Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 10
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

1001. Di ko man masabi kung gano ka kahalaga, di ko man maparamdam na importante ka, di ko man magawang tulungan ka palagi, sa gabi naman ay lagi kong pinagdadasal na sana may magawa ako para sumaya ka kahit wala ako.

 

1002. Ang buhay ay parang inuman. 1 shot, 1 problema. Shot lang ng shot kahit tumumba na silang lahat! Isipin mo lang to. Kahit bangag na bangag na ko, nandito lang ako sa tabi mo! Di ako tutumba para sayo!

 

1003. Mahirap para sakin ang sumuko kasi sabi ko lalaban ako. Ayoko sana pero wala akong magawa dahil mismong ang taong pinaglalaban ko ang nagsasabing, "Talo ka na!"

 

1004. Minsan may nagmahal sayo. Kinailangan niyang lumayo. Ang hiling niya sana hintayin mo siya. Lumuha ka at sumagot ng, "Oo." Nang bumalik siya, may mahal ka nang iba. Mahal mo pa rin siya pero may masasaktang iba. Ano? Sino sa dalawa?

 

1005. Sa buhay, walang sigurado. Lahat pwedeng magbago. Mahirap tuloy magtiwala sa mga tao lalo na sa taong mahal mo dahil baka dumating ang araw na iwan ka niya. Pati ang puso mo, dala pa.

 

1006. Sorry kung hindi ka naging masaya sakin, kung hindi ko nabigay ang pagmamahal na naibigay nung iba, kung hindi ko naabot ang expectations mo. Lahat pinagsisisihan ko maliban sa isang bagay. Ang mahalin ka higit pa sa buhay ko!

 

1007. Miss na kita. Sabi ko miss na kita! Ano ka ba naman? Wala ka man lang bang reaksyon? Sa bagay miss lang naman, eh. What if I say "I love you"? Magreact ka na kaya?

 

1008. Sabi nila change is good lalo na pag it's for the better. But if change requires you out of my life, putcha! Kahit hindi na! Aanhin ko yung better life kung wala ka naman?

 

1009. Minsan may mga bagay na hindi mo hiniling pero kusang dumating. Yun yung bagay na makapagpapasaya sayo, bagay na hindi mo inasahang mamahalin at aalagaan mo. Parang ikaw. Hindi kita hiniling pero kusa kang dumating!

 

1010. The problem with loving too much is not the fact that the one you love doesn't give a damn or doesn't love you as much. It is the question you'll ask yourself that will forever hurt you. Saan ba ako nagkulang?

 

1011. May lumapit na angel sakin at hinihingi ka. Sabi ko, "Ayoko nga!" Ang swapang niya kasi, eh. Angel na nga siya, pati ba naman angel ko kukunin pa?

 

1012. What if makasabay mo sa jeep yung mahal mo kasama ang syota niya? Anong gagawin mo? Ako simple lang. Kukunin ko yung kamay ng mahal ko then tell the girl, "Ingatan mo siya, ha? Mahal ko yan." Sabay para.

 

1013. Akala ko may lakad ang tropa. Sama-sama kasi tayo at kumpleto pa. Sobrang saya ko. Pero bakit ako lang? Tapos nagulat ako at napaluha. Hinahatid niyo na pala ko hawak ang kabaong ko.

 

1014. I remember how I wanted so much to be with you, talk to you, laugh with you, do things with you. You were so nice. Did it ever cross your mind na baka mahal kita? If it did, tama ka!

 

1015. Sa buhay, may mga taong dapat ipaglaban at mga taong dapat ipagpaliban. Parang tayo. Ipagpaliban mo man ako, ipaglalaban pa rin kita.

 

1016. May nagawa ba akong mali sayo para makuha mo akong saktan ng ganito? Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya ka, ha? Iniwan ko ang lahat para makasama kita. Ngayon nasaan ka? Sumama sa iba.

 

1017. Tanong ko lang kung bakit ka umiiyak. Ah, dahil sinaktan ka niya. Ang swerte naman niya dahil iniiyakan mo siya. Pero wag kang mag-alala. Swerte ka rin naman, eh. Alam mo kung bakit? Kasi iniiyakan din kita.

 

1018. They say friends can be lovers. Yeah, it's true. But lovers can't be friends. You know why? Cause it's hard to accept that after all that you've been through, he ends up telling you, "Mas mabuti na yung ganito. Na friends na lang tayo."

 

1019. Minsan masakit talaga kapag yung mahal mo, hindi alam na mahal mo siya. Pinaparamdam mo na, di pa rin nararamdaman. Pero diba mas masakit yung alam niya na mahal mo siya pero pilit ka pa rin niyang binabalewala?

 

1020. Last night, I had a dream. The Lord asked me what my wish was. I told Him, "Sana mahalin niya na rin ako." Then He paused for a while and said sadly, "Pasensya na, anak. Dumaan na pero pinalagpas mo lang."

 

1021. Kung mali man ang itext ka, wala silang magagawa. Kung mali man na mamiss ka, wala pa rin silang magagawa. Kung mali man na mahalin kita, wala talaga silang magagawa. Ipaglalaban kita. Pipilitin kong maging tama.

 

1022. Minsan gusto ko nang bumitaw kasi nakakapagod umiyak at umasa nang wala naman akong pinanghahawakan. Pero alam mo kung bakit hindi ko magawa? Dahil hinihintay ko pa rin yung panahon na mapagod akong mahalin ka.

 

1023. Naghihintay ka kahit di mo alam kung may hinihintay ka nga. Nasasaktan ka pero hindi mo talaga siya kayang iwan. Iba na ang mahal niya pero lagi ka pa ring umaasa. Masakit pero ok lang. Wag ka nang magtaka. Mahal mo, diba?

 

1024. Hindi ako basta-basta nagmamahal. Ayoko kasing masaktan. Ayoko kasing mapahiya. Ayoko kasing umiyak. Ayoko kasing mabalewala. Pero kung yun lang ang paraan para magmahal ako, gagawin ko para sayo.

 

1025. Kung lahat ng tao nababadtrip magmahal edi wag ka na ring magmahal! Layuan mo na siya dahil masasaktan ka lang at iiyak pa. Hindi mo makakaya! Tingnan mo ko ngayun. Nasaan? Di ba nawawala?

 

1026. In this life, you don't need much money to make someone happy. Piso lang, ok na. Ang importante naman eh yung naaalala mo sila. That's why tinext kita. Piso man ang halaga, thoughtful pa rin naman, diba?

 

1027. Wag ka masyadong mabait dahil baka mamiss kita. Wag ka masyadong maalaga dahil baka magustuhan kita.Wag ka masyadong malambing dahil baka mahalin kita. Delikado ang mahulog ako sayo dahil wala ka rin namang balak saluhin ako.

 

1028. Pinakawalan kita hindi dahil ayoko na. Lumayo ako hindi dahil nasasaktan ako. Itinigil ko ito hindi dahil sa kanya. Bumangon lang ako para makalimutan kita.

 

1029. There are times in my life that I just wanna give up and let loose. Have you ever thought why I'm still here fighting against depression? Nandiyan ka kasi, eh. Wag mo kong iiwan, ha? Bibigay ako.

 

1030. Marami na kong nasaktan, marami na ring napaiyak at iniwan. Sabi nila makakarma raw ako. Natakot akong magmahal ulit. Pero nung nakilala kita, nasabi ko na lang, "Lord, maging akin lang siya, handa akong harapin ang karma!"

 

1031. Kahit uso ang giving up, I won't give up on you. Kahit uso ang letting go, I won't let go of you. I don't care mawala man ako sa uso wag lang ikaw ang mawala sa buhay ko!

 

1032. Ang tagal kong naghintay sayo. Nahirapan at napagod na ko. Kaya kahit masakit, umalis na ko kasama siya. Pero may mas sasakit pa pala. Yung nalaman ko na bumalik ka rin kaya lang wala na ko kasi kasama ko na siya.

 

1033. Nung sinabi kong "miss na kita", ngumiti ka. Nung sinabi kong "ang cute mo", tumawa ka. Nung sinabi kong "nandito lang naman ako", natawa ka. Pero nung sinabi kong "mahal kita", bakit ka nalungkot?

 

1034. Pag nasaktan ka dahil sa kanya, wag kang tumakbo sakin! Ano ko? Finish line? Wag mo kong iyakan! Bakit? Mukha ba akong tissue? Tumawag ka na lang ng pulis! Bakit? Kasi for sure mapapatay ko yun!

 

1035. I miss you. Joke lang! But jokes are half meant. Sige na nga! More than half. Hay. Oo na! Buo na. No joke! Miss na kita! Sobra!

 

1036. Alam ko minsan, naiirita ka na sakin dahil sa mga kakulitan ko pero sana lang pakatandaan mo na dito sa kasuluk-sulukan ng puso ko eh mahal ka ng makulit na to!

 

1037. A friend will bail you out if ever you get jailed. If that's the case, do you think I'm your friend? Cause I won't bail you out. How can I? I'll be there beside you saying, "Ang tanga natin! Nahuli tuloy tayo!"

 

1038. Bakit ganon? Kung kailan naman medyo nakakalimutan na kita, tsaka ka naman nagpaparamdam sakin. Kung kailan naman naisipan ko nang magmove-on, tsaka ka naman bumalik. Sabihin mo nga sakin, totoo na ba to o iiwan mo ko ulit?

 

1039. Kapag nahurt ka, wag kang sumuko. Kapag natakot ka, wag kang magtago. Kapag nadapa ka, matuto kang tumayo. Lahat ng yan sinasabi ko di dahil I don't care for you. Love nga kita, eh! Kaya gusto ko kahit wala ako, lahat makaya mo!

 

1040. It's hard to realize and accept that the one you love has to go. It hurts so much but still you say, "Kaya ko to!" Then tears fall cause what you really mean is, "Shit! Pano na ko?"

 

1041. Matagal na panahon na ang nakalipas. Magkaiba na ang landas natin. Nang tanungin sakin, "Mahal mo pa ba?" Sabi ko, "Hindi na." Totoo. Hindi na. Hindi na ko nagmahal ng iba.

 

1042. In my next life, I will change the way I am right now. I will be a better me and search for you. But if I don't find you, you know what I'll do? Sisigaw ako ng, "Asan ka? Para sayo to, eh!"

 

1043. Sabi mo mahal na mahal mo ko. Sabi mo pa gusto mong maging tayo. Natawa ako sa mga sinabi mo kasi matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong yun. Sabi ko mahal din kita pero bigla kang tumawa't sinabi mong, "Naniwala ka?"

 

1044. Isang araw pag bigla akong nawala, di ko hahangarin na maisip mo kung gaano ako kahalaga sa buhay mo. Ang sakin lang eh sana maramdaman mo kung gaano ka kahalaga dun sa taong nawala.

 

1045. Masakit pala ang iwanan ka. Yun bang sabi niya, "Maghintay ka lang at babalikan kita." Ikaw naman, naghintay nga. O, ano ngayun? May bumalik ba?

 

1046. So hindi ka talaga magtetext? Malamang hindi ka na rin tatawag. Hindi ka na rin magpaparamdam. Sa bagay, sanay na ko dun! Naaalala mo lang naman ako pag hindi ka niya naaalala.

 

1047. Sa buhay mo, di maiiwasang makasakit ka. Pero naisip mo ba ni minsan na yung taong sinaktan mo eh handa kang mahalin nang higit pa sa buhay niya? Di mo nga lang makita kasi para sayo wala siyang halaga.

 

1048. Lagi akong nandiyan. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Kahit anong sakit, hindi kita tatalikuran. Teka. Pwera na lang kung di na ko humihinga! Pero di pa rin, eh. Babantayan pa rin kita. Yun nga lang hindi mo na makikita.

 

1049. Pag nawala daw yung taong mahal mo, hindi siya para sayo. Mali! Kaya siya nawala dahil hindi mo nakuhang ipaglaban siya. Hindi mo binigay yung pagmamahal na sana'y noon mo pa pinakita.

 

1050. Ang lalaki, maghahanap yan. Ang babae, maghihintay naman. Sabi nila mahirap maghanap pero mas mahirap maghintay, diba? Nakakapagod at nakakasawa kaya karaniwan, bumibitaw na lang. May dapat bang sisihin? Wala, diba?

 

1051. Pano kung isang araw magka-amnesia ka? As in wala kang maalala? Maiisip mo ba ko? Kung ako ang tatanungin, "Aba, syempre!" Isip lang yata ang nakakalimot. Hindi ang puso!

 

1052. Sometimes I wish to have amnesia so that I could forget everything. My problems, my frustrations, my heartaches. Whoa! That would be great! Pero wag na lang rin kasi pano ka? Ayaw kitang makalimutan.

 

1053. It's hard to hide your feelings pag mahal mo ang friend mo. Minsan you're pretending na hindi ka apektado pag naglalambing siya sayo pero deep inside kinikilig ka at gusto mo nang sabihing, "Uy, tama na! Maiinlove pa ko lalo!"

 

1054. Masarap pag may taong nandiyan para umalala at magmahal sayo. Masarap rin naman kung may inaalala at minamahal ka. Pero kung dalawa sila? Sino ang pipiliin mo? Ang mahal mo o ang nagmamahal sayo?

 

1055. Mahirap magalit nang walang dahilan. Mahirap umintindi ng hindi mo maintindihan. Mahirap masaktan nang wala kang karapatan. Pero diba mas mahirap magmahal sa taong ang turing sayo ay wala lang?

 

1056. Ang hirap magmahal, no? Hindi mo alam kung kailangan ka niya dahil gusto ka niya o gusto ka niya dahil kailangan ka niya. Ikaw? Gusto mo ba ko o kailangan mo lang?

 

1057. Mahal mo kaya talaga ako? Yun ang tanong na lagi kong iniisip. Mahal mo ba ako dahil mahal mo akong talaga o kailangan mo lang akong mahalin dahil mahal kita?

 

1058. May mga damdaming pilit tinatago. May mga pusong ayaw kumibo. May mga pinaglalabang dapat isuko. Pero tandaan mo na ang pagmamahal, kumukupas man, hindi naglalaho!

 

1059. Alam kong hindi mo ko mahal. Kahit kailan hindi mo matututunan. Ok lang yun. Di naman talaga ako para sayo. Darating din yung para sakin. Pero sana lang habang wala pa siya, hayaan mo munang mahalin kita.

 

1060. If I would be dying today, wag kang iiyak. Wala nang magpupunas niyan. If you die, di rin ako iiyak. Bakit naman kita iiyakan kung pwede naman kitang sundan?

 

1061. Nanaginip ako kagabi. Yung buhay pala natin, nakasulat sa libro. Nakita ko yung libro mo tapos may nagtanong sakin, "Kilala mo ba yan?" Sabi ko, "Oo. Siya ang pinakamagandang kwento ng buhay ko."

 

1062. Pag nagmahal ka, di baleng sabihin nilang martir ka basta ibigay mo ang lahat, mahalin mo siya ng sobra. Para kung sakaling iwan ka niya, masasabi mong hindi ikaw ang nagkulang. Siya!

 

1063. Pag may mahal na iba yung taong mahal mo, dapat masaya ka pa rin para sa kanya! Diba parang kalokohan yun? Lolokohin mo lang ang sarili mo na masaya ka eh ang totoo, halos mamatay ka na dahil syempre, nagseselos ka!

 

1064. Pag umalis ka, maiiwan mo ko. Pero di ibig sabihin nun magmamahal na ko ng iba. Ano pa ba kasi ang hahanapin ko kung ang lahat ng kailangan ko, nasayo na? Mas mabuti na siguro hintayin na lang kita.

 

1065. Ang isip at puso madalas daw magkasalungat. Ang isip puro dapat, ang puso puro gusto. Di mo tuloy alam kung ano ang magpapasaya sayo. Parang ako. Mahal kita, sabi ng puso ko. Kahit bawal, sabi ng isip ko.

 

1066. Lesson One: Wag magmahal ng sobra. Yun ang sabi ko dati para walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Kaso dumating ka. Panibagong lesson para sakin: Wag magsalita ng tapos.

 

1067. Sinabi ko sayo na babalikan ko siya pero babalik ako sayo pagkatapos sa kanya. Bakit ganon? Pagbalik ko, wala na akong mabalikan dahil binalikan mo na rin pala siya!

 

1068. Sabi nila mahirap daw akong mapasaya. Siguro di lang nila alam kung paano. Simple lang naman, eh. Pag nakikita kita, pag nakakausap, pag nakakasama. Tama na yun. Simple lang, diba? Pero mahalaga.

 

1069. Nakikita mo ako pag nakakalimutan ka niya. Ginugusto mo ako pag may kasama siyang iba. Ano nga ba talaga ako sayo? Dakilang extra? Tapos siya, syempre, yung bida!

 

1070. Noon sabi ko di na kita mahal. Sabi ko pa nga kaya kong mabuhay nang wala ka sa piling ko. Pero paano pa ako mabubuhay kung naiwan ko sayo ang puso ko?

 

1071. Mahal kita. Alam mo yun! Mahal ka niya. Alam ko yun! Noon akin ka pero ngayun hindi na. Bakit ganon? Mahal pa rin kita. Pwede bang akin ka na lang? Nauna naman ako, diba?

 

1072. Bakit ganon? Kung kailan seryoso ako, saka ako niloko. Kung kailan totoo na ko, saka ako bigo. Kung kailan nagtiis ako, saka ako binalewala. Kung kailan sana masaya na ko, saka ako lumuha.

 

1073. I though masarap main-love, masakit pala. Akala ko happy magmahal, may sad moments rin pala. Akala ko kumpleto na ko, yun pala may kulang pa. Akala ko kasi madaling lumimot, mahirap pala.

 

1074. Gusto kong isiping importante din ako sayo tulad ng pagpapahalaga ko sayo. Pero minsan, wala na ring silbing mahalin pa rin kita. Mahal nga kita, may mahal ka namang iba. Ano ako? Tanga?

 

1075. Kung iiyak ako sayo sa harap mo, wag mong itatanong kung bakit. Wag mong alamin ang dahilan. Wag mo nang isipin kung sino. Dahil ayoko namang ang mismong dahilan ang magpupunas ng luha ko.

 

1076. Kung aalis ka at iiwan mo ko, alam kong kaya ko. Di kita hahanapin, di ako masasaktan. Para sakin patuloy ang buhay. Kaya ko. Sabihin mo lang kung pano.

 

1077. Alam mo, minsan di ko alam kung bakit hindi ka nagtetext. Nagtitipid ka ba? Walang time? O nagpapamiss? Kasi alam mo, kung nagpapamiss ka, effective!

 

1078. Di kita masisisi kung ayaw mo na sakin. Di kita masisisi kung di mo na ko kayang mahalin. Di kita masisisi kung hanggang kaibigan na lang ako sayo. Dapat kong sisihin ang sarili ko dahil sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang mahal ko.

 

1079. Mabait ka pero mas gusto ko siya. Naaalala kita pero hinahanap ko siya. Ikaw ang mundo ko pero siya ang langit ko. Magulo, no? Pero matatanggap mo ba kung sasabihin kong ikaw at hindi siya ang mahal ko?

 

1080. Sabi nila iwan na kita. Sabi ko ayoko nga! Sabi nila sasaktan mo lang raw ako. Sabi ko mawawala rin yun. Sabi nila paiiyakin mo lang ako. Sabi ko ok lang. Tanong nila, "Bakit?" Sabi ko mahal kita, eh. Sapat na yun, diba?

 

1081. An elf came up to me and said, "I'll give you immortality and powers but I'll take Ace away from you forever." Aba! Sinipa ko nga siya. I said, "Take Ace, take Ace ka diyan! Eh, upakan kaya kita?"

 

1082. My friends once asked me, "Mahal mo nga ba talaga siya?" I replied, "Sobra." Then they asked, "Bakit di mo siya pinaglaban?" I just smiled and said, "Masaya na siya. Ayoko nang guluhin pa."

 

1083. Minsan akala ko wala ka na. Nakalimutan mo na kasi ako, eh. Hindi ka na tumatawag. Hindi ka na rin nagpaparamdam. Mali pala! Nandiyan ka lang naman, eh. Nasa tabi niya.

 

1084. Tumingala ka sa langit. Walang stars. Ngumiti lang ako. Sa dagat? Walang tubig. Ngumiti lang ako. Ask mo sakin kung bakit hindi ako nag-aalala. Sabi ko nabigay ko na pala kasi sayo lahat, eh. Favor? Samahan mo akong humanap ulit. Kung wala na, mahalin mo na ko. Bibigay ko na lang ang sarili ko sayo.

 

1085. Hindi iniisip ang mga taong hindi naman tayo iniisip. Hindi minamahal ang mga taong hindi naman tayo mahal. Pero bakit ba hindi ko maiwasang isipin at mahalin ka kahit alam ko namang may inaalala at minamahal kang iba?

 

1086. Matatago mo ang sakit, mapapaniwala mo ang iba na kaya mo. Pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nang-iwan at nanakit sayo ay ang taong gusto mo pa ring mahalin.

 

1087. Kadalasan, sinasabi natin sa mahal natin na, "Masaya ako kung saan ka masaya." Pero pag nag-iisa ka na, masaya ka ba talaga? Minsan sadyang mahirap tanggapin na kung saan siya masaya, yun ang hindi mo kaya.

 

1088. Naaalala mo pa ba nung tayo pa? Ang saya nating dalawa. Yakap mo ko, yakap kita. Sabay sabi pang "mahal kita". Pero noon pa yun, nung tayo pa. Dahil ngayon, iba na. Ikaw na lang ang masaya.

 

1089. Masakit kapag nalaman mong iba na ang mahal ng mahal mo, kapag nalaman mong hindi na siya masaya sa piling mo. Pero mas masakit pa rin yung magmukha kang tanga kahit alam mong ayaw na niya talaga.

 

1090. Naisip ko, kumusta na kaya yung taong minahal ko na hanggang ngayo'y mahal ko pa rin? Yung taong pinasaya ako pero pinaiyak din? Yung taong nangakong hindi ako iiwan pero tuluyang umalis? Naisip ko, kailan kaya siya babalik?

 

1091. Ang bilis mo naman magmahal ng iba. Parang dati lang sinabi mo sakin na mahal mo ko. Tapos ngayun wala na? Ang bagal ko kasi, eh. Yan tuloy. Nawala ka sakin kung kailan mahal na mahal na kita.

 

1092. Ok lang sakin kung sasabihin mong hindi mo na ako mahal. Wala naman akong magagawa. Masaya ka dun, eh. Pero parang ang unfair yata. Ako, iniisip ko ang kaligayahan mo. Bakit ikaw hindi?

 

1093. Ipagtatanggol kita sa kahit kanino. Ibibigay ko ang lahat nang mabibigay ko. Mamahalin kita hanggang makakaya ko. Mamahalin kita kahit hindi naman tayo.

 

1094. Ang buhay raw ay parang biro. Kung sino pa ang mahal mo, yun pa ang mawawala sayo. Eh, ang pagdating mo sa buhay ko, biro lang din ba? Wag naman sana. Kasi pag ikaw ang nawala, hindi na nakakatawa.

 

1095. Sabi mo di ka na masaya. Eh, bakit kasi hindi mo siya iwan at magmahal ng iba? Sabi mo, maghahanap ka. Ano ba? Nandito lang ako, maghahanap ka pa?

 

1096. Dati, wish ko, magbreak na kayo. Ngayon, sumaya ako kasi wala na kayo. Pero bigla akong nalungkot. Alam mo kung bakit? Kasi naisip ko, ano naman kung wala na kayo? Para namang magiging tayo.

 

1097. Tahimik ako nang biglang may nagtanong sakin kung miss kita. Alam mo, nagalit ako! Namura ko pa! Pano, di na nga kita iniisip, pinaalala ka pa niya! Tuloy, miss na naman kita!

 

1098. Before, whenever people tell me I'm lucky, I just smile and say, "Maybe a little." Then you came into my life. Now, without a doubt I say I'm lucky. Hindi lang. I'm so blessed.

 

1099. Kung alam mo lang kung gano ka kahalaga sakin, siguro matatawa ka at sasabihin mong, "Wala ka bang magawang iba sa buhay mo?" Ngingiti lang ako at sasabihing, "Wala na, eh. Ikaw lang kasi ang buhay ko."

 

1100. We always want the best in our life. Best things, best dreams, best lahat. But me? Kahit hindi best lahat, basta nandiyan ka, life will always be the best. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com