Make your own free website on Tripod.com

KILIG QUOTES

Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

find txtmates now!!!

Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo ko iiwan. Sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala, iba na kasama mo. Ang daya talaga. Dahil ba sa mahal mo lang ako kapag wala sha?

Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. Totoo ba yun? Paano kung hindi ka niya mahal? Anong ipaglalaban mo? Isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? Mahirap ata yun ah! Kaya mo ba? Pero kapag mahal mo talaga, kakayanin mo diba?

If I only have one hour left to live and I'm with you that day, I'll lay my head unto your shoulders as I feel the breeze touch my skin and say, "Pasandal lang po muna ha? Matagal po akong mawawala e.

Sabi nila, ang tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita. Kasi ok lang sa akin kahit nandiyan sha. Kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. Paano kapag naging tayo? E di masaya, isang manhid at isang tanga.

Minahal kita noon pero pinabayaan mo. Minahal kita ngayon pero binaliwala mo. Ngayon minahal mo ako, pinakawalan ko. Bakit ngayon mo pa ako minahal? Ngayong may mahal na akong iba.

Sabi nila mahal mo din ako, kaya hinanap kita. Yun pala may hinahanap kang iba. Nung nagmakaawa ako, nagalit ka pa. Hai, minsan na nga lang magmahal, pumapalpak pa. Sorry ha? Mahal kasi kita e.

Sabi ko noon, di na ko masasaktan. Sabi ko kakalimutan na kita. Sabi ko di na kita mamahalin pa, na kaya kong gawin lahat yun. Kaso, bigla mo na lang sinabi, "Mahal kita, mahal mo pa rin ba ako?"

Meron kang iba, ako rin meron na. Kinikwento mo sha, ako rin diba? Happy ka sa kanya, ako rin kunyare masaya. Mahal mo sha, pero hulaan mo kung sinong mahal ko? Ikaw pa rin pala!

Dati, sha yung niligawan mo, ngayon ako naman. Dati, sha yung mahal mo, ngayon ako naman. Dati, sha yung tinutukso sayo, ngayon ako naman. Dati, sha yung pinapaiyak mo, ngayon ba ako naman?

Hindi man tayo mag-usap araw-araw o magkita madalas, magtawanan gaya ng dati, magtrip kahit badtrip. Pero ito tatandaan mo, walang sinuman ang pwedeng pumalit sayo.

You were crying for a girl who's so dumb and asked you who she is. You hesitated but I urged you to. In my surprise when you told me it was I, I smiled and said, "Anong iniiyak-iyak mo diyan? E mahal din naman kita noh!"

Minsan masayahin ako, minsan seryoso, minsan sobrang sweet, minsan sensitive, minsan manhid. Pero kahit bangag ako, ni minsan, di ka nawala sa puso ko.

Minsan naisip ko, kung ano ang tama para sayo, yun ang mali sa mata nila. Pero kung ano ang ayaw mo, pinagpipilitan nila. Ganon ba talaga ang mahalin ka? Tama sa akin, pero mali sa paningin nila?

I saw you sitting at umiiyak. Umupo ako beside you and asked you, "Bakit?" You didn't answer. Yayakapin sana kita but you walked away. I cried and realized, puntod ko pala inuupuan natin.

Sabi nila tanga daw ako dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako sa sinabi nila pero hindi na ako kumibo. Alam ko naman kasi ang totoo. Hindi ako tanga, hindi lang sila marunong magmahal.

Ang tao, minsan lang magsabi ng "mahal kita" at kapag sinasabi na nila ito, minsan huli na at minsan wala ng pagmamahal. Kaya ngayon sasabihin ko, "Mahal na kita, huli na ba?"

Kagabi, may nakita akong falling star. Nag-wish ako, sabi ko, sana maging akin ka. Biglang huminto yung star, lumapit sa akin at tumawa. Sabay sabing, "Sira ka talaga! Hindi pwede! Kasi ayun sha kasama mahal niya!"

Kahit mahirap, kailangang gawin. Masakit, pero dapat tiisin. Di ko gustong saktan ka sa pag-alis ko. Kaya kung akala mong ikaw lang ang umiiyak, sasabihin ko sayo, sa bawat patak ng luha mo, isang baldeng luha ko.

Sabi ko ayoko na. Paulit-ulit kong sinasabing tama na. Pangako ko na di na talaga. Pero bakit ganon? Kahit anong gawin ko, isa't isang bagay pa din ang sinisigaw ng puso ko. Alam mo kung ano? Ano pa e di pangalan mo!

Importante ba yung salitang "mahal"? Ewan ko, di ko alam. Pero para sa akin, mas importante ka. Alam mo kung bakit? Paano ko masasabi yung salitang "mahal kita" kung wala ka?

Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na nga ako at iniwan ng ganito tapos ngayon kung kailan ok na ko at nakalimutan na kita saka ka bumalik at sinsabing di na ko iiwan pa. Ano ba? Ayoko na! Masaya na ko ngayon pero bakit ganon? "Mahal pa rin kita leche ka!"

Sabi nila, wag kitang mahalin ng sobra. Di ako nakinig. Kaya ng mawala ka, sobra akong nasaktan. Sabi nila, "Ano, kita mo na?" Sabi ko, "Ok lang. Bago naman sha mawala, napasaya naman niya ko ng sobra."

Gago ka ba? Iiwanan mo ko tapos babalik-balik ka ngayon. Anong akala mo sa akin? Tanga? Papa-uto ulit sayo? E sira ulo ka pala e! Pero mas sira ulo ko sayo. Halika nga dito, tagal kong hinintay pagbalik mo e.

Talagang ganyan daw kapag nagmamahal ka. Naghihintay ka ng matagal dahil sa una, akala mo ikaw na. Sa una, akala mo totoo. Yun pala simula nung una, pinagti-tripan ka lang pala.

Gusto kitang makita, kaso baka sabihin mo, "Wag na." Gusto kitang maka-usap, kaso baka sabihin mo lang, "Saka na." Gusto kong sabihin na mahal pa rin kita pero baka isagot mo, "Ako hindi e."

Masakit ang hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo sha kasi hindi dapat. Ngunit ang mas masakit ay ang nasabi mo ngunit hindi ka niya pinaniwalaan dahil minsan mo na shang sinaktan.

Nagtext ako sayo, got no reply. Miss call ako sayo, you didn't call back. Nung nakulitan ka na sa akin, sabi mo, "Sorry, I'm busy. TC na lang." Then one day, nakita kita kasama mo sha. Tama ka, busy ka nga talaga.

Mahal kita, oo! Yun ang totoo. At kahit wala ka sa tabi ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tatanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin ang mahal mo o ang taong nakasama mo nung wala ako?

Ang swerte ko, akin ka. Swerte ko kasi ako ang mahal mo kaya kahit sandali ka lang nandito, pumayag pa rin ako. Masaya ako nung una pero di nagtagal ang lungkot din pala kapag wala ka na. Swerte pa rin ba ako? Bakit iba na ang nararamdaman ko?

Sabi mo mahal mo ko, naniwala naman ako. Sabi mo di mo ko iiwan, ang sabi ko, "Oo, aasahan ko yan ah!" Pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at narinig pa ang mga sinabi mo sa akin, sinasabi mo rin sa iba.

Madalas kitang hanapin, palingon-lingon, palinga-linga. Tapos kapag nakita na kita at nakaharap na, bigla na lang akong hindi makapagsalita. Bakit? Paano ako magsasalita? Yung buong kahulugan ng buhay ko nasa harapan ko na.

Minsan, mahirap magbigay. Minsan, mahirap magmahal. Minsan, mahirap masaktan. Pero minsan, ok lang. Dahil minsan, ikaw ang dahilan.

Dati, tuwang-tuwa ako kapag inaasar kita. Tuwang-tuwa ako kapag naiinis ka na. Tapos sabi mo lalayo ka, ayaw mo na ko makita. Sabi ko, "Wag! Mahal kita!" Sabi mo, "Nang-aasar ka nanaman ba?"

Dati, akala ko kapag nasa akin na yung taong mahal ko, masaya na ko. Pero bakit nung nasa akin na, hindi pa din ako masaya? Hindi lang pala yung tao ang kailangan ko, pero pati pagmamahal niya.

Sometimes when you cry, akala mo no one sees your tears. When you worry, no one sees your pain. When you're happy, no one sees your smile. Ganyan ka naman e! Di mo rin nakikita na nandito lang ako.

Alam mo ba na mahal kita? Hindi siguro. Alam mo ba na kailangan kita? Hindi rin e. Oo nga pala, paano mo malalaman? E wala ka namang paki. Paano kasi, nandiyan sha. Mahal mo, kailangan mo.

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung gaano kalaki ang takot ko kapag nawala ka. Kung anong nararamdaman ko kapag may kasama kang iba. Shit! Ang kapal ng mukha ko! Kaibigan nga lang pala ako.

Minsan naisip ko,
sana di na lang tayo nagkita at nagkakilala. Bakit? Di dahil ayoko sayo o dahil hindi kita mahal. Natatakot lang ako kasi baka isang araw, iwan mo ko at magmahal ka ng iba.

May mga taong minamahal at may mga taong sinasaktan lang. Alam mo kung alin ako don? Ako yung gagong taong nagtitiis ng sakit kasi mahal ko yung gagong taong nananakit sa akin.

Nagtitiis ako para sayo. Ibibigay lahat basta kaya ko. Kakayanin ko ang sakit para lang sayo. Pero kung di mo pa rin ako mahalin sa kabila ng lahat ng ito, para sayo, maghihintay ako.

Buti pa yung shabu, nagpapayaman. Ang marijuana, nagpapa-high. Ang ecstacy, nagpapasaya. E samantalang ako, taong nagpapakatanga. Di mo man lang pansing adik sayo.

Pinilit kong maging sha. Ginawa ko lahat sayo katulad ng ginawa niya. Minahal kita higit pa sa binigay niya. Tinanong kita kung kulang pa. Sagot mo, "Tama na, hindi ka naman sha e."

Magmahal? Ayoko na ata. Minsan na kong nagmahal at sa minsan na yun, niloko pa ko. Minahal ko sha pero bakit ganon? Dalawa pala kaming minahal niya. Masakit, alam mo kung bakit? Mas mahal pala niya yung isa.

Nasaktan ka ba ng nalaman mong may mahal na kong iba? Pasensha ka na ha? Ayoko na kasing umasa, napagod na din akong maghintay. Pero makakatulong ba kung sabihin ko sayong kaya ko shang iwanan para sayo?

Anong mararamdaman mo kung makita mo ko na may kasamang iba? Siguro wala kasi kaibigan lang naman ako para sayo. Pero kung ma-realize mo na mahal mo ko, sabihin mo lang at iiwan ko sha para sayo.

It hurts much to see you because of what happened to us before. When people ask me about you, I say, "Mahal ko yan!" And it hurts for me to know that whenever they ask you about me, you just say "Minahal ko yan!"

Love? Ano yun? Yun ba yung kahit ano gagawin mo para sa kanya? Yun ba yung ibibigay mo lahat para lang mapangiti sha? Yun ba yung sige ka pa rin kahit alam mong hate ka niya? Yun pala yun! Pucha! Love pala kita!

Minsan lang magmahal ang puso kong tanga. Ang hayop na 'to, naagawan pa! Kung napadama ko lang e di sana akin sha. Ako nga siguro ang tanga. Tanginang pag-ibig yan, nauso pa!

Know what I'm holding right now? Well, I'm holding your heart. Napulot ko kasi tinapon niya. Pwede akin na lang? Promise, di ko itatatapon. Iingatan ko pa.

Close your eyes, diba ang dilim? Try being alone, nakakatakot diba? When no one's with you, masakit diba? Don't worry, ayos lang yan. Try looking behind you, nandiyan lang ako.

There's no special reason for this message. Just wanna steal a single moment out of your busy day and hope to make you smile and say, "Haha! Si ______ na-miss ako!"

Akala ko kapag iniwan kita, hahanapin mo ko. Akala ko kapag lumayo ako, mami-miss mo ko. Akala ko kapag di ako nagparamdam, tatawagan mo ko. Yun pala, iba na hinahanap mo. Uy, paano na ko?

Wag ka umasa na habang buhay, tayo ang magkasama. Wag ka umasa na habang buhay, lagi tayong maligaya. Pero umasa ka na habang buhay, mamahalin kita.

Mabait ka daw. Sabi ko, "Oo naman!" Cute ka daw. Sabi ko, "Talaga!" Palabiro ka daw. Napakamot lang ako sa ulo at sabay ngiti, "Putcha! Pati nga puso ko biniro niyan e."

Kapag may nagsabi sayo na "I don't like you", wag mong damdamin. Hilahin mo ako at saka mo sabihin sa kanyang, "Who cares? Heto si ______ mahal na mahal ako."

Kapag may umaway sayo, gagawin ko ang lahat para mapagtanggol kita. Kahit sino pa o ano pa sha. Pero baka magising na lang ako na nasa harap kita at sabihin mo na, "Bakit mo ginawa yun? Ano ba kita?"

Minsan akala mo kaibigan lang sha. Minsan akala mo nandiyan sha bilang tagapayo mo lang. Minsan akala mo wala lang sha. Pero naisip mo ba kahit minsan na mahal ka pala niya?

Minsan iniisip ko kung pwede lang sanang wag ng magmahal, para lang wag na kong masaktan pa. Kaya lang, pwede ba yun? E makita lang kitang nakangiti, handa na kong masaktan ulit.

 Naiinis ako sa mundo. Ikaw na lang kasi lagi iniisip ko. Ikaw lagi inaalala ko. Kailan kaya mababaliktad ang mundo? Para ako naman ang isipin mo.

If ever I'd be dying tomorrow, I want you to promise me you won't be crying, not a tear from you. Why? Simple. Sino na lang magpupunas ng mga luha mo kung wala na ako?

I lay in bed last night looking at the stars, the clear sky and the endless horizon and in that moment of tranquility, I thought to myself, "Swerte ko. Sa laki ng universe nagkakilala tayo."

Kung pwede lang kitang hagupitin ng yakap, suntukin ng halik, tadyakan ng paglalambing, murahin ng "I love you", gagawin ko. Kaso friends tayo at ayoko mamatay ka sa pagmamahal ko!

Sana hindi na lang kita nakilala. E di sana hindi ako nagkaka-ganito. Sana wala na kong iniisip pa. Ano ba yan? Puro sana! Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?

Hahayaan kita na mapunta sa iba dahil gusto mo. Hahayaan kita na ipagpalit mo ko dahil gusto mo. Hahayaan kita na magmahal ng iba. Wag ko lang malalaman na masasaktan ka dahil hinayaan kita.

Ang laki ng problema ko. Ayoko ngang sabihin sayo e, nakakahiya kasi. Pero sana intindihin mo na lang ako. Kaibigan kita diba? Yun ang problema, kaibigan lang kita.

Mahal kita pero mahal mo sha. Seryoso ako, sabi mo seryoso din sha. Pero bakit nakita ko sha na may kasamang iba? Ngayon, iiyak-iyak ka, tapos sa balikat ko pa. Pasalamat ka, mahal kita.

Magulo talaga ang mundo! Kapag gusto ka, ayaw mo. Kapag gusto mo, ayaw sayo. Pero ang masakit don, mahal mo, mahal ka, pero hindi kayo.

Sabi nila gago ako kasi daw ikaw ang mahal ko. Nasasaktan na, sige pa rin ako. Madami pa daw iba, lumingon lang ako. Madami pa nga diyan, doon tama sila. Kaso may problema, mahal ko ba?

Hindi mo ko sinalo nung nahulog ako. Hindi mo ko pinansin nung bumagsak ako. Dapang-dapa na ko, alam mo ba yun? Pero nung napansin kong paalis ka, sinubukan ko pa ring tumayo para habulin ka.

Minsan daw, nakakapagod magmahal. Minsan masaya, tapos may oras na iiyak ka. Sabi nila nakakasawa. Pero ang totoo, hindi ako nagsasawa sayo. Bakit? Kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo?

The sweetest thing a guy ever did for his girl was sit with his friends, look at her from afar and tell them, "Look at my baby. Have you ever seen anyone so beautiful? Damn pare, she's my life!"

What if one time I want to talk to you but you just say, "Mamaya na lang _______." And turn your back on me without knowing that it will be the last time that you will ever see me because I only begged God for a minute to see you.

Minsan may nagtanong sa akin, paano daw kaya kapag nawala ka? Napa-isip ako, naluha. Natakot ako bigla. Tapos sabi niya, "Wag mo nang sagutin, sa mata mo pa lang halata na. Di mo talaga kaya."

Sana hindi na lang kita nakilala. E di sana hindi ako nagkaka-ganito. Sana wala na kong iniisip pa. Ano ba yan? Puro sana! Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com