Make your own free website on Tripod.com
KILIG QUOTES 9
Home
FIND TXTMATES
MY GUESTBOOK
TXT MESSAGE
KILIG QUOTES
SWEET QUOTES
LOVE QUOTES
SAD QUOTES
FRIENDSHIP QUOTES

0801. It’s a miracle how I got to know you. It wasn’t a long time ago when I said, “Sino naman tong ewan na to?” Now I smile. You proved me wrong. You’re unmistakeably the best “ewan” I’ve come to know.

 

0802. You probably won’t believe me once I say I love you. Aakalain mo kasi bola lang yun. But there’s one thing you still don’t know about me. Mahilig akong maglambing pero hindi ako sinungaling.

 

0803. Sa isang patak ng tubig nabubuo ang dagat. Sa isang piraso ng bato nabubuo ang bundok. Hindi nila pansin na importante sila. Gaya mo. Sayo nabubuo ang mundo ko.

 

0804. Alam ko makulit ako. Lagi na lang, “Hi, musta?” Laging, “Ingat ka, ha?” Laging, “I miss you.” Pasensya na talaga, ha? Sabihin na lang nating, “Mahal lang talaga kita.”

 

0805. Minsan natatakot ako, natatakot na parang bata, natatakot mawalan ng mamahalin at natatakot maging mag-isa. Pero sa kabila ng takot na yun ay naiisip ko at naitatanong sa sarili, naging akin ka nga ba?

 

0806. Ayokong masanay lagi sa tabi mo. Ayokong masanay na mahal kita. Ayokong masanay na umasa sayo dahil alam kong iiwan mo rin ako. Kasi parang hindi ko kayang masanay na wala ka na sa buhay ko.

 

0807. Umiyak ako nang mawala ka. Nagdusa ako dahil may mahal kang iba. Ang sakit kasi kaibigan lang kita. Pero bakit nga ba ako umaasa? Siguro dahil mahal talaga kita.

 

0808. Minsan sa paglalakad mo, madadapa ka. Minsan sa paglalakad mo, meron kang makikilala. Pero sa mundong to, maraming kalye. Kaya nga ang swerte ko’t nadaanan ko yung kalyeng kinatatayuan mo.

 

0809. Masyado daw akong palabiro. Lahat daw dinadaan ko sa biro. Minsan tinanong nila ako kung sino daw ang mahal ko. Sabi ko ikaw. Tinawanan nila ko. Bakit? Di ba pwedeng magsabi ng totoo ang palabirong tulad ko?

 

0810. Di na tayo nag-uusap. Di mo na rin ako kinukumusta. Di mo na ko sinasabihan ng “I love you”. Hay, ang tanga ko talaga! Inutusan kitang lumayo tapos heto, hahanapin din pala kita.

 

0811. Wag kang umasa na habang buhay tayo ang magkasama. Wag kang umasa na habang buhay lagi tayong maligaya. Pero umasa ka na habang buhay mamahalin kita.

 

0812. I have been in love then but once. Sabi ko ayoko na. But then you came and touched my heart. Nasabi ko na lang, “Last na to. Pag nawala pa siya, ayoko na talaga.”

 

0813. Miss kita pero hindi much, hindi rin sobra, yung tama lang. Hindi kita iniisip madalas pero lagi kitang naaalala. Pag miss mo kasi ang isang tao, hindi utak ang pinapagana mo kundi ang puso.

 

0814. Madaling magkamali, mahirap umiwas. Madaling magdesisyon pero minsan mahirap manindigan. At higit sa lahat, madaling sabihin na ayaw mo na pero minsan mahirap tigilan dahil mahal mo pa.

 

0815. Inis ka ba sa quotes? Ako, oo. Pano kasi hindi mo malaman kung totoo, hindi mo masabi ang nararamdaman mo. Sinabi ko na nga na mahal kita pero as usual, akala mo quote lang.

 

0816. Kapag ikaw ang iniyakan ng lalaki, ang swerte mo dahil mahal ka nga niya! Pero pag ikaw ang umiyak dahil lang sa kanya, di ka lang malas, tanga ka pa! Lalaki lang yan, pwede ba?

 

0817. Minsan ang tao, para matuto, kailangang masaktan, madapa para magtanda, mahirapan para tumibay. Lahat yan nasubukan ko na pero alam mo, hanggang ngayon mahina pa rin ako kasi mahal pa rin kita.

 

0818. Aalis ka? Kung oo, wag kang lilingon, wag mo kong titingnan, wag mo kong papansinin. Basta lakad ka lang, ha? Bakit? Dahil sa oras na yun, yayakapin kita at hindi na ko bibitiw pa.

 

0819. Akala ko masaya na ko. Akala ko tama ako nang pinili ko ang manatili sa piling niya. Nagkamali ako. Di ko pala kayang magsaya habang nalulungkot ka kapiling ng iba.

 

0820. Nawala ka. Sabi ko sa sarili ko, “Ok lang. Madami pa naman diyang iba.” Ang tagal kong naghintay, ang daming pwede. Hanggang sa napagod ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko, “Madami nga diyang iba pero nag-iisa ka lang.”

 

0821. Nung isang araw, sabi ko sayo tigilan mo na ang mga kalokohan mo. Lumayo ka at hindi na muling nagparamdam. Ang hirap pala, no? Hindi ko alam na yung mga kalokohan mo pala ang nagpapaliwanag kung bakit mahal kita.

 

0822. Mahirap palang aminin ang nararamdaman mo para sa isang tao lalo na kung alam mong mahal mo talaga yung tao na yun! Masakit! Mahirap! Kasi kapag sinabi mo bang mahal mo siya, mamahalin ka rin niya?

 

0823. Nung dumaan ka, sabi ko sa kaibigan ko, “Mahal ko yan!” Tanong niya, “Bakit mo pinakawalan?” Sagot ko, “Eh hindi naman ako, eh. Siya ang nang-iwan.”

 

0824. Lahat ng ginawa mo, tiniis ko. Lahat ng pagkukulang mo, pinuno ko. Nagpapakatanga na nga ako, nagtitiis at nagseseryoso. Pero bakit ganon? Ikaw pa ang may ganang lumayo. Di ba dapat ako?

 

0825. Why do so many people box themselves inside sweet quotes and mushy lines when all they want to say is they love the person they’re sending it to? Hmm, basta ako love kita! Mas madali at diretso, diba?

 

0826. Alam mo, kahit kailan hindi ko inasahang makikilala kita, na mapapalapit ako sayo, na mamahalin kita. Pero kahit kailan hindi ko rin inakalang sasaktan mo lang ako. Ngayon gusto ko sanang sabihin sayo, “Paalam na, mahal ko.”

 

0827. Mahal na mahal ko siya kaya napagisip-isip ko na makipagbalikan sa kanya. Nang nasabi ko na ang lahat-lahat, lumapit siya sakin, niyakap ako ng mahigpit at sinabing, “Sorry, ayoko na.”

 

0828. Sabi mo pipilitin mong magbago. Sabi mo gagawin mo ang lahat para maging maayos. Sabi mo tutulungan mo ko. Sabi mo hindi mo ko hahayaang mawala. Kaya lang sinabi mo lang, wala kang ginawa!

 

0829. Bakit kaya pag nagmamahal ang isang tao, kahit gaano siya katalino, basta pagdating sa puso, nabobobo? Ikaw? Matalino ka, nagmahal ka. Pero nung nagmahal ka nagpakatanga ka rin pagdating sa kanya, diba?

 

0830. Ang puso ko, paulit-ulit mo mang saktan, magmamahal pa rin sayo. Pagtabuyan mo man, babalik pa rin sayo. Saan ka nakakita ng pusong ganito? Ginagago mo na nga, nagpapakatanga pa rin sa tulad mo. Putcha! Puso pa ba to?

 

0831. In life, you'll meet friends who will ride with you in a limo but what you deserve is someone who will take the bus with you when your limo breaks down. Ako, sasamahan kita kahit maglakad pa tayo. Pangako yan.

 

0832. I know sometimes you feel that I don’t have much time for you, that I don’t value you anymore. But I want you to know that when you feel that way, it hurts me. Nakalimutan mo na ba? Hindi kita iiwan, diba?

 

0833. Pag nagmahal ka, dumadating yung punto na magiging matamlay ka, tatamarin ka at magsasawang mahalin siya. Pero paano kung mauna siya? Maunang magsawa sayo? Matatanggap mo ba?

 

0834. Pag nagmahal daw ako, lahat nakakalimutan at nababalewala. Barkada, pag-aaral, pamilya pati raw ang sarili ko. Sabi ko, “Kailan ba ko nagkatime sa sarili ko? Diba nun lang namang nagmahal ako?”

 

0835. Mahal kita pero ayaw mong maniwala. Gusto kita pero naguguluhan ka. Miss kita pero para sayo, ang plastic ko. Sana lang wag mo kong iwan kahit para sayo, manloloko ako.

 

0836. Minsan lang magmahal ang pusong tanga. Niloko pa ang putang ina! Subukan kaya niya ang magmahal at lokohin din siya? Nang masabi niyang, “Tangina! Masakit pala!”

 

0837. Alam mo, ang manhid mo! Hindi mo ko hinintay at naghanap ka agad ng iba. Hindi ko man lang nasabi sayo na, “Ace, alam mo ba na mahal na mahal kita?”

 

0838. Sabi mo mahal mo ko pero pinagpalit mo ako sa iba. Ano pang saysay ng sabihin mo saking “mahal kita” kung ako’y iiwan mo rin lang naman pala?

 

0839. Ang ulan, bumubuhos handa ka man o hindi. Pero sa tuwing papatak ito, tandaan mong may isang taong handang mabasa kasama mo. Sana alam mong nandito ako. Kahit malakas ang bagyo, basta para sayo.

 

0840. Minsan dumating sa life ko ang isang ikaw. Ikaw na nagpasaya sakin, ikaw na tumulong sakin, ikaw na nagpahalaga sakin. Sa tingin ko wala na akong dapat hanapin pa. Ang nag-iisang ikaw ay tama na.

 

0841. Madalas pag nagmahal tayo at nasaktan, sinasabi nating, fuck you, shit, lintek, putcha. Pero nasabi ba natin kahit minsan ang salamat? Dahil kahit naman masakit, minsan sa buhay natin ay natuto tayong magmahal.

 

0842. They said I should give up on you cause I’m just hurting myself. I told them, “I can’t.” They laughed and started to walk away. Nasabi ko na lang, “Putcha naman, oh! Kayo ba sigurado kayong mahal kayo ng mga taong mahal niyo?”

 

0843. Minsan masarap umasa na mahal ka din niya kasi ikaw lang ang nakakaalam nun. Pero minsan masakit din ang umasa dahil alam mong umasa ka man ng umasa, umaasa ka lang.

 

0844. Ang puso, nagmamahal, nasasaktan, napapagod. Tanong ko nga sayo, ang puso mo ba nakakaramdam? O baka naman nagpapakamanhid ka lang?

 

0845. Minsan nakita kita. Nakangiti habang pinagmamasdan mo siya. Minsan ako ang nanghihinayang dahil pinagmumukha ka niyang tanga. Ako ang nasasaktan lalo na pag naiisip ko na sana ako na lang siya.

 

0846. Sa pag-ibig, kahit na masaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga ay marunong kang magmahal ng tapat at hindi ka takot masaktan. Bakit? Dahil ang tapat magmahal ay may katapat na tunay na pagmamahal.

 

0847. Alam kong hindi ako mahalaga sayo. Kahit siguro mawala ako, ayos lang. Pero sana lang pag nangyari yun, mapansin mo man lang na nawala ako. Sapat na yun. Kahit hindi mo na ako hanapin.

 

0848. Ayokong pagbawalan ka, hindi ka na bata. Ayokong pagsabihan ka, hindi ako ang parents mo. Ayokong magalit sayo, baka mag-away pa tayo. Ito lang ang sasabihin ko, “Mahal kita kaya ako nagkakaganito.”

 

0849. Minsan naisip ko na basura lang naman ako sa life mo. Pero ok lang, sanay na ko. Gusto ko lang malaman mo na kahit basura lang ako, if you need me, nandito lang ako. Nakakalat para sayo!

 

0850. Diba meron silang tinatawag na taong para sayo? Malalaman mong siya yun kapag lahat ng bagay umaayon sa inyo. Pero ako, kahit buong mundo ayaw satin, gagawin ko ang lahat maging ikaw lang yung taong para sakin.

 

0851. If I ask you to go, would you obey? What if I tell you to forget me? Would you? What if I tell you to leave me alone? What will you do? Sana matigas ang ulo mo kasi I want you to stay forever.

 

0852. Pag ako namatay, idodonate ko yung puso ko sa taong mahal mo. Hindi para mahalin mo rin ako kundi para mahalin ka ng taong yun tulad ng pagmamahal ko sayo.

 

0853. Mahirap mawalan ng kaibigan, ng kabarkada, ng kasama, ng tulad mo. Mahirap: pag kaw nawala. Mas mahirap: kaw hanapin. Pinakamahirap: kaw palitan. At never ko yung gagawin!

 

0854. Kung makikita mo akong nag-iisa, wag kang mahihiyang lumapit dahil naghahanap ako ng makakausap. At kung tatanungin mo naman kung bakit ako nag-iisa, ang isasagot ko lang, “Hinihintay kasi kita.”

 

0855. I saw you sad, I saw you crying. I heard you’ve been hurt. I wonder why. Gusto ko sanang isipin na ako ang dahilan pero bakit mo naman ako iiyakan? Ano ba ako sa buhay mo? Diba wala naman?

 

0856. Bakit minsan may mga taong sa atin na pero ipinamimigay pa natin at hinahayaang mapunta sa iba? Tapos kung kailan wala na sila, tsaka lang natin malalaman na masyado kasi tayong bulag para hindi malaman na mahal na pala natin sila dati pa.

 

0857. If you find a shooting star, wag kang magwiwish cause it won’t come true. Hindi naman yun totoo, eh. Tingnan mo ko. I wished to have you. May nangyari ba? Wala naman, diba?

 

0858. I’ve been waiting all my life to find someone like you. Now that you’re here, I realized na mali pala yung ginawa ko. Di pala kita dapat hinintay, dapat hinanap kita. Noon pa sana ako ganito kaligaya!

 

0859. Mahal kita pero ako mahal mo ba? Special ka pero ako special ba? Sana maisip mo kung gaano ka kahalaga at sa huli masabi mo sakin na, “Oo, mahal kita.”

 

0860. Minsan may mga pagkakataon na nalulungkot tayo dahil hindi natin makuha ang gusto natin. Pero naisip ba natin na kaya hindi ito ibinibigay ay dahil nakalaan ito para sa iba? Parang ikaw. Mahal kita kaso sa kanya ka na at para sa kanya ka nga talaga.

 

0861. Bakit ganon? Kapag kumanan ako, umaasa lang ako. Kapag kumaliwa, nasasaktan naman ako. Nung dumiretso ako, naisip kong ikaw talaga ang mahal ko. Isa lang ba talaga ang direksyon ng buhay ko? Laging pabalik sayo?

 

0862. Nalimutan ko nang umiyak. Sobra kasi ang pagmamahal mo. Sana lagi na lang ganito. Sana hindi ka na umalis sa tabi ko. Yun nga lang dapat akong makuntento at manatiling kaibigan mo.

 

0863. Someone asked me, “Sino si Ace sa buhay mo?” I didn’t answer. Then he repeated the question, “Sino nga ba si Ace sa buhay mo?” Without a glimpse, I replied, “Si Ace? Siya ang buhay ko.”

 

0864. Pag malungkot ka, iyak lang. Umiyak ka lang nang umiyak! Ubusin mo ang luha mo. Pero tandaan mo ang lugar ng unang patak ng luha mo dahil dun papatak ang dugo ng nagpaiyak sayo.

 

0865. Naiinis akong makita kang umiiyak, nalulungkot, nag-iisa dahil mas lalo akong nagsisisi at nanghihinayang. Dapat kasi masaya tayong dalawa kung pumayag ka lang sana na mahalin kita.

 

0866. Diba masakit pag iniwan ka? Pag niloko ka? Pag pinaasa ka? Pero diba mas masakit pag umiwas siya kahit ramdam na ramdam mo na mahal niyo ang isa’t isa?

 

0867. Masakit saktan ang minamahal mo lalo na kung hindi mo sinasadya. Gustuhin mo mang ituwid ang lahat ng pagkakamali mo, tsaka mo lang malalaman na huli na pala. Kasi naituwid na ng iba.

 

0868. Ako, kapag iniwan ng kaibigan, bumabagyo ng luha, lumilindol sa lungkot! Kaya ikaw, kapag iniwan mo ko, ang buong mundo ko ay magugunaw mo!

 

0869. Nakakabadtrip ang mga quotes. Minsan kahit totoo na, iisipin mo pa ring forward lang. Minsan kahit forward lang, iisipin mong totoo. Pano kaya kung sabihin kong mahal kita? Iisipin mo bang forward lang kahit totoo?

 

0870. Alam kong mahal kita pero ayokong aminin. Hindi naman sa kinahihiya kita, hindi rin dahil sa takot ako. Ang akin lang, hindi mo na kailangang malaman kung hindi mo rin naman kayang suklian.

 

0871. Dapat akong magalit sayo dahil pinaiikot at pinaglalaruan mo lang ako. Pero sa tingin ko mananatili na lang itong isang “dapat”. Dahil hindi ko magawa ni isiping magalit sa isang taong sobrang mahal ko.

 

0872. “Bakit umiiyak ka na naman? Eh kasi mahal mo pa din, no?” “Oo, eh.” “Kahit niloko ka na? Kahit pinaasa ka lang?” “Hmm. Oo. Hoy, bakit ikaw naman ang umiiyak?” “Kasi hindi ko talaga siya mapantayan.”

 

0873. Naisip ko, bakit kaya ganon? May inaabot tayong mga bagay na parang perpekto na pero kahit ano pang gawin natin, hindi talaga natin makuha. Tapos dumating ka. Ngayon naiintindihan ko na.

 

0874. Nung nawala ka, inask ko si God, “Bakit mo pa binigay kung babawiin mo lang din?” Ang sagot niya, “Maging masaya ka na lang dahil kahit sandali naging sayo siya. Nakalaan kasi siya sa iba.”

 

0875. There was a time when someone secretly loved you, someone secretly got hurt. That someone is still crying. Do you know who that secret someone is? Teka lang, ha? Pupunasan ko muna ang luha ko.

 

0876. Pag nagmahal ka, lahat daw pwede pero hindi. Dahil kahit ubusin mo pa ang luha mo, mangako ka mang maghihintay ka, mapapagod ka din. Mahirap kasing ipaglaban ang sinasabi mong pagmamahal kung ikaw lang ang nakakaramdam.

 

0877. Minsan ang taong mahal mo walang paki sayo dahil alam niyang nandiyan ka palagi para sa kanya. Pero darating din ang araw kung kailan wala ka na, dun niya malalaman na ikaw pala ang mahal niya.

 

0878. May nagawa ba akong mali sayo na nakuha mo akong saktan ng ganito? Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya ka, ha? Iniwan ko ang lahat para makasama ka. Ngayon nasaan ka? Sumama sa iba.

 

0879. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman mo para sakin pero kung ano man yun, nakahanda ako. Mahal mo man ako o hindi, laro man o totoo. Isa lang ang alam ko, mahal kita masaktan man ako.

 

0880. Ano yung masakit pag na-inlove ka sa close friend mo? Yung makita mo siyang masaya kasama ng iba, ok na ok kahit wala ka. Kahit alam niyang ikaw, nasa malayo, umiiwas kahit nasasaktan para lang makalimutan yung nararamdaman mo para sa kanya.

 

0881. I thought I’d feel better if I’ll set you free to love anybody, hindi pala. Mas lalo akong nasaktan nung pinalaya kita kasi sa lahat naman ng pipiliin mong mahalin, bakit kaibigan ko pa?

 

0882. Bakit ganon? Meron na kong iba pero ikaw pa rin ang nasa isip ko. Nasa tabi ko na siya pero ikaw pa rin ang hinahanap ko. Nandiyan na siya pero alam kong ikaw pa rin ang mahal ko. Anong gagawin ko? Ikaw talaga, eh. Kahit dapat siya na.

 

0883. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo hindi mo ko iiwan. Sabi mo tayong dalawa hanggang huli. Eh, bakit walang natupad miski isa? Ay, oo nga pala. Hanggang salita ka lang talaga!

 

0884. Minsan hintay kayo nang hintay. Yun pala nagpapakiramdaman lang kayo kung sino ang mauuna. Tapos pagdating naman sa huli, pareho din kayong nagsisisi at nagsasabing, “Bakit naman kasi.”

 

0885. Tuwing umiiyak ka, nasasaktan ako. Tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Pero alam mo ang pinakamasakit na alam ko? Ito. Darating ang araw na sasabihin ko sa kanyang, “Ingatan mo yan, ha? Mahal na mahal ko yan.”

 

0886. Minsan na-iinlove ka ng sobra kahit parang hindi na tama, kahit parang guilty ka na. Sige ka pa rin sa kaiisip sa kanya kahit alam mo na sa puso niya ang laman ay iba.

 

0887. Naaalala mo dati? Tinanong mo ko kung bakit ako umiiyak. Sabi ko kasi hindi ako mahal ng mahal ko. Tinanong kita kung anong gagawin ko. Sabi mo maghintay lang ako. Hanggang kailan? Hanggang iwan ka na niya?

 

0888. Masaya ka basta masaya ang mahal mo. Analyze. Ang sitwasyon ay masaya ang mahal mo, nakangiti siya at nakatawa pero iba ang kasama. Ano? Masaya ka pa ba?

 

0889. Pag dumating ang araw na malaman kong dalawa ulit kaming mahal mo, hindi na kita papipiliin saming dalawa. Hahayaan na kita sa kanya. Bakit? Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo kong talaga, diba?

 

0890. Minahal kita kasi simple ka lang. Simpleng pumorma, simpleng magmahal. Lahat simple para sayo. Pero hindi ko alam na sa simpleng paraan mo din pala ako sasaktan.

 

0891. Pilit kong isinasaksak sa isip ko na hindi na kita mahal, na nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo. Wala nang sakit, selos o panghihinayang. Pero sa kabila ng lahat ng ito, naitatanong ko pa rin sa sarili ko, “Totoo na ba to?”

 

0892. Falling for someone who doesn’t know your existence would hurt a lot to the point that you want to scream and shout in front of him. But then he would just tell you, “Wala akong ginawa. Ikaw lang tong umasa.”

 

0893. Sabi nila pag ang mahal mo ay may mahal nang iba, wala kang dapat gawin kundi ang maging masaya para sa kanya. Pero putek! Paano ka magiging masaya kung ang tanging taong nagpapasaya sayo ay masaya sa piling ng iba?

 

0894. Mahal kita pero hindi ko hinihingi na paniwalaan mo ako. Ang gusto ko lang ay malaman mo na hindi ka mawawalan ng magmamahal sayo hangga’t nandito ako.

 

0895. Nakakainis! I’m running out of quotes! Wala na kong ma-forward sayo na sweet message. Pwede bang ganito na lang? Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Ok na ba yun?

 

0896. Mabait ka daw. Sabi ko, “Oo naman!” Cute ka daw. Sabi ko, “Talaga!” Palabiro ka daw. Napakamot ako sabay ngiti. Pero sa loob ko, “Pati nga puso ko biniro niyan, eh.”

 

0897. Bakit noon hindi ko napansin na mahal na pala kita? Bakit noon hindi ko pinagtapat na mahal na pala kita? Bakit ngayon ko lang nadama kung kailan may mahal ka nang iba? Tuloy hanggang kaibigan na lang kita kung kailan mahal na kita.

 

0898. Mahirap sabihin na ayaw mo na dahil gusto mo pa. Mahirap magmahal nang hindi niya alam. Mahirap magmahal ng taong may mahal nang iba. Pero kahit ano namang hirap, siya pa rin, diba?

 

0899. Pinahalagahan kita, niloko mo ko. Inalagaan kita, pinabayaan mo ko. Minahal kita, sinaktan mo ko. Pinakawalan kita, iniwan mo nga ako!

 

0900. Paano nga ba mabuhay ng wala ka? Parang ang hirap, parang hindi ko kaya. Sana hindi ka mawala, sana hindi mo ko iwan, sana hindi ako magising isang araw na umiiyak at hinahanap ka. 

NEXT

copyright@link2kennethvelmar.bravehost.com