1101. Kahit ilang
beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin
ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.
1102. Wag kang
iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. Ni ang malungkot, iwasan mo. Malay mo, hiniling din niyang maging
happy ka kahit na alam niyang hindi na pwede kasi wala na siya.
1103. Sa pag-ibig,
di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag
dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
1104. I saw you
one day while you were crying. When I asked you why, you said, "Wala kasing nagmamahal sakin!" Tangina! Sapakin kaya kita?
Ano ba silbi ko sa buhay mo? Display?
1105. Kapag hindi
mo na ako mahal, wag mo na lang sabihin sakin. Hindi lang dahil masasaktan ako kundi dahil na rin baka hindi ko kayanin. Alam
mo naman, kapag wala ka na, ang buhay ko, wala nang kwenta.
1106. Matagal
kong tinagong mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sayo. Binigay ko na pati puso at kaluluwa ko pero hindi mo pa rin ako napansin.
Ang masakit pa dun, nang naglakas loob akong sabihin sayong mahal kita, ang sinabi mo lang, "Ows? Talaga?"
1107. Nanaginip
ako kagabi. Kasama daw kita. Ang saya ko nga kasi sabay daw tayong kumain tapos nagkwentuhan pa. Maya-maya, dumaan siya. Sinundan
mo at naiwan ako. Hanggang sa panaginip ko ba naman siya pa rin ang mahal mo?
1108. Mali siguro
pero ikaw talaga ang mahal ko. Masakit? Oo pero makikipaglaban pa rin ako para sayo. Maghintay? Paano eh siya ang mahal mo?
Umasa? Ah, yan ang gagawin ko. Kahit na alam ko namang hindi magiging tayo.
1109. Minsan
may mga problema tayo na mahirap isolve. Naguguluhan tayo at kung minsan ay parang bumibigay na at sumusuko. Pero tandaan
mo, nandito lang ako. Hati tayo sa problema mo.
1110. Lahat tayo
may karapatang magmahal at mahalin. Lisensyado tayong masaktan. Isa lang naman ang di natin karapatan, eh. Ang humabol sa
nang-iwan.
1111. Lumapit
ako sayo tapos sinabi kong, "Hoy! Mahal kita!" Sabi mo, "Sorry. Wag ka nang umasa pa. Kalimutan mo na lang ako." Tumalikod
ako tapos sinabi ko sa sarili ko, "Alam ko naman, eh. Pumunta lang ako para itanong sayo kung papano."
1112. Sa isang
iglap, nakilala kita. Sa isang iglap, naging part ka ng buhay ko. Sa isang iglap, napasaya mo ako. Kaya hindi ko hahayaang
mawala ka sa isang iglap lang!
1113. God's so
wise cause He never created friends with price tags. Because if He did, I wouldn't be able to afford you. Pero kung sakali
man, pag-iipunan kita, no!
1114. Minsan
iniisip ko, pinapaasa mo lang ako, binabalewala. Hindi mo man lang ako makuhang lingunin. Kaya minsan, alam mo, may tanong
na pumapasok sa isip ko. Tinadhana ka ba para saktan ako?
1115. You know
I like you. I even care for you. Sometimes I even think you're more than just a friend knowing na iba na ang nararamdaman
ko para sayo. What if mahalin kaya kita? Wag na lang siguro. Di yata masayang magmahal mag-isa!
1116. Mahirap
umasa sa mga salitang "mahal kita". Walang kasiguraduhan at katiyakan. Di mo alam kung galing ba sa puso o kung saan pa man.
Pero minsan, kailangan mo pa ring paniwalaan para di ka masaktan.
1117. If I only
had a car, I would go to your house and pick you up. Then we'll clear the coast and I'll never stop driving. Bahala na kung
saan tayo mapunta! Ang importante, kasama kita!
1118. Kapag pinakawalan
mo ang mahal mo at hindi ka niya binalikan, ibig sabihin di ka niya talaga love. Pero try mo kong pakawalan at hindi rin ako
babalik! Bakit? Kasi unang-una, hindi naman ako aalis!
1119. Ayun sila.
Yung mahal mo tsaka bestfriend mo magkasama. Sabi mo, masaya ka. Masaya para sa kanila. Ows? Talaga lang, ha? Sabihin mo nga,
kailan pa naging masaya ang masaktan? Never pa, diba?
1120. One time
I fell in love and told myself to never give up. But one day, I decided to let go. Why? I just came to realize, ako na nga
tong nagmamahal nang tapat at nagpapakatanga, ako pa ang nasasaktan.
1121. Ang sakit
pag friend mo yung mahal mo. Iiwasan mo siya dahil ayaw mong masaktan. Pero mas masakit pala pag nalaman mo na mahal ka rin
niya. Kaso lang naduwag rin siya tulad mo.
1122. My life
is not the best and I have little to offer. I've been through lots of trials and have shed so many tears. But in spite of
all, I still have one great reason to smile. Nandiyan ka, eh.
1123. Maraming
Ace sa mundo. Iba't ibang spelling, iba't ibang pagkatao. Pero marami man kami sa mundo, isa lang ang Ace na totoong nagcacare
sayo! At well, ako yun.
1124. Kapag dumating
ang araw na ayaw mo na sakin, sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong
yakapin kita habang sinasabi, "Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya."
1125. Kapag nagmahal
ka, asahan mong luluha ka. Pero dapat alam mo rin kung kailan ka dapat tumigil. Kasi baka habang lumuluha ka, nagpapakasaya
siya kasi alam niyang may isang taong nagpapakatanga para sa kanya.
1126. Pag in
love ka, nagiging tanga ka. Bakit? Kasi kahit nasasaktan ka, love mo pa rin. Niloloko ka na, mahal mo pa rin. Bakit nga ba
kasi naging masarap mainlove? Masarap bang maging tanga?
1127. Mahirap
maging tulay. Inaapak-apakan, dinadaan-daanan. Kahit gamit na gamit ka na, kailangan mong magtiis. Hindi ka pwedeng masaktan
o magalit man lang. Bakit? Hindi ka naman pinilit maging tulay! Ginusto mo yan!
1128. Sabi nila
kapag mahal mo, sabihin mo kasi baka mahal ka rin niya. Eh, pano kung hindi? Anong napala mo? Wala, diba? Nasaktan ka na,
napahiya ka pa! So think first before you act kasi baka bukas magsisi ka kung bakit nagtapang-tapangan ka pa!
1129. The meaning
of love is unexplainable. It can't be described by everyone. But one thing is for sure, it all starts with "friends lang kami"
then ends with "friends na lang kami".
1130. Sabi nila,
para daw saranggola ang taong mahalaga sayo. Gaano man siya kalayo, may tali pa ring nag-uugnay sa inyo. Hangga't hindi mo
ito binibitawan, hindi siya mawawala sayo! Kailanman.
1131. Nangyari
na ba minsan yung iyak ka nang iyak dahil sa isang taong mahal mo, dahil sinaktan ka niya? Ang sakit sakit tapos maiinis ka
na lang dahil tatawag siya at hello pa lang niya, napatawad mo na.
1132. Isipin
mo palagi na nandito ako para sayo. Mahulog ka man sa bangin, wag kang matatakot dahil hindi ka nag-iisa. Hindi man kita makayang
hilahin pataas, kaya ko namang magpadulas pababa para samahan ka.
1133. Sana nandito
ka para masabi ko kung gaano ka kahalaga, hawakan ka nang mahigpit, yakapin malapit sa puso ko para marinig mo ang gusto kong
sabihin, "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
1134. Kapag ako
namatay, gusto ko nandun kayo lahat. Maingay, tumutoma, nagsosounds. Ayokong may makitang umiiyak. Dapat masaya. Pag libing
ko na, gusto ko sabihin niyo, "Happy trip, Ace! Ingat!"
1135. If you
feel so sad, lean on my shoulder. If you want to cry, eto panyo. Pero pag di mo na kaya, yakap na lang kita. Para feel mo,
hindi ka nag-iisa. Nandito lang me lagi just for you!
1136. Some people
feel so lost, so sad, so badtrip, so incomplete. Me? I used to be one of them. Malas nila di ka nila nameet! Yan tuloy, they
are incomplete!
1137. "Wag kang
mag-alala! Mahal ka nun!" Yun yung sinabi mo sakin nung namomroblema ako sa kanya. Nung puntong yun, dun ko narealize na oo,
mahal nga niya ko pero sana ikaw na lang.
1138. Letting
go doesn't always mean, "Its over." Breaking up would not always mean, "I've had enough." Sometimes it's also as good as saying,
"Ayoko nang masaktan. Move on na lang. You deserve someone better."
1139. Lagi akong
nandiyan para sayo. Nandiyan ako nung umiyak ka, nandiyan ako nung nasaktan ka, nandiyan ako nung malungkot ka. Pero bakit
nung naghanap ka ng mamahalin, hindi mo ko nakita?
1140. Mahalaga
din pala na paminsan-minsan, hindi tayo nagkakausap. At least nagkakaroon ng gamit at halaga ang mga salitang, "Miss na kita!
Sobra!"
1141. Ang pag-ibig,
hindi puro saya. Kailangan handa kang masaktan, handa kang lumuha, handa mong isakripisyo ang lahat para sa kanya. At ito
ang pinaka-importante sa lahat. Kailangan wag kang susuko!
1142. Minsan
naiisip ko, bakit ba kita nakilala? Para saan at dumating ka? Pero napapatahimik na lang ako tapos napapangiti. Baka kasi
akalain ni Lord nagrereklamo ako! Mahirap na. Baka bawiin ka niya! Ayoko nga!
1143. Kapag niloko
ka niya, nandito lang ako. Pag sinabi niyang ayaw na niya sayo, hilahin mo ako at iharap sa kanya. Tapos sabihin mo, "Ito,
mahal na mahal ako! Hindi mo ba alam na iniwan ko siya para sayo?"
1144. May gusto
ako sa kanya pero may gusto siyang iba. Sinubukan ko siyang iwasan pero di ko magawa. Nasasaktan ako pero tinitiis ko pa.
Kasi wala na siyang iiyakan pag iniwan ko siya.
1145. Nung nagmahal
ako, I believed in everything! Love at first sight, happy endings, destiny, fairytales and even magic. Pero nasaktan lang
ako! Tama nga sila, no? No word could ever define love kundi katangahan!
1146. If sometimes
my text comes in the wrong time, sorry for the disturbance. And when your phone beeps only to find out it's me, I hope you're
not disappointed. Naaalala lang naman kita, eh. May masama ba?
1147. Ang pagkakaibigan
ay parang sugal. Ipaglalaban mo't ipapanalo para magtagal. Pero kung sakaling matatalo na ko, dadayain ko na sila para di
ka nila makuha! Aba! Ikaw yata ang nakataya.
1148. Do you
know the expression “wala lang”? It’s the subconscious mind's way of saying “I miss you”. Do
you know why I’m telling you this? Kasi wala lang.
1149. Ang pagmamahal
daw ay parang laruan. Kapag bago pa lang, mahal na mahal at haLos ayaw ipahiram sa iba, ayaw pahawakan at ayaw pakawalan.
Pero ang masama, iniingatan nga, paulit-ulit namang pinaglalaruan.
1150. Nagseselos
ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging
masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.
1151. Kailan
ako makakatakas kung bawat pagpikit, siya ang nakikita ko? Sa bawat pagkanta, siya ang inspirasyon ko? Sa bawat pagtawa, ngiti
niya ang naaalala ko? Sabihin mo nga sakin! Paano ko siya kakalimutan kung siya ang bumubuo ng buhay ko?
1152. Noon minahal
ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid?
Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?
1153. May nagtanong
sakin kung sino daw ang mahal ko. Tumingin ako sayo, nasa isang sulok ka, nag-iisa at nakangiti. Tinawag kita, "Hoy! Mukha
kang tanga diyan! Lapit ka nga dito at ipagmamalaki kita!"
1154. Minsan
ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! Hindi malaman kung alin ang dapat sundin. Ang
isip na nagsasabi ng dapat? O ang pusong nagmamahal ng tapat?