Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 8
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0701. Masarap tumingin sa mga bituin sa langit pag gabi. Parang ayoko nang matulog para hintayin na lang ang umaga. Ganun din pag nakikita kita. Gusto lang kitang masdan at mahalin habang nandiyan ka pa.

 

0702. Love? Ano yun? Yun ba yun? Yung kahit ano gagawin mo para sa kanya? Yun ba yun? Yung ibibigay mo ang lahat para lang mapangiti siya? Yun ba yun? Yung sige ka pa rin kahit alam mong hate ka niya? Yun pala yun! Putcha! Love pala kita!

 

0703. Ang hirap magmahal lalo na kapag yung taong mahal mo, walang pakielam sa nararamdaman mo. Pag nasaktan ka, syempre maiiyak ka. Ang masakit pa dun, imbis na tulungan ka, tatanungin ka ng, “Sinabi ko ba sayong mahalin mo ko? Diba hindi naman?”

 

0704. Minsan nasabi mo saking mahal mo ako. Minsan kinailangan mong lumayo para malaman kong mahal mo nga ako. Pero alam mo, ang sakit-sakit nung sinabi mo sakin ang ganito, “May mga bagay na nagbabago.”

 

0705. Isang araw, nakita kitang kausap siya. Sabi ko na lang, “Hay, ang hirap pala talaga pag mahal mo.” Tapos lumapit ka, “Uy, bakit ganon? Ang hirap pag nagmamahal ka.” Sabi ko, “Ok lang yun. Mahal din naman kita.” Sabi mo, “Hindi ikaw, no! Siya.”

 

0706. Manhid ka raw kasi hindi mo maramdaman na mahal kita. Tinawanan ko lang sila kasi alam ko namang hindi ka ganun. Tapos nalungkot ako. Sa isip-isip ko kasi, “Hindi yun manhid. Hindi lang talaga niya ko kayang mahalin.”

 

0707. Mahirap mahalin ang isang taong may mahal nang iba lalo na pag kaibigan mo pa ang minahal niya. Patukso-tukso ka pa! Kunwari kinikilig sa kanila. Pero sa totoo lang, ang sakit sakit na.

 

0708. Mahalin mo pa kaya ako kahit magkalayo na tayo? Balikan mo pa kaya ako dito at sabihing ako pa rin ang laman ng puso mo? Maging tayo pa rin kaya hanggang sa huli? Ang sarap mangarap, no? Pero ang hirap umasa.

 

0709. May taong mahilig magpaasa, madalas mangako, madalas manloko. Papadama pa na special ka pero hindi naman ikaw ang mahal niya. Pag umiyak ka, magsosorry. Para saan pa? Eh nasaktan ka na?

 

0710. Maraming tao ang nagsasabi ng “I love you” sakin. Yung iba totoo. Yung iba wala lang. Yung iba seryoso. Yung iba laro lang. Pero kahit ilan pa silang mag “I love you” sakin, ang gusto ko yung sayo lang. Kahit hindi seryoso, ayos lang.

 

0711. Pinapagod ko ang utak ko sa kaiisip sayo samantalang ikaw, wala pa ring pagbabago. Walang sandaling inisip mo rin ako. Nakakatawa. Bakit ako nagpapakagago? Nakakapagod din palang manlimos ng atensyon mo!

 

0712. Kanina may naghanap sayo at gusto kang patayin. Ayaw kitang mapahamak kaya hindi kita tinuro. Heto ako ngayon, nag-aagaw buhay kasi binaril niya ako sa puso nang malaman niyang dun kita tinatago.

 

0713. Minsan naka-upo ako at bigla na lang naiyak kasi naisip kita. Tapos dumating si Lord. Pinunasan niya ang mga luha ko at sinabing, “Sabi ko naman sayo, anak, hindi siya para sayo. Pinilit mo pa kasi.”

 

0714. Nang mahalin kita, ginawa ko ang lahat. Sabi mo patunayan ko, pinaglaban kita. Pero sa tuwing pinaglalaban kita, nagagalit ka. Sabihin mo na kasi na mahal mo siya. Ibibigay naman kita sa kanya basta masaya ka.

 

0715. Sana nakakapagsalita ang mata para hindi maging mahirap sakin ang sabihin sayong mahal na mahal kita. Pero wag na lang kasi baka malaman mo rin na nasasaktan ako pag nakikita kitang masaya sa piling niya.

 

0716. Mahirap magsabi ng “sorry”. Mahirap magsabi ng “mahal kita”. Mahirap magsabi ng “kailangan kita”. Pero nalaman kong ang pinakamahirap palang sabihin ay yung, “Mahalin mo naman ako. Please?”

 

0717. Pag hindi alam ng mahal mo na mahal mo siya, masasaktan ka nang hindi mo sinasadya. Kaya nga pag nagsheshare ka tungkol sa kanya, ang sinasabi ko lang, “Ows? Talaga?” Kahit na ang totoo, “Shit! Tangina!”

 

0718. Ipagtatanggol kita sa kahit kanino. Hinding-hindi kita iiwan kapag nag-iisa ka. Mamahalin kita hanggang kaya ko. Sayang. Kung akin ka lang sana.

 

0719. Mahirap magmahal ng sobra. Halos wala nang matitira sa sarili. Lahat ng oras ilalaan mo makita lang siya. Pero ikaw ba ay kuntento na? Ok lang sanang magmahal, kahit sobra. Ang kaso lang alam ba niya?

 

0720. Once na nagmahal ka, gamitin mo yung puso mo at wag yung isip. Hayaan mong sabihan ka nilang tanga basta wag ka lang magising isang araw at sabihin mo sa sarili mo na, “Hindi pala ako nagmahal. Nag-isip lang.”

 

0721. Mahirap talagang maging sayo ang hindi para sayo, ang ayaw sayo at ang puso na hindi nakalaan para sayo. Pero para sakin, walang mahirap sa nagmamahal lalo na kung ikaw ang mamahalin ko.

 

0722. Kung di rin lang ikaw, bakit pa? Kung di rin lang ikaw, sino pa? Kung di rin lang ikaw, wag na! Kasi bakit pa ako magpapakatanga, magpapakagago at magmamahal ng sobra sobra kung hindi rin lang ikaw?

 

0723. Lahat na ay ginawa ko para mapalapit sayo pero bakit hanggang ngayon wala pa ring nagbabago? Alam na ng lahat na sayo ako’y may gusto ngunit bakit parang nagkamali ang puso? Masasaktan lang ba ulit ako?

 

0724. Nung nawala ka sa buhay ko, akala ko ok lang. Akala ko isang tulugan lang, mawawala ka na sa isip ko. Pero mali yata ako. Kasi nung nawala ka, ni matulog hindi ko magawa.

 

0725. I went to the doctor this morning. He told me I’m seriously ill and that I’ve got little time left. Some virus got into me and the only cure is to forget you. I just said, “Mamamatay na lang siguro ako.”

 

0726. Bakit nga ba mahirap hindian ang isang kaibigan? Takot kang siya’y masaktan. Ayaw mong masira ang samahan. Pero bakit sa huli napapaisip ka? Kaibigan lang ba talaga? O ayaw mo lang tanggaping nahulog ka na?

 

0727. Alam mo, mahal na mahal kita. Bakit mo pinindot? Akala mo siguro quote, no? Sabi na nga ba, eh. Sa bagay, may mahal ka na. Bakit mo naman ako seseryosohin, diba?

 

0728. Minsan kahit may mahal ka na, hindi maiiwasang main-love ka sa iba. Pag dumating yung time na papiliin ka nila, piliin mo kung kanino ka masaya. Pero kailangan mong kalimutan yung isa.

 

0729. Sabi nila ang gwapo mo. Gusto ko sanang kumontra kaso lang bigla kang dumaan, tiningnan kita, pinagmasdan. Nakita mo ko, ngumiti ka, natulala ako. Ewan ko pero basta narealize ko na ang tanga-tanga ko.

 

0730. It really sucks seeing your eyes filled with tears. I wanna hug you tight from your back and never let go. But I’m scared. Scared that you’ll push me back and say, “Naman! Di ikaw ang kailangan ko!”

 

0731. Balak ko sanang umiwas na lang para makalimot. Balak ko sanang di ka tingnan para hindi na ko masaktan. Balak ko sanang magtago sa hindi mo makikita para hindi mo na sabihing, “Nako! Papansin na naman!”

 

0732. Sabi nila kalimutan na kita. Wala daw akong mapapala sa pag-asa pa. Di mo daw ako mahal at wala ka naman daw pakielam. Sabi pa nila bitiwan na kita. Ang sabi ko lang, “Pano ko bibitiwan ang buhay ko?”

 

0733. Kagabi, inask ko si Lord kung bakit may mga taong manhid. Sabi niya wala daw siyang ginawang ganun. Tumalikod ako at napatungo. Bigla niyang sinabi, “Manhid nga ba siya o hindi mo lang matanggap na friend ka lang talaga niya?”

 

0734. An angel asked me, “Bakit ka sad?” Thinking of you, I answered, “Kasi miss ko na siya, eh.” Then I heard the angel giggle. I looked up, began to smile and said, “loves, ikaw pala yan.”

 

0735. May nagtanong sakin. Pag nagmamahal ako, ano raw ba ang sinusunod ko. Puso o isip? Sabi ko syempre isip. Kaso lang bigla kitang naalala. Ako tuloy ay nagtaka. Kung isip, bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita? Pakisagot nga.

 

0736. Noon sabi ko dahil mahal na mahal kita, handa akong maghintay sa panahong mamahalin mo rin ako. Kahit gaano pa katagal. Pero may mali ako. Hindi kita tinanong kung gusto mong magpahintay o kung may hihintayin nga ba ako.

 

0737. Someone asked me, “If each person has an angel, why can’t we see them?” I just smiled and said, “Bakit si Ace nakikita ko?”

 

0738. Sad yung pagising mo sa umaga, siya yung naiisip mo, naiisip at hinahanap mo, hinahanap dahil wala siya sa tabi mo, wala siya dahil hindi siya sayo at hindi, kailan man, magiging sayo.

 

0739. Sabi nila pag hindi ka makatulog, may nag-iisip sayo at nagmamahal. Siguradong yung taong yun, miss ka talaga. Kaya kung di ka makatulog, sorry, ha? Di ko mapigilan, eh.

 

0740. There are times that I’m so kulit that you like to put scotchtape na to my mouth. Minsan I’m so isip bata that you like to tie me na to a tree. Pero kahit na you do all that to me, di kita iiwan kasi love kita.

 

0741. When somebody asks you about me, I don’t expect you to say, “mahal ko yun” or “mahalaga sakin yun”. It’s enough for me that you say, “Ah, si Ace? Mahal ako nun! Sobra!”

 

0742. Masasaktan ka ba kung iiwas ako sayo? Kung kakalimutan kita? Kung magmamahal ako ng iba? Siguro hindi. Pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman mo na ako masasaktan sa gagawin ko.

 

0743. Nagalit sakin si Lord. Sabi niya, “Anak, kung saan saan ka nagpupupunta.” Tapos nakita niyang kasama kita. Sabi niya, “O, bakit ka kasi lumapit diyan?” Sabi ko, “Lord, sorry. Akala ko po kasi langit na, eh.”

 

0744. Turo ng math teacher ko sakin na if a=b and b=c then a=c. Sabi ko sa kanya, “Edi, Miss, kung mahal ko si God tapos mahal ni God si Ace, mahal ko si Ace!”

 

0745. Mahirap magkunwaring masaya ka kahit nasasaktan ka na. Mahirap magpretend na kaya mo pa kahit hirap na hirap ka na. At ang pinakamahirap ay ang magkunwaring hindi mo na siya mahal habang sa puso mo ay siya lang talaga.

 

0746. Gabi na. Gising pa ko, tulog ka na. Wala ka na sigurong inaalala. Tulog ka na, eh. Buti ka pa alam mong mahal pa kita. Eh, ako? Inaalam ko pa kung mahal mo pa ko. Kahit na alam kong malabo na sa oo.

 

0747. Akala ko dati malas ako. Akala ko pinagtitripan ako ng mundo. Napatingin ako sayo, tapos napangiti. Bakit? Kasi naisip ko, kahit gaano ako kamalas, bawing-bawi naman dahil sayo!

 

0748. Sabi nila ang tunay na pag-ibig raw, madalang ang biyahe kaya pag dumaan sayo, parahin mo at sumakay ka na. Kasi raw hindi mo alam kung babalik pa siya. Ito ang tanong ko sa kanila. Paano kung may sakay nang iba? Sasabit ka na lang ba?

 

0749. Iniwan kita hindi dahil ayoko na. Hindi rin dahil meron na kong iba. Hindi dahil suko na ako at hindi rin dahil nakakapagod na. Gusto ko lang hanapin mo ang pagmamahal ko. Pag nasayo kasi, winawala mo.

 

0750. Pag nakita mo na masaya ang mahal mo sa piling ng iba, wag kang malungkot o umiyak. Isipin mo na lang na masaya siya dahil mukhang clown ang kasama niya.

 

0751. Kaibigan? Oo, kaibigan mo lang ako. Takbuhan pag may problema sa kanya, iyakan pag sinasaktan ka niya tapos iiwan. Babalik pag iiyak ulit. Eh, ako? Kanino ako iiyak tuwing nasasaktan ako dahil sayo?

 

0752. Prayer for the romantically disfranchised, delusional or merely hopeful, “Lord, if he’s the one, please let everything fall into place but if he isn’t, Lord, pwede bang siya na lang?”

 

0753. Akala mo lang masaya ako sa kanya, na nakalimutan na kita. Di mo lang alam na sa araw-araw na kasama ko siya, halos mamatay ako sa kaiisip na sana ikaw na lang siya.

 

0754. Minsan ang daling sabihing mahal mo siya. Pero ang totoo, mas mahal mo yung isa. Pero bakit mo nga ba pinipilit na mahalin yung isa? Syempre para makalimutan mo yung mahal mo talaga. Tama ba?

 

0755. Anong gagawin mo pag kailangan na nating maghiwalay? Iiyak? Susuko na lang? Alam mo ako, wala. Tatahimik lang ako, hahawakan ko ang mga kamay mo, yayakapin kita at sasabihin kong, “Nandito lang ako kung babalik ka.”

 

0756. Once in my life, I got lost in a place I thought was paradise. I ran without moving, I floated without flying. I didn’t know I was already in heaven until I saw you and said, “Ah, heaven na to. Nandito na si Ace ko, eh.”

 

0757. May mga bagay na totoo pero hindi nakakakilig. May mga bagay na nakakakilig pero hindi naman totoo. Pag sinasabi mong mahal mo ko, kinikilig ako. Sayang. Hindi nga lang totoo.

 

0758. If I see you flirting with others, I won’t cry. Instead I’ll stand in front of you, chin up, stomach in, chest out at sabay sabi, “Mas masarap akong magmahal diyan. Sana wag mong pagsisihan!”

 

0759. You ran to me, crying. You said, “Bakit ganun siya? Hindi ba niya ko kayang mahalin?” I just looked down and whispered, “Bakit ikaw ganyan ka? Siya lang ba ang kaya mong mahalin?”

 

0760. I love you! Bakit ka napangiti? Flattered ka, no? If I say it again? I love you! Ano, natawa ka na? Ganyan ka naman, eh. Pag sinasabi kong mahal kita, akala mo gaguhan lang. Hoy! Totoo na yan!

 

0761. Bakit ganon? Napapamura ako pag namimiss kita, napapamura ako pag naaalala kita, napapamura ako pag gusto kitang makita. Hay. Tsk. Tangina naman, oh.

 

0762. I love you. Ang sarap pakinggan, no? Lalo na pag galing sa mahal mo. Paano kung galing sakin? Malamang lang hindi na kasi iba naman ang mahal mo, eh. Hindi naman ako.

 

0763. Mahal mo ko? Hindi nga? Talaga? Kasi minsan mo nang sinabi yan, hindi naman pala totoo. Basta pag totoo na, ipakita mo. Para naman hindi lang laging ako nang ako.

 

0764. Last night, I dreamt of us with your daughter and my son playing together. When I woke up, nasabi ko na lang, “Hay, nako! Pati ba naman mga anak natin hanggang friends lang din?”

 

0765. Bakit ganon? Sendan mo ng “I love you”, akala quote lang. Send ka ng quote, ifoforward lang pala. Kahit anong gawin mo, hindi niya makitang mahal mo siya. Ano? Angal ka? Wag na. Quote lang to, diba? Iforward mo na lang sa kanya!

 

0766. Siguro kung tayo, sweet ako sayo. Siguro mamahalin kita ng sobra. Hindi pababayaan, hindi sasaktan. Pero siguro lang naman yun, eh. At hanggang siguro na lang talaga, diba?

 

0767. I’m happy pag inaasar tayo sa isa’t isa. Quiet lang ako kahit kinikilig masyado. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako. Alam mo kung bakit? Hirit mo kasi lagi, “What the hell? Alam niyo namang iba ang mahal ko!”

 

0768. In life, knowing how to lose is often just as important as knowing how to win. So when you fall, know how to get up! Dust yourself and say, “Nandiyan naman si Ace, eh. Hindi ako iiwan nun!”

 

0769. Alam mo, mahal kita. Gulat ka, no? Matagal na yun. Manhid ka lang kasi. Ay, hindi pala. Busy ka lang sa kanya. Ok lang, I understand. Friend mo naman ako, eh. Friend mo lang.

 

0770. Sa lahat ng taong minahal ko, kahit isa walang nagtagal. Lahat dumadaan lang tapos bigla na lang nawawala. Ngayung nandito ka, pwedeng sabihin mo na kung dadaan ka lang para hindi na ko umasa?

 

0771. Pag nagmahal ka, magtira ka sa sarili mo. Wag mong ibigay lahat. Wag buhos todo. Para pag dumating yung araw na hindi na siya ang mahal mo, masasabi mo sa sarili mong, “Tangina! Nagkamali ako.”

 

0772. Masakit ang makita mong iba ang mahal ng taong mahal mo pero mas masakit ang magkunwaring masaya ka para sa kanya habang iniisip na, “Sana ako na lang ang minahal niya.”

 

0773. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nasasaktan ako. Minsan gusto ko ring sabihing nahihirapan na ko. Kaso natatakot ako kasi baka sabihin niya, “Bakit mo ko sisisihin? Kasalanan ko bang hindi kita kayang mahalin?”

 

0774. Sabi mo nandiyan ka lang pero bakit wala ka? Sabi mo hindi mo ko iiwan pero nasaan ka? Sabi mo mahal mo ko pero bakit hindi ko maramdaman? Ah, siguro kasi sinabi mo lang ang lahat ng yun para hindi ako masaktan.

 

0775. Sabi ko sana hindi siya yung tao na sasaktan ako, hindi siya yung taong paluluhain ako at hindi rin siya yung taong iiyakan ko. Sagot niya, “Oo ba. Wag kang mag-alala. Hindi naman darating yung araw na mamahalin kita.”

 

0776. Binigay ko ang lahat, ginawa ko ang dapat kasi mahal kita. Pero wala! Hindi ka pa rin masaya. Tinanong kita kung may kulang pa. Sabi mo, “Oo! Siya!”

 

0777. Noon, sabi mo, “Hindi kita iiwan. Magkasama tayo kahit na anong laban. Ipagtatanggol kita, poprotektahan.” Naniwala naman ako, nasiyahan. Yun pala hindi na natin kailangan ng laban. Dumating lang siya, alam ko na kung sino ang talunan.

 

0778. Ipinagpalit ko ang lahat para lang sayo. Iniwan ko siya dahil lang sayo kasi mahal kita. Ngayun kilala mo ba kung sino ang kasama’t karamay ko? Siya na iniwan ko para sayo.

 

0779. Diba sabi ko sayo noon pa na gusto kita? Pinaramdam ko rin sayo na kailangan kita, diba? Tinabihan pa kita at sinabing, “Alam mo, mahal kita.” Pero bakit ka ganyan? Tumawa ka lang sabay hirit, “Ikaw talaga, nagpapatawa ka na naman.”

 

0780. Sa lahat ng pwedeng mahalin, bakit kaya ikaw pa? Ikaw na may mahal nang iba? Nasasaktan lang ako, eh. Pero di kita masisisi. Siguro mahal lang talaga kita. Ito lang ang tanong ko sayo, “Siya ba, mahal ka?”

 

0781. You may say that I’m mayabang. You may say that I’m feeling. You may say that I’m over confident. Alam mo ba kung bakit ganito kalakas ang loob ko? It’s simply because of you.

 

0782. Baka hindi mo na ako kailangan ngayun. Baka hindi na kahit bukas. Baka hindi na nga talaga. Pero kung sakaling sa isang sandali pakiramdam mo nag-iisa ka, tandaan mo, sa sandaling yun, darating ako.

 

0783. Mahirap tanggapin na masaya siya sa piling ng iba. Mahirap ding tanggapin na hindi ikaw ang mahal niya. Pero diba ang pinakamahirap sa lahat ay ang tanggapin na ang mahal niya, kaibigan mo pala?

 

0784. “I miss you” has been used many times that its meaning has been lost. But don’t worry. When I say I miss you, it’s my way of saying, “Alam mo, hinahanap ka ng puso ko.”

 

0785. When we met, it just happened that I was there at the same moment you came. Sometimes I ask myself what if you came a second after I left? I guess the answer would just be, “Hindi sana ako ganito kasaya ngayon.”

 

0786. Balang araw, makakalimutan din kita. Balang araw, iiwan din at hindi na babalikan pa. Balang araw, magmamahal din ako ng iba. Ngunit pano? Ngayon nga hindi ko magawa, balang araw pa kaya?

 

0787. Mahal pa rin kita. Gusto ko sanang malaman mo yan. Gagawin ko ang lahat maiparating ko lang. Pero ang masakit diyan, ngayong wala ka na, kahit gaano kalakas ko isigaw sa buong mundo kung gaano pa rin kita kamahal, hindi mo na ito maririnig dahil iba na ang mundo mo.

 

0788. I’m in love with you! Joke! Pero ang joke daw kalahati totoo at minsan mas totoo pa daw sa totoo. Sana kahit minsan biruin mo naman ako na mahal mo din ako, oh. Kahit biro lang talaga basta galing sayo.

 

0789. Alam kong siya na. Alam kong wala na akong pag-asa. Mahal mo siya at mahal ka rin niya kaya’t iniwan mo ako ditong sugatan ang puso. Sabi mo wala na kayo. Ngunit bakit may narinig pa kong “siya pa rin ang mahal ko”?

 

0790. I need you beside me. I need to feel I can hold on to you when things go wrong. I need you but you told me you can’t stay. I asked you why, crying. You said, “Kasi kailangan ko rin siya.”

 

0791. Ang sarap alalahanin ng nakaraan. Nandun kasi yung tawanan, iyakan, yung mga masayang ala-ala. Pero alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit masarap alalahanin yun? Kasi nandun ka.

 

0792. Noon, akala ko pag lipas ng mga araw, makakalimutan din kita. Akala ko pag lumayo ka na, hindi na kita hahanapin. Akala ko oras na mawala ka, mawawala ka na rin sa puso ko. Pero ano kasi, eh. Akala ko lang pala ang lahat ng yun.

 

0793. I watched the ants crawl upon the wall. I noticed that no matter how busy they were, they’d still stop and talk for a while. I know it’s hard to find time pero sana ganun din tayo.

 

0794. Kung may hihilingin man akong kapalit ng buhay ko, yun ay ang kaligtasan mo. Bakit? Kasi aanhin ko pa ang buhay ko kung ang taong pinakamamahal ko ay wala na sa mundo?

 

0795. Sa totoo lang, gusto na kitang tigilan kaya lang hindi talaga ako makabitaw sayo. Alam mo kung bakit? Kasi kahit nagpapakagago na lang ako dito, naiisip ko pa rin na pag ako nagustuhan mo, sulit ang lahat ng sakit na dinanas ko.

 

0796. Minsan tinatanong ko ang isip ko kung bakit miss kita, bakit concerned ako sayo, bakit kailangan kita. Pero sinasagot naman ako ng puso ko. Simple lang daw ang dahilan. Kasi mahal kita.

 

0797. Simple lang ang buhay. Hindi naman kailangang maging kumplikado ang lahat. Ewan ko kung bakit nila ginagawang mahirap ang mga bagay-bagay. Mahal kita. Simple lang, diba? Pero bakit sayo, kumplikado?

 

0798. Pagkatapos mo siyang ipaglaban, pagkatapos mong magmukhang-tanga, pagkatapos mong ibigay ang lahat sa kanya, magugulat ka na lang. Pagkatapos mong mapatunayan sa lahat na mahal mo siya, iniwan ka na niya.

 

0799. Magalit ka kaya pag sinabi kong mahal kita? Pag sinabi kong kailangan kita? Wag sana. Ang kasalanan ko lang naman ay ang minahal kita ng sobra na kahit para sa sarili ko, wala na akong tinira.

 

0800. Minsan hindi sapat ang hayaan mo ang sarili mong magmahal ng isang tao dahil alam mong mahalaga ka sa kanya. Bago ang lahat, dapat alamin mo muna ang pinagkaiba ng mahal sa mahalaga. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com