Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 6
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0501. Ang galing ni God, no? Alam niya kung saan magiging masaya ang tao, kung saan sila pwedeng magmahal at mahalin ng totoo, kung saan yung langit dito sa mundo. Hmm. Kaya pala nilagay niya ko malapit sayo.

 

0502. Bakit ba ako nasasaktan kapag kasama mo siya? Wala naman akong karapatan, diba? Pero sana naman maunawaan niya na minsan naging buhay din kita.

 

0503. Sabi nila may plano si God para sa lahat. Para sayo, para sakin, kung ano ang mangyayari satin, kung sino ang makakasama natin. Ang wish ko lang sana kung anuman ang plano niya sakin, kasama ka.

 

0504. Hindi man tayo nag-uusap araw-araw o nagkikita ng madalas, nagtatawanan gaya ng dati, nangtitrip kahit badtrip, ito ang tatandaan mo. Nandito lang ako lagi para sayo. Promise!

 

0505. Akala ko mahal mo ko, yun pala hindi. Ikaw ang laging laman ng isip ko pero syempre ako hindi. Muntik na akong mabaliw sa kaiisip sayo pero ano nga naman ba ang magagawa ko kung siya talaga ang mahal mo?

 

0506. Kung pwede lang kitang hagupitin ng yakap, suntukin ng halik, tadyakan ng paglalambing, murahin ng “I love you”, gagawin ko. Kaso love kita, eh. Ayokong mamatay ka sa pagmamahal ko.

 

0507. Sabi nila nagkakatotoo daw ang wish sa falling star. Siguro. Di ko pa natry. Pero kagabi may nakita akong isa. Hindi ko pinansin kasi alam ko namang nandiyan ka na. Ano pang hihingin ko? Wala na, diba?

 

0508. Dati minahal kita, sinaktan mo ko. Dati nagmakaawa ako pero pinagtawanan mo lang ako. Ngayon ok na ko. Pero bakit ganon? Kahit gaano kasakit yung ginawa mo, ikaw pa rin yung mahal ko?

 

0509. Bakit ang tao pag mahal mo, iiwan ka? Kapag iniwan mo, mamahalin ka? Pag mahal mo, siya lang talaga. Pero siya naman, may mahal na iba! Ang sakit, no? Tangina kasing pag-ibig yan! Nauso pa!

 

0510. Mahal mo ba siya? Bakit di mo pa sabihin? Nahihiya ka? Tapos masasaktan ka kasi di ikaw ang kapiling niya? Ikaw kasi, eh! Nahiya ka pa! Malay mo nun ka pa niya mahal, nahiya lang din siya?

 

0511. Di pa nga nagsisimula ang laban, sumuko ka na agad. Akala mo iba ang mahal niya kaya tinago mo na lang. Pano na ngayong alam mo nang ikaw rin yung minahal niya? Hinihintay lang niyang sabihin mong mahal mo rin siya.

 

0512. Minsan nagmahal ka. Minsan nasaktan ka. Pero naisip mo rin ba kahit minsan na minsan ka na ring minahal at nakasakit ng iba?

 

0513. Wala kang kibo, akala ko galit ka. Di mo ko kinausap, namiss kita. Iniwan mo ko, akala ko babalik ka. Hoy! Asan ka na? Ay, mahal mo na nga pala siya.

 

0514. We do become selfish when we love someone. Gusto mo sayo lang siya at hindi pwede sa iba. But what if may humingi sa kanya at gusto niya ring sumama? Papayagan mo ba o magdadamot ka?

 

0515. Siguro nga hindi lahat ng oras dapat tayong umasa sa mga pangarap natin kasi masasaktan lang tayo. Hindi kasi lahat ng pangarap para sa atin. Parang ako. Pangarap kita. Hanggang pangarap lang.

 

0516. Hay, buhay! Ang tanga mo talaga! Bakit mo pa siya iniiyakan? Marami pa naman diyan, diba? Pero tanga din naman ako, eh. Umiiyak ka para sa kanya habang umiiyak ako dahil di ko masabing mahal kita.

 

0517. Nakakapagod, no? Lalo na pag ginawa mo na ang lahat para sa taong mahal mo pero hindi ka pa rin niya mahal. Pero alam mo, mas nakakapagod yung hindi ka na nga mahal, sinasaktan ka pa.

 

0518. Would you be there to catch me? Would you, would you, would you? Sa tingin ko hindi. Ni hindi ka nga matisod sakin, eh. Mahulog pa kaya?

 

0519. Marami namang tao diyan ang pwedeng mahalin. Di ko lang talaga alam kung bakit ikaw pa ang minahal ko ng sobra. Siguro talagang iba ka sa kanila. Pero ang masama lang dun eh sa dinami-rami ng taong nandiyan, ako pa, ako pa ang napili mong saktan.

 

0520. Lagi akong nandito para sayo. Pag wala kang kasama, nandito lang ako. Kapag may problema ka, nandito lang rin ako. Pag iniwan ka niya, tandaan mo, nandito lang ako. Handang-handa akong mahalin ka.

 

0521. Dati akala ko pag nasa akin na yung taong mahal ko, masaya na ko. Pero bakit nung nasa akin na siya, di pa rin ako masaya? Naisip ko, di lang pala yung tao ang kailangan ko kundi pati yung pagmamahal niya.

 

0522. Mahirap palang magmahal ng dalawang tao. Nakakalito! Yung isa, bahagi ngayon ng buhay mo. Yung isa, bahagi ng nakaraan mo. Ang pagkakaiba lang, yung ngayon, ayaw mong saktan pero yung nakaraan, gusto mong balikan.

 

0523. Napangiti ka na ba niya kasi nandiyan siya? Nabuo na ba niya ang araw mo? Pakiramdam mo ba siya na? Nagpapasalamat ka ba kasi nakilala mo siya? Siguro oo ang sagot mo. Eh, pano na yan? Mahal ka ba niya tulad ng pagmamahal ko sayo, ha?

 

0524. Sabi naman sayo, eh. Wag kang maging sweet, wag kang maglambing. Tingnan mo tuloy ngayon. Kasalanan mo to, eh! Masasaktan na naman ako kasi mahal na kita, eh. Mahal na mahal.

 

0525. Pano kung mahal mo yung friend mo pero di mo alam kung paano sabihin? Anong gagawin mo? Aamin ka ba? Kung ako sayo, paramdam ka na lang. Parang ganito.

 

0526. Ang hirap magpretend na hindi kita gusto, na hindi kita kailangan, na hindi kita mahal. Ang hirap, sobrang hirap. Pero may mas mahirap pa dun. Alam mo kung ano? Ang magpretend na mahal ko siya pero ang totoo, ikaw ang mahal ko.

 

0527. You’re hurting inside and crying. You feel alone, unwanted. But I come to you, hug you tight, hold your hand, kiss you on the forehead and whisper, “Tahan na. Kailan ba kita iniwan?”

 

0528. Dati sabi mo mahal mo ako pero di ako naniwala sayo. Akala ko mas magiging masaya ako pag nawala ka sa buhay ko. Pero hindi, nagkamali ako. Dahil mahal na pala kita nung ako pa yung mahal mo.

 

0529. Pag wala ka na, di na ko masaya. Pag wala ka na, di na ko makulit. Pag wala ka na, di na ko sabog. Alam mo kung bakit? Kasi pag wala ng Ace, wala na ang lahat ko!

 

0530. Masaya ako dahil sa wakas nakita kong mahal mo ako. Masaya ako dahil ngayon alam ko kung sino ako sa buhay mo. Ang masakit lang, nung nagkita tayo, sinabi ko, “Salamat minahal mo ko.” Ang sagot mo, “Pucha, dinibdib mo?”

 

0531. Ang puso pag nagmahal, makulit. Kahit di pwede, pilit ng pilit. Di matuto kahit masakit. Ayaw magsawa kahit paulit-ulit. Kaya kung nakukulitan ka na sakin, wag mo kong sumbatan. Sisihin mo puso ko. Mahal ka niyan, eh!

 

0532. Kung tutuusin, magkasama sana tayo ngayon. Sabi nga nila lahat ng bagay pwede pero hindi lahat ng pwede dapat. Ang galing, no? Parang tayong dalawa. Pwede pero hindi dapat.

 

0533. May isang taong nagsabi saking kalimutan ko na siya kasi hindi naman raw niya ko mahal. Eh, tangina naman pala niya, eh! Ano bang problema niya? Paki ba niya kung mahal ko siya? Hindi naman siya yung nasasaktan, eh. Ako!

 

0534. Alam kong darating yung araw na magkakahiwalay tayo. Marami tayong ibang makikilala at magiging kaibigan. Pero sana wag umabot sa sitwasyon na sabihin mo saking, “Sorry, do I know you?”

 

0535. Takot akong baka makita mong mahal kita. Takot akong baka mahalata mong nahuhulog ako sayo. Takot ako hindi dahil baka malaman mo kundi sa baka kahit malaman mo, siya pa rin ang mahalin mo.

 

0536. Sabi nila all is fair in love. Bakit pag nagsabi siya ng “I love you” ang sagot mo “I love you too”? Bakit pag ako ang nagsabi nun, smile ka lang? Now tell me. Fair ba yun?

 

0537. Ano bang ginawa ko? Saan ba ko nagkamali? Ah, alam ko na. Sabi kasi nila dapat ibigay lahat. Isa lang kasi ang binigay ko, eh. Ang tanga ko talaga! Sorry, ha? Isa lang talaga kasi buhay ko, eh. Sana ok lang.

 

0538. Nakakainis pag katext mo yung love mo. Akala mo mahal ka rin niya. Kung magtext kasi ng quotes, super sweet. Feeling mo tuloy may deeper meaning. Pero pag inamin mo na yung feelings mo sa kanya, ang sasabihin niya sayo, “Sineryoso mo? Quote lang yun!”

 

0539. Masakit ang iniiwan. Kaya nga nung iniwan mo ko para sa kanya, pinili ko na lang ang lumayo. Baka kasi malaman niyang may iba ka, iwanan ka rin. Tama nang ako na lang yung masaktan, wag lang ikaw!

 

0540. Biniro kita, ginago mo ko. Nasaktan kita, tinarantado mo ko. Sa lahat ng ginawa ko, mas matindi ang ganti mo. Kaya ngayon, tanong ko lang. Bakit di mo pinantayan ang ginawa ko nung mahalin kita ng todo-todo?

 

0541. May love ako pero may love siyang iba. Tumigil na ko sa kakalove kasi sawa na kong magmukhang tanga. Ngayong satisfied na kong walang love at siya’y nasa piling na ng iba, nakita ko na lang siya isang araw na umiiyak. Sabi niya, “Di mo ba alam na love din kita?”

 

0542. You said you’ll catch me when I fall. You said you’ll risk it all. Pero bakit nung nahulog ako, iba yung sinalo mo? Sabi mo pa, “Tanga ka talaga. Nakisabay ka pa! Alam mo namang mas mahal ko siya!”

 

0543. Nang mahalin kita, minahal mo siya. Nang inibig kita, inibig mo siya. Nang saktan ka niya, mahal pa rin kita. Nang iwan ka niya, nandito pa rin ako. Pero kahit ako yung nandito, siya pa rin yung mahal mo.

 

0544. Bakit ang sakit kada nakikita mo siyang may kasamang iba? Bakit ang sakit kada nakikita mo siyang may kayakap? Bakit ang sakit pag may kausap siyang iba? Bakit ang sakit sayo lang, wala sa kanya?

 

0545. I was so happy when my crush texted me, “I love you.” I replied, “Are you sure?” He answered, “Of course!” Then my friend came to me and said, “I borrowed your cell kanina. May nagreply ba?”

 

0546. When I die, you’ll miss me, you’ll realize how much I mean to you, my laughter, jokes, sweetness. You’ll realize how much I love and care for you. Badtrip! Do I really have to die first before you realize it?

 

0547. It hurts to see you now because of what happened to us before. When people ask me about you, I smile and say, “Ah, yung mahal ko?” But when they ask you about me, you just frown and explain, “Dati pa yun, no!”

 

0548. Once in our lives we had the chance to be with someone we love. There could’ve been so much words to say, so much care to give, time to share. Have you ever realized na kung minahal mo lang sana ako dati, tayo pa sana ngayon?

 

0549. Alam mo bang mahalaga ka sa buhay ko? Alam mo bang hindi kumpleto ang buhay ko pag wala ka sa tabi ko? Bakit ko ba tinatanong sayo to? Ano nga ba naman ang paki mo? Tanong ko lang, ha? Pag ako kaya nawala, kawalan ba ako para sayo?

 

0550. Sabi nila wag kitang mahalin ng sobra, di ako nakinig. Kaya nung nawala ka na, sabi nila, “Ano? Kita mo na?” Sabi ko, “Ok lang yun. Bago naman siya nawala, sobra niya akong napasaya.”

 

0551. May nagtanong sakin kung bakit ko daw pinipilit ang sarili ko sa taong iba ang mahal at hindi ako kayang mahalin, di ako nakasagot. Tapos tinuro kita sabay sabi, “Kaya mo bang iwasang mahalin yung ganyan?”

 

0552. Mahal mo ba ko? Eh, bakit ang sweet mo sakin? Palagi mo na lang akong tinutulungan. Pag wala akong kasama, palagi kang nandiyan. Ano yun? Paramdam? O practice para gawin mo sa iba?

 

0553. Dati tuwang-tuwa ako pag inaasar ka, tuwang-tuwa ako pag naiinis ka na. Tapos bigla mong sinabi na lalayo ka na. Sabi ko, “Wag! Mahal kita!” Sabi mo, “Nagbibiro ka na naman ba?”

 

0554. Akala ko akin ka na kasi sabi mo special ako sayo. Akala ko tuloy tayo na. Pero nung sinabi mo saking may mahal ka nang iba, narealize kong iba pa rin pala ang special sa mahal.

 

0555. Natagpuan mo na ba yung tsinelas ng buhay mo? Yung the right one for you? Alam mo, sayang. Yung sakin kasi nawala pa. Saan ka ba kasi pumunta?

 

0556. Sinaktan mo ko, ilang ulit na. Humihingi ka ng tawad, tinatanggap ko pero niloloko mo ulit ako. Tanong nila, “Hanggang kailan ka magiging tanga?” Ngiti lang ako, “Hangga’t mahal ko siya.”

 

0557. Alam mo, masakit. Nawala kang bigla nang walang iniwang dahilan. Isang araw nakita kita, lumapit ako at nagtanong, “Kumusta?” Pero ang sinagot mo, “Lumayo ka at baka makita ka niya!”

 

0558. I imagine the two of us alone, you’re holding my hand and embracing me. I imagine you saying you love me too. Then suddenly, you tap me and say, “Nakikinig ka ba? Sabi ko mahal ko siya!”

 

0559. Masama bang mapalingon ako sayo at tingnan ka? Masama bang maging masaya pag nakakausap kita? Kasalanan bang masaktan pag tinutukso ka sa iba? At paki sabi nga sakin, kasalanan bang mahalin kita?

 

0560. In life, you will never know what you’ve been missing until it arrives and you will never know what you’ve got until it’s missing. Totoo yan pero sana di ako mawala bago mo ako pahalagahan.

 

0561. Nakita kita kanina, ang saya-saya mo. Syempre dahil kasama mo siya. Ngiting-ngiti ka pa nga, eh. Pero sana maisip mo rin na sa bawat ngiti mo, may isang taong nasasaktan nang hindi mo alam dahil sa sobrang pagmamahal sayo. Ako yun.

 

0562. Ang hirap sagutin ng tanong na “bakit”. Ang hirap ring tanggapin ang mga sagot ng “bakit”. Mahirap maghanap ng lunas sa sakit na dulot ng “bakit”. Pero bakit ba kasi ang hirap mong kausapin? Sasagutin mo lang naman ang tanong ko. Bakit siya ang mahal mo at bakit hindi ako?

 

0563. Hahayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo. Hahayaan kitang magmahal ng iba. Hahayaan kitang pumili ng iba. Lahat yan ikaw ang masusunod pero hindi kita hahayaang masaktan ng iba dahil mahal na mahal kita.

 

0564. Minahal kita kahit mali, hinintay kahit sobrang tagal, nagbigay ako kahit ubos na, nagparaya kahit sobra na. Lahat ginawa ko, tiniis! Pero kulang pa rin para sayo. Di pa ba sapat sayo yun kaya iniwan mo ko?

 

0565. Akala ko ikaw na at ako. Kasi yung mga pangarap ko, sayo ko binuo. Usap-usap, plano-plano. Yun pala hanggang dun lang tayo. Hoy, ngayong wala ka na, pano na ko?

 

0566. Dati, sabi ko sa sarili ko maghihintay lang muna ko. Baka balikan mo rin ako. Pero bakit ganon? Sa paglipas ng panahon, naisip kong masakit palang umasa. Masakit dahil wala naman akong aasahan, diba?

 

0567. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit wala na, asa ka pa din. Kahit wala na, hintay ka pa din. Kahit wala na, naniniwala ka pa din. Pero minsan kahit mahal mo pa, pinapakawalan mo na kahit masakit kaysa naman makita mo na ayaw na niya.

 

0568. Pag sapit ng gabi at hindi mo na ko mahal, ibulong mo na lang sa buwan. Sa buwan ko na rin lang itatanong kung bukas pagising ko, kakayanin ko ba na may mahal ka nang iba.

 

0569. Sabi ko maging akin ka lang, masaya na ko. Pero sabi nila isipin ko rin daw ang kaligayahan mo. Hindi raw ako ang magpapasaya sayo. Paano ka nga naman sasaya kung sakin ka lang mapupunta?

 

0570. Akala ko kaya ko nang mag-isa, kaya ko nang wala ka, na kahit makita kitang may kasamang iba, ok lang. Pero nung nakasalubong kita habang kasama mo siya, ang nasabi ko lang, “Tangina! Iba pa rin pala pag totoo na!”

 

0571. Hiwalay na nga pala tayo. May iba ka na at ganun din ako. Pero sana kahit magkalayo tayo, malaman mo na oo, nagkamali ako. Pero hindi kita niloko!

 

0572. Alam mo, di ako takot na mawala ka, na bukas ipagpalit mo na ko sa iba. Mas natatakot akong makita kang umiiyak dahil sinaktan ka niya at hindi na kita pwedeng yakapin tulad nung akin ka pa!

 

0573. Sabi ko babawiin kita sa kanya. Sasabihin ko mahal na mahal pa rin kita! Nung papunta na ko sayo, nakita kong masayang-masaya ka na sa kanya. Naisip ko tuloy, mabawi pa kaya kita?

 

0574. Kung mamatay man ako, wag kang iiyak dahil di kita iiwan. Mas gugustuhin ko pang maging multo sa tabi mo kaysa mapunta sa langit na wala naman ang anghel ko.

 

0575. I saw you sitting at umiiyak. Umupo ako beside you and asked you, “Bakit?” Yayakapin sana kita kaso you walked away. I cried and realized na puntod ko pala yung inuupuan natin.

 

0576. Sabi mo iwasan kita. Sabi mo rin wag na kitang mahalin. Pero bakit ko pa kailangang pahirapan ang sarili ko? Mamahalin mo ba ko pag ginawa ko ang mga ito?

 

0577. Know what I’m holding right now? Well, I’m holding your heart. Napulot ko kasi tinapon niya. Pwedeng akin na lang? Promise di ko itatapon. Iingatan ko pa.

 

0578. Natatakot akong mahalin ka kasi kaibigan kita. Natatakot akong mahalin ka kasi baka may mahal ka nang iba. Natatakot akong mahalin ka kasi baka hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya.

 

0579. Kagabi naisip kita. Hanggang pagtulog ikaw pa rin. Sa panaginip ko magkatabi daw tayo. Ayoko na nga sanang magising. Kaya lang bigla siyang dumating at inagaw ka sakin. Hindi ba talaga niya ko pagbibigyan? Kahit sa panaginip lang?

 

0580. Minsan akala mo kaibigan lang ako at nandito ako para sayo bilang tagapayo lang. Akala mo hindi ako nasasaktan kapag binabanggit mo siya. Pero naisip mo rin ba kahit minsan na kaya ako nandito kasi mahal kita?

 

0581. Nung sinabi mong special ako sayo, umasa na ko. Palagi kitang pinagdarasal. Pero nang makita kitang kasama siya, sobrang nasaktan ako. Naisip ko kasi, iba nga pala ang special sa mahal.

 

0582. Masakit pag ginago ka. Masakit pag ininsulto ka. Masakit pag sinabi niya sayong, “Love naman kita, eh. Kaya lang mas love ko siya.” Ginago ka na, ininsulto ka pa. Shit, diba?

 

0583. I showed a picture of myself to you and said, “Tingnan mo, oh. Tayong dalawa.” But you said, “Asan ako?” Then I pointed at my chest and smiled, “Nandito ka sa puso ko!”

 

0584. Nafeel mo na ba yung sabi niya sayo may mahal na siya tapos tumalikod ka na lang dahil akala mo wala na? Tapos paglayo mo, sumigaw siya, “Ano ka ba? Manhid ka ba talaga?”

 

0585. Alam mo, lahat ng pangarap mo gusto kong matupad para makita kitang masaya. Pero paano ko gugustuhin na matupad ang pangarap mong mahalin ka niya kung alam ko na kabiguan ito ng pangarap kong maging akin ka?

 

0586. Minsan parang malabo. Minsan parang hindi ako kumbinsidong mahal mo nga ako. Pero ito ang sasabihin ko sayo. Iwan mo man ako dahil sa iba, pag di ka naging masaya, pangako, babawiin kita!

 

0587. Minsan sabi nila wag ikaw. Sabi rin nila hindi ka pasado. Eh ano pa bang tunay na pasado sa mundo? Yung perpektong taong hindi ko naman gusto? O ang simpleng tulad mo na mahal na mahal ko?

 

0588. Dati ginawa kong biro ang mahalin ka. Pinaniwala kita at ikaw naman si tanga, naniwala. Pero ngayon narealize ko na ako pala ang tanga. Kasi yung biro ko, sa puso ko, totoo na pala.

 

0589. Magsawa ka man sakin, nandito pa din ako. Magalit ka man sakin, maghihintay pa din ako sayo. Kalimutan mo man ako, ikaw pa din palagi ang nasa isip ko. Dahil magbago man ang takbo ng mundo, ikaw pa din ang mahal ko.

 

0590. Minsan gusto kong tumakbo. Malayong-malayo sayo. Baka sakaling makalimutan kita. Kaya lang sa pagtakbo ko, dala ko pa rin ang puso ko na walang ibang laman kundi ang mga ala-ala mo.

 

0591. Ayaw mo nang magmahal? Bakit? Kasi malungkot pag iniwan ka? Kasi malungkot pag sinaktan ka? Kasi malungkot pag di ka niya mahal? Pero sa ginawa mong pag-iwas sa kalungkutan, masaya ka ba?

 

0592. Sabi nila masakit daw malaman na may pangalawa yung mahal mo. Pero diba handa ka pa ring ipaglaban siya wag lang maagaw ng iba? Eh, pano kaya pag nalaman mong ikaw pala yung pangalawa? Ipaglalaban mo pa rin ba siya?

 

0593. Hindi madaling maghintay, hindi rin biro ang magmahal. Minsan aakalain mo siya na, minsan aakalain mo ok na. Pero mamamalayan mo na lang na wala na siya. Dumaan lang para paibigin ka.

 

0594. If I’ll be given a chance to say something to you that would reveal how I feel, sa totoo lang, words won’t be enough! But if you insist, just remember this. Balewala ang buhay ko kung mawawala ka sa tabi ko.

 

0595. Someday I’ll come and think about you again. For now, I’m going to leave and set aside the thoughts of you for I can’t bear to see myself loving you so much knowing the fact na hindi mo naman ako kayang mahalin, eh.

 

0596. Nagulat ako nung lumapit ka sakin. Niyakap mo ko at sinabing, “Break na kami.” Sabi ko sayo, “Nandito pa naman ako, eh.” Sasabihin ko na nga sanang mahal kita. Kaya lang bigla mong hinirit, “Pero mahal ko pa siya.”

 

0597. Yung mahal ko hindi na ko kinakausap, hindi na rin ako pinapansin! Anong gagawin ko? Ayokong mawala siya pero siya na rin mismo ang lumalayo. Tulungan mo naman ako, oh. Ano bang gagawin ko sayo?

 

0598. Nung gusto ko, ayaw mo. Sabi mo tama na. Natanggap ko, nakaya ko. Ngayong may nagmamahal na saking iba, sasabihin mo saking nasasaktan ka. Anong gusto mong gawin ko? Iwan siya at balikan ka?

 

0599. Minsan mahirap magbigay, minsan mahirap magmahal, minsan mahirap masaktan pero minsan ok lang dahil minsan ikaw ang dahilan.

 

0600. Siguro akala mo crush pa kita. Siguro akala mo concerned pa rin ako sayo. Siguro akala mo mahal pa kita. Dun ka nagkakamali! Ayoko nang magmahal ng taong hindi naman ako kayang mahalin. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com