kahit na alam kong hindi mo na ko mahal, naghintay pa rin ako sa napakahabang panahon. Naghintay sa wala.

 

0665. Pag nawala na siya, wag mo nang sayangin ang mga luha mo dahil hindi na siya babalik sayo, hindi na siya maaawa sayo. Bakit? Nung iniwan mo siya, naawa ka ba sa kanya?

 

0666. Nang di ko aminin na mahal kita, akala ko naisahan kita. Pero mali pala ako. Dahil nung nagpasya kang layuan ako, dala-dala mo yung puso ko!

 

0667. I care for you. Alam mo ba yun? Hindi? Tanga! Miss na kita. Alam mo ba yun? Hindi? Tanga! Mahal kita. Alam mo ba yun? Hindi? Tanga! Ano? May mahal ka nang iba? Ay, ako pala ang tanga!

 

0668. Pag nagmahal ka, hindi ka dapat umasa na mamahalin ka rin niya. Hindi ka dapat umasa na iisipin ka rin niya. At pag pinaiyak ka niya, hindi ka dapat umasang patatahanin ka. Bakit? Sino ka ba? Nagmamahal ka lang naman, diba?

 

0669. Sabi ko dati kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang mawala siya. Pero nakakapagod din palang ipaglaban ang taong walang ginawa kundi ang ipagtabuyan ka.

 

0670. Nilapitan mo ko. Sabi mo ayaw mo sakin. Tumawa ako. Sabi ko ayoko rin sayo. Tuwang-tuwa ka. Buti na lang umuulan at hindi mo nahalata ang tulo ng mga luha ko.

 

0671. May nagtanong sakin kung bakit daw mahal na mahal kita, di ako nakasagot. Tumawa siya tapos umalis. Tsaka ko lang naisip, wala kasi akong dahilan para hindi ka mahalin!

 

0672. Tingin ka sa langit. Ang ganda, no? Nandiyan lang kasi ang mga bituin. Ang sarap abutin para siya maging akin pero mahirap dahil imposible. Parang ikaw. Nandiyan nga lang pero ang hirap abutin. Imposibleng maging akin.

 

0673. Sabi mo masaya ka pag kasama mo ko. Sabi mo hindi mo kayang mawala ako sa piling mo. Sabi mo hindi mo ako pababayaan. Ngunit sa dinami-rami ng sinabi mo, hindi mo man lang nasabing mahal mo din ako.

 

0674. I laid on my bed last night looking at the stars and the clear endless horizon. Then at that moment, I thought to myself, “Swerte ko, sa laki ng mundo, nagkakilala tayo.”

 

0675. Life can slap us with a number of things we don’t like. Even if we complain, we’re still stuck. But the moment life slapped me with you? Hey, kahit ulit-ulitin niya, ok lang!

 

0676. When I was a child, I always wanted a world to be on my own, where I can do everything I want to do. But when I met you, hay, kahit island lang pwede na basta ikaw ang kasama ko.

 

0677. Simple lang ang pangarap ko sa buhay. Ang makasama ka, alagaan ka at mahalin ka habang minamahal mo rin ako. Simple nga, diba? Pero imposible naman.

 

0678. Bakit sobrang hirap pag totoong love na yung inoffer mo? Willing kang maghintay, magsacrifice, magsilbi, magpakagago, magtiis, magpakamartir. Tapos sasabihin lang sayo sa huli, “Mas mahal ko siya, eh.”

 

0679. Naisip ko, kung lahat ng panaginip natutupad edi sana ang saya ko na. Kung pwede lang managinip habang buhay edi sana lagi kitang kasama. Sayang. Kundi lang sana ako nagising edi sana tayo pa.

 

0680. Pagkatapos ng pinagsamahan niyo, madami na siyang naipalit sayo. Akala mo nakalimutan ka na niya at hindi ka na niya mahal. Ang hindi mo alam, hirap na hirap na siya dahil wala siyang mahanap na tulad mo.

 

0681. Pag mahal mo ang isang tao, mahirap kalimutan. Oo, naranasan ko na rin yan. Yun bang di ka makatulog kakaisip sa kanya. Yun bang kahit anong gawin mo, siya pa rin lagi ang laman ng utak mo. Kailangan mo na siyang pakawalan pero masyado mong mahal, eh.

 

0682. Mahal kita. Di mo man pansin. Mahal kita. Di mo man paniwalaan. Mahal kita. Kahit di pwedeng maging tayo. Mahal kita. Kahit may mahal ka nang iba. Mahal kita. Yan ang sinabi mo sa kanya. Ang tanga ko, no? Minahal pa rin kita.

 

0683. Kailan kaya yung huli tayong nag-usap, nagbiruan o tumawa? Ok lang kung hindi mo na maalala. Gusto ko lang malaman mo na miss na kita! Sobra!

 

0684. Mahirap hanapin ang kagaya mo. Wala na kong makitang hihigit pa sayo. Di na ko magtataka kung maraming gustong pumasok sa puso mo. Dahil madali kang mahalin. Problema lang, mahirap kang limutin.

 

0685. What if nagkita kayo nung long lost love mo? How would you feel? Glad or sad? Glad cause you saw him again or sad cause he said, “Musta ka na, friend? Meet my girlfriend.”

 

0686. Kung magising ka isang araw at maisip mong nag-iisa ka at walang kasama, matulog ka lang ulit. Baka naiwan lang ako sa panaginip mo. Dahil hangga’t nandito ako, hindi ka mag-iisa. Pangako yan.

 

0687. Pag kailangan mo ng tulong, sa iba ka sasaklolo. Pag payo ang kailangan mo, sigurado sa iba ang takbo mo. Pag dating sa gimikan, imposibleng ako ang isama mo. Pero pag tinalikuran ka ng mga taong to, isipin mo, ha? Nandito lang ako.

 

0688. Di ko kayang mawala ka kasi ikaw yung chaser ng gin ko, foil para sa shabu ko, lighter para sa yosi ko, tubig para sa ecstacy ko. Palagay mo kakayanin ko pag nawala ka eh addict ako sayo?

 

0689. Ayoko sayo pero gusto kita. Asar ako sayo pero miss naman kita. Galit ako sayo pero kailangan kita. Pucha! Ano ba to? Nahuhulog na ba ko sayo o hindi ko lang matanggap na mahal na kita?

 

0690. Paano kung naisip mo na iwan ako at makakita ka ng mas higit pa sakin? Alam mo gagawin ko? Wala. Alam mo kung bakit wala? Isipin mo. Paano pa gagalaw ang taong wala nang buhay?

 

0691. Mahirap maging perpekto para sa taong mahal mo. Nagbago ka dahil sa kanya. Nagpakababa ka dahil sa kanya. Pero ang masakit, perpekto ka na, iniwan ka pa.

 

0692. I know that in this life, there will never be another you or another moment or another chance. So as long as you’re there, now is the oppurtunity to tell you, “Masaya akong nakilala kita.”

 

0693. Pag wala ka na sa buhay ko, edi ok! Wala na kong problema. Pero pwede bang wag mo na lang akong iwan? Kasi mas gusto ko pang problemahin ka kaysa mamroblema dahil wala ka na.

 

0694. Do you know that the word “sikreto” also means “ikaw nga”? Know why I’m telling you this? Kasi ang kulit-kulit mo, eh. Tanong ka nang tanong kung sino ang mahal ko. Sikreto nga, eh! Sikreto!

 

0695. Heaven may have all the angels and even God. But I don’t need it cause I have you na! And being with you is a hell lot better than heaven.

 

0696. Mahirap magkunwari na masaya ka. Mahirap tumawa kahit nasasaktan ka na. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang magmahal ng iba para lang makalimutan siya.

 

0697. Minsan may mga bagay na ayaw mo pero ginusto mo. Ayaw mong tumawa pero ginusto mong sumaya. Tulad ko! Ayokong masaktan pero ginusto kong mahalin ka.

 

0698. Hindi mali ang magmahal ng sobra. Hindi mali ang ibigay mo ang lahat. Hindi mali ang magmahal ng tapat. Minsan nga lang yung taong minamahal mo yung mali.

 

0699. Who will you pick? Yung love mo pero hindi ka mahal o yung love ka pero hindi mo mahal? Ako, pipiliin ko yung love ko. Ikaw? Sana piliin mo yung love ka. Kasi gusto talaga kitang makasama.

 

0700. Tinanong mo siya kung sila na. Ngumiti siya sabay yakap sayo. Ang sakit, no? Parang bumagsak na ang mundo mo at tila ayaw mo nang mabuhay. Pano ko nalaman? Naramdaman ko rin yan nung niyakap mo ko, eh. 

 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com